"The love that lasts the longest is the love that is never returned."
-W. Maugham
*******Fern's POV
" No way!" sigaw ko nang sabihin ni Orion ang tungkol sa plano niyang pagtira naming dalawa sa unit niya.
" I don't like it either, unless you have a better plan," aniya.
I have to think! Baka mas may maganda pang solusyon kesa sa sinasabi ni Orion.
" See, they're coming in three days. I also heard that maybe they're staying here for good," dagdag ni Orion.
"Okay. Let's go for your plan... but kailangan rin nating sabihin ang totoo kay lola."
"Na hiwalay na tayo?"
"Yes. My plan is to tell lola na after all these years na magkasama tayo sa iisang bahay, narealize nating dalawa na hindi pala tayo para sa isat isa," suggestion ko kay Orion.
"And?"
" And maghihiwalay tayong dalawa dahil nalaman kong bakla ka," dagdag ko pa habang nagpipigil nang tawa.
" What?! I won't buy that reason. Ako bakla?Who the heck will believe that? I'm too good looking to be called a gay," saad niya.
" Wala na nga akong ibang rason okay. Bakla ka, at iyun ng sasabihi-," bago pa ako matapos ang sasabihin ko ay nilapitan niya ako.
"Huwag kang lumapit," banta ko sa kanya habang ipinanghaharang sa kanya ang kamao ko. Humakbang pa rin siya palapit sa akin kaya napapikit ako nang maramdaman ko ang hininga niya malapit sa akin. Ano bang ginagawa niya?!
" Dummy, are you expecting me to kiss you?" sambit niya at saka ako tinawanan.
"H-hah? A-ang kapal mo hah!" aniko at umiwas nang tingin dahil alam kong kulay kamatis na naman ang pisngi ko.
" Move. Aalis na ako. I'll decide for a better plan at kapag may naisip ka rin tell me," ani Orion.
Tumango lang ako at humakbang para buksan niya ang pintuan.
"The door won't open," ani Orion habang pilit binubuksan ang pintuan.
" Are you kidding me?" Hindi ito magandang biro. Lumapit ako at saka pinilit buksan ang pintuan.
" Kung bakit mo ba naman kasi naisip na rito ako kausapin? Look! Paano na tayo makakalabas rito?!" inis na sabi ko kay Orion habang kalmado lang itong nkatingin sa akin.
"Seriously? Aren't you going to panic na nakakulong tayo rito pareho?!" sigaw ko sa kanya.
" Why should I? Bubuksan rin naman nila ito in just few minutes dahil mag-aalauna na. Siguradong may gagamit sa lab.," kalmado pa ring sabi niya.
Napabuntong hininga na lamang ako.
" Don't tell me ayaw mo akong makasama rito? Natetense ka ba?" napakunot-noo ako sa tanong niya.
" Ako? Oh my , ano tinira mo? Nakadrugs ka ba?! Ang yabang mo ah. Sinong natetense? Masyado lang mabaho ang lugar na ito nangangamoy pa-," bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nilapitan uli niya ako. Palapit siya nang palapit hanggang sa wala na akong maatrasan at tumama ang likuran ko sa pader.
" Oops!Lumayo ka nga!" ani ko sa kanya pero parang wala itong narinig at ngumisi lang na isinandal ang mga palad malapit sa magkabilang balikat ko.
Nag-init bigla ang pakiramdam ko dahil naamoy ko na naman ang pamilyar nitong pabango.
"See, you're blushing," pang-iinis pa niya.
Kinapa ko ang pisngi ko at mainit nga. Sheyte!Kamatis pa naman ako kung mamula! Para makaalis sa pagkakakulong sa kanya ay tinuhod ko siya. Napahawak naman siya sa binti at saka tumingin sa akin nang masama.
" T-tandaan mo ito Orion Fontanilla, hindi na ako tulad nang dati," aniko.
"Huwag kang masyadong defensive. Wala naman akong ginagawang masama ah," nakangising sabi niya na mas lalong ikinainis ko.
Hindi ko siguro kakayaning makasama uli siya sa iisang bubong. Ngayon pa lang, nanggigigil na kong balian siya nang leeg.
