"It isn't always about someone who'll fix your broken walls. Sometimes, it's about someone who'll protect what remains. You don't need someone who'll fix you. Sometimes, you need someone who'll accept broken you and wait 'til you find the other pieces of you."
~Cielo, presence is love
******
Flashback
Fern's POV
" Miss kasalanan mo ito! Tingnan mo kung ano ang ginawa nang driver mo sa kotse ni boss!" sigaw noong matabang driver na nakashades at nagkakamot nang ulo. Kakakamot nito ay tumaas ang suot nitong pulo at kita na ang pusod nitong maitim.
Nasa gitna kami nang kalsada at heto nga at isang oras bago ang flight ko sa Japan ay nabangga noong sinasakyan kong taxi ang sasakyang ito at sa minalas malas ko ay pagkababa ko para kauspin ang driver nang nabangga kong sasakyan ay ako naman ang tinakbuhan noong taxi. Kapag minalasmalas ka nga naman!
"Sorry po pero isang oras na lang po kasi ay flight ko na sa Japan! Kailangan ko nang makapunta sa airport," pagpapaumanhin ko.
" Miss, bilyon ang halaga nang kotseng ito. BILYON at kailangan pang iimport ang mga parte nito sa ibang bansa," sagot noong driver.
" Pero gasgas lang naman ang naabot nang kotse niyo!" sagot ko at nilapitan ang kotse.
" Anong gasgas lang?! Basag iyong windshield at ang rearview mirror," sagot niya at doon ko nakitang may basag ang salamin nang kotse.
" Matagal pa ba iyan?!" rinig kong sigaw nang nasa loob nang sasakyan.
Ito na siguro ang may-ari nang kotseng nabangga ko. Agad akong lumapit sa bintana at dahil tinted ang kotse ay hindi ko makita ang tao sa loob. Kinatok ko ang bintana para naman sana bumaba siya at mag-usap kami.
Bumaba nga siya kaso pagbukas niya nang pintuan nang kotse ay tumama ang mukha ko rito kaya agad akong napahawak sa ilong ko.
Haist! Wala man lang modo ang lalaking ito!Isang lalaking matangkad at nakasuot nang puting barong ang lumabas sa kotse. Mukha ngang dadalo pa ito sa isang magarbong okasyon dahil sa suot niya at hindi nga maitatangging mayaman siya dahil sa hitsura niya at sa istilo nang kanyang pagtayo. Nakapamulsa iyong sumandal sa kanyang kotse.
"Miss, limang milyon ang kailangan mong bayaran sa nasira mo sa kotse ko," mahinahong sabi niya.
"Wala akong pera tsaka masyadong namang mahal ang hinihingi mo para sa sira nang kotse mo," sagot ko. Tumingin ako sa aking relo at tatlongpong minuto na lang ay aalis na ang eroplanong sasakyan ko.
" Miss nagpapatawa ka ba? Mamahalin ang kotseng ito," seryosong sagot niya.
" Kahit anong gawin niyo sa akin, wala po kayong makukuha sa akin. Sir please, simple lang po akong mamamayan wala akong ganun kalaking pera!Pero kung gusto mo ibebenta ko na lang ang aking atay, ang aking kidney o kung pwede nga lang pati sana utak ko para mabayaran ang sira nang kotse mo eh," sagot ko.
Nakakunot-noo lang itong tumingin sa akin at saka humalakhak nang pagkalakaslakas saka tumingin sa akin.
" Okay, that was funny pero hindi mo naman kailangang ibenta ang internal organs mo," ani niya at patuloy pa ring siyang tumatawa.
Tumingin uli ako sa orasan ko at kailangan ko na talagang umalis kaya naisipan kong tumakbo pero mukhang nabisto niya ang plano ko dahil hinawakan niya ako sa braso.
" Where do you think you're going? Kailangan mo pa rin akong bayaran," sabi niya at inilahad ang kaliwang kamay.
"Wahhh, wala nga akong pera! Siguro naman sa yaman mong iyan piso na lang ang limang milyon! Kailangan ko nang umalis dahil may flight pa ako kaya-," bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na lang na pinosasan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomantikAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...