Fern's Pov
" Tara na kasi. Promise kapag nandoon na tayo siguradong magsasaya ka don!"ani Chantal sa kabilang linya nang telepono.
Kaninang umaga pa niya ako kinukulit noong nasa school pa kami na sumama raw ako sa kanila sa beach. Maganda nga naman ang plano nang grupong pumunta kami pero heck, pupunta kasi si Orion. Narinig kong sasama raw siya dahil kilangan niyang magrelax sa hirap nang exam nila.
Hindi pa rin kasi kmi nag-uusap simula namg mangyari iyon. Nahahalata na nga rin ni Mama na iniiwasan namin ang isat isa. Sinasabi ko lang na kunting tampuhan lang naman ang nangyari.
" I'm busy,"sagot ko.
" Busy saan? Andami mo namang dahilan Fern. Bakit ba kasi ayaw mo sumama, sasama naman si Ares a. Aren't you happy na pwede kayong magdate roon ni Ares. I can set you two on a romantic date!" aniya dahilan para magbuntong hininga ako.
Nakahiga ako sa kama at nang umupo ako ay nakita kong nag-iimpake si Orion nang damit niya para sa outing. Mukhang kunti lang ang damit na kukunin niya.
"Fern nakikinig ka ba?!" sigaw ni Chantal sa kabilang linya.
" Okay. Sasama ako pero may mga kundisyon ako," sagot ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na sumama. Marahil tama ngang sumama ako para makapagrelax. Isang taon rin naman akong hindi nakapunta sa beach.
Sinabi ko ang mga kondisyon ko. Separate ang kwarto nang mga babae sa lalaki. No romantic dates. Basta magpakasaya lang ang grupo.
Sumang ayon naman si Chantal.
Nang ibinaba ko ang telepono ay tumingin sa akin si Orion. Umiwas ako nang tingin at tumayo para mag-impake na rin.
Dalawang araw kami roon. Mukha talagang gusto nilang ienjoy ang weekend sa beach. Kumuha ako nang mga shorts, sando at mga maninipis na blouse. Nang maalala kong beach nga pala ang pupuntahan namin at siguradong mapapasabak ng katawan ko. Naghanap ako sa drawer nang pwede kong gamitin kong sakaling magsu swimming kami.
Ngumiti ako nang makita ko pa ang hinanap ko. Siguro naman papayagan nila akong suotin ito sa beach.
Kinuha ko iyun at inilagay sa maleta.
Nang matapos akong mag-impake ay tumingin ako sa direksiyon ni Orion at abala siya sa pagpipili nang lotion na ilalagay niya sa kanyang bag. Maaarte rin pala ang nilalang na ito sa katawan. Doon ko rin naalalang kunin ang skin care na gustong gusto kong gamitin. Pagbukas ko nang drawer ay kinuha ko ang lotion at nagulat na lamang ako nang malaglag ang isang makapal na photo album na nakalapag sa mesa.
May mga ilan pang litratong tumilapon sa may paanan ni Orion. Lumuhod ako para pulutin iyun nang mapagtanto kong ang mga wedding pictures namin iyun ni Orion.
Pinulot ko ang isang litrato. Napangiti ako nang makita ko ang mukha kong may icing nang cake sa pisngi. Si Kuya Loki ang gumawa niyon sa akin.
Ang isa namang litrato ay nakangiti ako pero hindi ako nkatingin sa camera. Nakatingin ako sa lalaking wala man lang expression ng mukha. Halos lahat yata nang pictures namin hindi siya nakangiti.
Lumapit sa akin si Orion at tinulongan niya akong pulutin ang mga nakakalat na litrato.
Doon ko na siya kinausap.
"H-hindi mo pa pala naitapon ang mga pictures na ito,"aniko.
Mukhang nagulat siya dahil kinausap ko siya." Maraming kopya si Mama nito. Siya yata ang naglagay nito sa drawer ko,"sagot niya.
Ngumiti ako nang makita ko ang picture ko kung saan ako napahiga sa sahig dahil nalaglag ako ni Orion. Kukuha sana kami nang bridal shot kung saan ako bubuhatin ni Orion kaso nabigatan yata sa akin, ayun nalaglag ako sa sahig. Naaalala ko pa nang mangyari iyun. Halos nagsitawanan ang mga bisita.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomansaAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...