Eighteen🍀

69 2 0
                                    


Fern's POV

" Are you sure La? I mean okay na po sa amin ni Orion iyong civil wedding. No need for a Church Wedding," sagot ko at lumapit sa kanila.

" Why? Maganda naman ang plano ko hija. Nasa tamang edad na kayo ni Orion at gusto kong makita kayong ikasal sa simbahan bago ako mawala sa mundo," nakangiting ani lola.

Tumingin ako kay lolo dahil alam kong alam niya kung ano nga ba ang nangyayari. Alam naman niyang wala na kami ni Orion.

" Mukhang tama nga ang lola mo Fern," sang ayon ni lolo.

Tumingin ako kay Orion para naman humanap nang kakampi. Alam namin pareho na divorce lang ang kakahantungan nang kasalang magaganap na alam ko ay hindi rin mangyayari.

" Masaya naman kami ni Orion sa kasalang naganap noon. Gagastos lang tayo kung ikakasal uli kami," aniko.

"R-right. No need for a Church Wedding," ani Orion.

" We're just college students. Kapag nakapagtapos na kami saka na lang namin iisipin kung gusto namin nang isa pang seremonya," aniko. Pinagpapawisan ko dahil sa gustong maganap ni Lola. Like a church wedding?! Hindi ko naman yata gustong mangyari iyon. Heck no! Baka nga mauna pa ang divorce namin kesa diyan sa Church Wedding na iyan.

" Well, pag-isipan niyo muna. Matanda na kami nang lolo mo at hindi namin alam kung tatagal pa ang mga buhay namin para makita kayong ikasal muli," dagdag ni lola.

****

" See,, lumalala na ang sitwasyon natin. Ano kaya kung umamin na tayo sa kanila,"sabi ko kay Orion nang makauwi kami.

" I know. But its your lola's decision. Masasaktan siya kapag nalaman niya," sagot ni Orion na dahilan para pagtaas ko siya nang kilay.

" Then how about us? Sasang ayon lang ba tayo sa mga plano nila? Orion we're talking about US. Wala naman tayong planong lokohin pa ang mga tao sa paligid natin hindi ba? Tapos na ang relasyon natin," sagot ko.

Nagbuntong hininga na lamang siya at saka tumingin sa akin.

" Okay. Kung gusto mong tapusin ito, kausapin mo ang lola mo," aniya at saka ako iniwan sa lobby nang building.

Pakiramdam ko masisiraan na ako nang ulo sa mga nangyayari. I wasn't expecting that lola had a plan. I know na masasaktan siya kapag nalaman niya pero ayoko nang ganito.

Ayoko nga ba talaga?

Ay teka! Why would I doubt myself. I'm 100 percent sure na nakamove on na ako.

Nang makarating ako sa loob nang unit ay tinawag ako ni Mama. Habang si lola ay nagpapahinga sa kwarto ay kinausap ako ni Mama.

" Fern, sumang ayon ka na lang sa gusto nang lola mo," ani mama. Siguro sinabi niya ito dahil nahahalata niyang hindi ako umaayon sa gustong mangyari ni lola.

" Ma, is that even important? I mean kailangan ba talaga ni lola na pumunta rito para lang makita kaming ikasal uli ni Orion?"

" Basta sundin mo na lamang ang gusto niyang mangyari. Hindi ka ba masaya na ikakasal uli kayo? Hindi na ito civil , it's a church wedding! Lahat nang angkan dadalo," ani Mama.

Gusto kong sabihin kay Mama kung ano ba talaga ang nangyari. Na wala na kami. Siguro nga ito na ang tamang panahon para sabihin ko. Kailangan ko na nga sigurong ipaalam bago pa mahuli ang lahat.

"Ma ang to-,"

" May taning na ang buhay nang lola mo Fern," ani Mama at tumingin siya sa akin nang seryoso. Hindi ako makapagsalita sa narinig ko.

" P-po?"

" Matagal ko nang inilihim ang bagay na ito sa iyo Fern. Pero ang dahilan kung bakit ako namalagi sa Japan nang ilang taon ay para bantayan ang lola mo. Matanda na siya at ako lang ang inaasahan niyang mag-aalaga sa kanya," malungkot na wika ni Mama.

"A-ano po ba ang sakit ni Lola?" tanong ko.

" May bukol ang puso nang lola mo. Hindi niya kakayanin kung ooperahan pa siya. Kaya hanggat maari sundin mo lang ang gusto nang lola mo," ani Mama.

" Paano po ang mga gamot ni lola?"

" Ang totoo niyan paubos na lahat nang ipon ko dahil sa masyadong mataas na bayarin sa gamutan nang lola mo. Pero debali na, susuportahan pa rin naman kita sa pag-aaral mo," ani Mama pero ramdam kong nahihirapan na rin siya sa sitwasyon.

"A-alam po ba ito ni Papa?"

Tumingin uli sa akin si Mama. Alam kong ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol kay Papa. Lalo na at ako ang dahilan kung bakit siya umalis. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kasi alam ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ako ni Papa. Marahil ay dahil hindi niya ako tunay na anak pero bakit mas pinili niyang iwanan si Mama? Hindi ko kayang tanungin si Mama tungkol dito dahil ayaw kong masaktan siya o masaktan ako kapag nalaman ko ang totoo. Mas mabuti nga sigurong huwag ko nang alamin.

" H-hindi...," ani Mama at tumayo para iwasan ang mga katanungan ko tungkol kay Papa.

Nang matapos kaming makapag-usap ni Mama ay dumiretso ako sa aking kwarto at nadatnang nagbabasa nang libro si Orion. Tumingin siya sa akin at inirapan ko siya.

" Orion....," tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin at nagtaas nang kilay. Sasabihin ko ba ang tungkol kay lola? Tumingin ako sa kanya at saka nagbuntong hininga.

"W-wala," aniko at saka padapang humiga sa kama. Mas mabuti nga sigurong amin na lang muna ni mama ang tungkol kay lola. Kailangan ko pang pag-isipan kung tutuluyin pa ba namin ang kasal na gusto niya. Gulong gulo na ang isip ko at litong lito sa kung ano ba ang gusto kong gawin. Kailangan ko pang pag-isipan ito nang mabuti. Siguro nga kailangan ko munang kausapin sina Alexander at Alexa tungkol dito. Siguro mas makakabuti nga sa akin ang bisitahin sila sa susunod na linggo.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon