Nineteen🍀

71 2 0
                                    

Fern's POV

" Aw, ang cute cute talaga ni Orion!" ani Chantal habang pinagmamasdan  ang baby picture ni Orion. Ilang araw kasi niya akong kinulit tungkol sa litrato ni Orion. Pati nga sa panaginip nagpapakita rin siya. Kesyo daw gusto niya makita ang picture nang Prince Charming niya noong sanggol pa.

Mabuti na lang at may mga natira pa akong photo albums at kinuha ko ang isa sa mga litrato ni Orion noong sanggol pa siya. Madami na kasi akong kopya nang mga larawan ni Orion. Nakalimutan ko kasing sunugin.

"Nga pala, have you seen Ares? Ilang araw nang wala ang boyfriend mo. Aren't you worried na baka may babaeng kumidnap sa kanya?" tanong ni Chantal habang ngumunguya nang chips. Nasa may soccer field kami at nakaupo sa damuhan. Masarap kaai magpahangin rito at maganda rin ang tanawin lalo na ang mga punong kulay pula ang mga dahon. Marami ring mga studyante ang nakatambay rito.

" A-alam ko namang okay siya kahit hindi siya magtext. Ilang ulit ko na nga rin siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot," aniko.

"Why not visit him? Baka naman ang gusto niya ay puntahan mo siya sa kanila at bisitahin. Magpaka girlfriend material like ipagluto mo siya nang paborito niyang pagkain at alagaan kung sakali mang may sakit siya," ani Chantal.

Napaisip tuloy ako. Ano nga kaya kung puntahan ko siya ngayong hapon? Mas mabuti nga siguro kong dalawin ko siya.

Nagpaalam ako kay Chantal dahil wala rin naman akong klase at nang palabas ako nang campus ay nakita ko si Orion na naka P. E uniform. Pawis na pawis siya at nang makita ako ay nakangiti siyang lumapit sa akin.

" Iyong bag ko nasa classroom. Pasundo na lang ako roon sa room mamaya ha. Madami ka pang hahawakang libro," ngingiti ngiting aniya.

Ngumiti ako at saka nakapamaywang na tumingin sa kanya.

" Sorry hah Master. May gagawin pa kasi ako ngayon Master. Baka pwedeng gamitin mo naman iyang isang kamay mo dahil nilikha naman tayo nang Diyos na may dalawang kamay at kung nabali iyong isa, pwede iyong kabila. Besides, isang linggo na ang lumipas baka naman okay na iyang kamay mo Master, sige ka. Ayaw nang Diyos ang sinungalin,"  sagot ko at saka siya inirapan. Iniwan ko na ang Orion na iyon roon at pumara nang taxi sa labas nang gate.

Alam ko naman ang address ni Ares dahil minsan na niya akong dinala sa bahay nila. May kasama naman siyang katulong roon. Si Aling Belinda, mukha ngang nanay ni Ares si Aling Belinda kung pangaralan niya ito. Paano ba naman kasi simula bata pa lang iyang si Ares si Aling Belinda na ang kasama niya. Hindi na nakakapagtaka kung batukan niya si Ares.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na ako kina Ares. Nakakamangha  talaga ang laki nang bahay nila. Para kang nasa Malacanang sa laki nito. Iyon nga lang hindi presidente ang nakatira, kundi isang engkantong  basagulero. Sayang nga at hindi ko naabutan ang Ares na unang nakilala nina Alfred. Balita ko raw walang araw na hindi umuuwing walang basag na labi iyang si Ares. Away at inom ang hanap. Palibhasa raw kasi ay nagrerebelde. Anak kasi siya nang isang kilalang politician at anak rin sa labas kaya ayan, hindi nagkaroon nang magandang pamilya kaya nagrebelde. Ang nanay naman niya ayun, sumama sa ibang lalaki. Isang sikat na artista ang mama niya at kung umasta sa harap nang media ayun, parang anghel. Habang si Ares naman ay mag-isang namumuhay sa napakalaking bahay na ito pero napakalungkot naman. Wala na akong ibang impormasyon pa sa buhay ni Ares. Hanggang ngayon pa rin kasi nahihiwagaan ako sa buo niyang pagkatao.

Pumasok ako sa gate. Pinagmasdan ang mga nalalantang bulaklak sa paligid. Bakit naman namamatay ang mga bulaklak rito? Wala ba si Aling Belinda? Sa pagkakaalam ko, lagi niyang dinidiligan ang mga bulaklak rito. Alam ko naman ang password nang mansion nina Ares , ang sosyal naman kasi nang security system nang mansion. At tama nga ang password na nilagay ko. Mukhang walang balak si Ares na palitan ang password niya. Sinara ko ang pintuan at tumambad sa akin ang madilim na loob nang bahay. Mukha pang abandunado ang bahay.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon