" How can I be reasonable? To me our love was everything and you were my whole life. It is not very pleasant to realize that to you it was only an episode. "
- W. Maugham*****
Fern's POV
" Isang basong tubig nga," utos ni Jared sa akin habang nanonood siya nang anime kasama ang kakambal sa sala. Hindi ko alam kung bakit nakatambay ang dalawang ito rito kahit wala si Ares. Inirapan ko sils at saka tumayo para ikuha siya nang tubig. Nang makakuha na ako nang tubig niya ay binalikan ko sila.
"Oh tubig mo!"
Hindi man lang niya ako pinasalamatan. Naghihiyaw silang dalawa at nag-aapiran pa habang nanonood na nakakadisturbo sa aking paglilinis. Nililinis ko lang naman kasi ang kalat nila. Pati ang mga nagkalat na candy wrappers ay nasa sahig na at inaapakan lang nila. Mukha tuloy sa kanila ang bahay kung umasta sila."Red, pakikuha nga pala ako nang beer sa ref," utos uli ni Kael.
Inirapan ko uli sila at saka pumunta sa kusina para ikuha ang Kael na ito nang beer. Iniabot ko uli ito sa kanya at walang narinig na salamat mula sa kanya. Bumalik uli ako sa aking paglilinis nang tawagin uli ako ni Jared.
"Red, pakikiha-"
" Ano ba kayo! May paa
namam siguro kayo para maglakad. Pagod na ako diyan sa mga kalat niyong iyan! Hindi ko nga ito bahay pero hindi rin naman ako katulong para pagsilbihan kayo!" sigaw ko sa kanila.b" Ooppss... hehe .. sorry."
Nakakabwesit lang kasi! Pagod na nga ako rito sa gawaing bahay! Dahil sa inis ko ay umakyat na lamang ako sa aking kwarto. Hayst, isang taon na ako rito sa restobar ni Ares wala pa rin akong ipon. Paano na lamang kung magbabayad ako nang tuition?! Sana naman pala nasabi ko kay Mama.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad siyang tinawagan.
"Hello Ma, kamusta ka na?" tanong ko sa kanya nang sagutin niya ang aking tawag.
"Tatawagan sana kita kaso tumawag ka na. May importante kasi akong sasabihin sa iyo," ani Mama at mukhang excited pa siya sa kung ano man ang sasabihin niya.
"Ano po iyun?"
" Uuwi na ako!" masiglang balita niya na nagpangiti sa akin.
" Talaga po? Kailan?"
"Sa susunod na linggo! At hindi lang ako nag-iisa," kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi niya.
" May kasama ka po ba pabalik?"
" Oo naman syempre kasama ko ang lola mo!"
"ANO?!" Halos mailuwa ko na ang eyeballs ko sa mata nang marinig ang sinabi niya.
"Oh bakit parang gulat ka Fern? Hindi ka ba natutuwa at dadalaw diyan ang lola mo?"
Sino ba namang hindi magugulat kong si Lola ang usapan?! Tumatayo ang balahibo ko sa katawan kapag naaalala ko ang mukha ni lola. Napakaistrikto kasi niyang tao at ang natatandaan ko pa ay ang magmamaltrato niya sa akin noong bata pa ako. Ayaw kasi niyang nakikita ako noong madungis at gusto niya lagi akong nakikitang nag-aaral. Kaya nga simula pa noong elementarya ay top one ako lagi. Mataas ang standards niya lalo na sa mga apo niya. At siguradong ngayong babalik siya ay alam kong gulo na naman ang maabot ko rito lalo na at hindi niya alam na naghiwalay na kami ni Orion!
"Fern..? Andiyan ka pa ba?" tanong ni Mama sa kabilang linya.
" O-opo Ma. Mabuti po kapag ganoon."
" Tsaka nga pala ano nga pala ang bagong address niyo ni Orion?" tanong niya.
Patay ako nito!
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...