Lumipas ang ilang minuto na hindi kami umimik ni Orion ay bumukas ang pintuan. Isang professor ang nagbukas noon.
" Oh Mr. Fontanilla, nauna ka na pala rito. Ang aga mo naman sa klase mo. Ay oo nga pala hawak mo nga pala ang susi," ani noong professor at pakiramdam ko ay umakayat lahat nang dugo ko sa ulo nang marinig ko iyun. Inirapan ko si Orion. Humanda talaga siya sa akin kapag may kalokohan na naman siyang gagawin.
Nasa hallway ako nang makasalubong ko si Ares.
"Woah, Red. Anong nangyari diyan sa mukha mo? Pulang pula ka, may sakit ka ba?"tanong ni Ares sabay sapo sa aking noo.
"O-okay lang ako. Nakakita kasi ako nang hayop na nakakainis kanina. Sarap ngang sabuyan nang kumukulong tubig,"aniko sabay koyum sa aking kamay.
" I wonder kung sino ang tinutukoy mo," ani Ares. " By the way, Red, nasabi ko na ba sa iyo? Chantal's coming next week."
"Ano?!T-teka lang. Dadating rin kasi ang mama ko next week," ani ko kay Ares.
"Hah?"
"I mean may malaki rin akong problema Ares. Halika ikukuwento ko sa iyo sa canteen," aniko sabay hila sa kanya papasok sa canteen.
***
" Darating ang lola mo?! At hindi nila alam na hiwalay kayo nang asawa mo?And they're expecting na makikita kayong magkasama sa iisang bahay? That's really a big problem, " ani Ares. Mukhang walang maitutulong sa akin ang lalaking ito.
Isang batok sa ulo ang natanggap ko mula sa likuran at nakitang si Jared ang gumawa noon. Tinaponan ko siya nang masamang tingin at saka ibinato ang pipino na nasa hamburger ko sa mukha niya. Tumama iyun sa kanyang ilong pero kinuha niya ito at kinain. Nakakadiri talaga ang Jared na ito! Mula sa likuran niya ay naroon din sina Liam at ang dalawa pa.
" So what was your problem Red? Did I hear it right?Your husband?" tanong niya.
I explained everything to them at ni isang mungkahi o solusyon wala silang masabi. Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil kahit isang taon na ang lumipas bakit parang gustong gusto akong paglaruan nang tadhana?!
****
After nang klase ko ay naabutan ko si Orion sa gate. Nang makita ko siya ay umiwas ako at bumalik papasok sa building. Ayoko talagang makasama o makausap ang Orion na iyan. Binilisan ko ang paglakad ko at umikot ikot sa loob nang building. Nagtago ako sa likuran nang locker room nang may humablot sa bag ko.May apat na mga babaeng nakapalibot sa akin. Hindi ko napansing may tao pala rito dahil sa pagmamadali kong magtago.
" It's you! Red right?" tanong noong isang babaeng nakasuot nang crop top na kita ang pusod.
Tumango ako bilang sagot.
" Here,"nakangiting sambit noong babae habang iniaabot ang bag kong hinablot niya.
Hindi ko gusto ang aura nang mga babaeng ito. Akmang aabutin ko na sana ang bag ko ay bigla niya itong binitiwan at nalaglag ito sa sahig.
" Oops, sorry. Nadulas yata sa kamay ko," nakangising sagot noong leader nang mga babae.
Hindi ako nakaimik sa nangyari at mas lalo pa akong nagulat nang sipain nila ang bag ko malapit sa basurahan.
" Ay bag mo nga pala iyun, akala ko kasi basura kagaya mo. Anyways, nice meeting yoi Red. Sana naman alam mo na kung saan ka dapat lumugar. Huwag mo nang lalapitan si Ares," ani naman noong isa at humalakahak na tinalikuran ako. Sumunod naman ang tatlo nitong alipores at sabay sabay akong inirapan.
Nangyari na ito sa akin dati. At tulad nang dati, wala na naman akong nagawa. Pinulot ko ang bag ko at napansing nakatayo si Orion malapit lang sa akin at tinitingnan ako. Napabuntong hininga na lamang ako at saka umalis.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
Storie d'amoreAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...