"I'd rather take coffee than compliments just now."
-Little Women ❤******
Fern's Point of view
" Hindi ka man lang ba kakain hija?" tanong ni lola nang makitang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
" Wala po akong gana,"sagot ko.
"Bakit Orion apo, nag-away ba kayo ni Fern?" tanong ni lola nang makitang palabas si Orion sa kwarto. Mas lalo lang akong nainis. Paano ba naman kasi kaninang umaga paggising ko nakita kong puno nang drawing ang mukha ko. Ginantihan niya ako sa ginawa kong pagkagat sa kamay niya noong isang araw. At ilang gabi niyang pinagplanuhan iyun. Pakiramadam ko nga halos naalis ko na ang balat sa mukha ko kakakiskis nang facetowel dahil mahirap talaga maalis iyong tinta nang marker.
" I don't know lola. Baka siguro napagod lang sa mga schoolworks," ani Orion na kung makangiti ay wagas. Lalo na at medyo maputla ang mukha ko.
" Schoolworks nga ba? Baka naman nagdadalang tao na iyang apo ko?" ani lola na lalong nagpapula sa pulang pulang kutis nang mukha ko. Nawala rin ang ngiti sa mukha ni Orion.
" La, the truth is, hindi pa kami handa sa mga ganyang bagay. And by the way La, kamusta na ang renovation nang resort?" tanong ko para maiba ang usapan.
"Ay oo nga pala, bibisitahin namin ang resort ngayon. Bored na kasi ang lola niyo rito," sagot ni Mama.
" Naku, Orion apo, subuan mo nga iyang asawa mo. Masamang pumasok sa eskwelahan nang walang laman ang tiyan," ani Lola.
"Kaya ko na La,"aniko at ininom ang kapeng tinimpla ko at nilamon ang sandwich sa aking plato. Mas ayoko namang magpakasweet sa harapan nila.
" Bye La," sambit ko at saka hinablot ang aking bag.
"Hintayin mo naman ang asawa mo," ani Mama kaya huminto ako sa pintuan at tiningnan si Orion. Nagpaalam kami nang makalabas kami sa condo ay agad kong hinila ang neck-tie niya.
"Ang sama mo talaga!At bakit mukha ko pa ang pinagtripan mo hah!"
" Oh mukha mo pala iyun? Pasensiya ka na palibhasa kasi ang lakas nang hilik eh ayun hindi ako nakatulog nang maayos," sagot niya.
Inirapan ko siya at saka nakapamaywang na tinaasan siya nang kilay.
"Kapag inulit mo uli iyun sisiguraduhin kong hindi ka sisikatan nang araw!" aniko.
Ngumisi lang siya at pinitik ang aking noo.
" Hindi mo na sana binura. Bagay naman sa iyo," natatawang sabi niya at saka tumakbo.
Hinabol ko siya pero nabigo ako dahil mabilis itong tumakbo.
"Ano short legs? Pagod ka na ba?" pang iinsulto pa niya. Pumulot ako nang bato at ibinato sa kanya pero nakailag siya at sa isang guard sa labas nang shop ito tumama. Sumigaw ito at tumingin sa akin nang may nanlilisik na mata. Malaki ang katawan niya kaya dahil sa takot ko ay tumakbo ako nang pagkabilis bilis. Hinabol niya kami at dahil sa mataba ito ay nahirapan siyang tumakbo. Tawang tawa kami pareho ni Orion dahil sa nangyari. Nasa school gate kami at parehong hingal na hingal.
"Nakita mo ba iyong mukha niya? Sobrang nakakatawa! Parang si Shriek! " aniko sabay sapo sa aking tiyang sumasakit na dahil sa kakatawa. Nagkatinginan kami at saka ako umayos nang mapagtanto kong hindi pa pala kami bati.
Nagpunas rin ito nang pawis at saka tumingin sa akin. Dahil sa ginawa niya ay inirapan ko siya.
" Hindi tayo bati. Diyan ka na nga!" aniko at tinalikuran siya. Nalilito na ako. Hindi ba dapat tarayan ko siya? After all, sinaktan niya ako noon. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip ni Orion. Baka akala niya ay ako pa din ang dating Fern na sa tuwing nginingitian niya, ay agad bumibigay.
Nagtuloy tuloy ako sa aking paglakad at hindi siya nilingon.
************
(Fast Forward)" Fern!!" sigaw ni Chantal nang makita ako sa canteen.
"You wouldn't believe what happened this morning! I almost got an accident! Mabuti na lang at may nagligtas sa aking lalaki! Paano ba naman kasi bagong mop iyong hagdan at naka stilleto ako. I slipped at nasalo ko nang lalaki sa likuran. Oh my gee! I think I found my Prince Charming! You know, noong mga sandaling iyun, parang tumigil ang mundo ko. And mind you, he's a hotty!" kwento ni Chantal habang nasa canteen kami. Simula nang masali sa basketball team sina Ares, kami na ni Chantal ang magkasama. Mabuti na rin siguro iyon.
" And who's this guy?" tanong ko habang kumakain nang fries.
" That's the point, hindi ko natanong ang pangalan niya. But I know for sure, magkikita pa rin kami," kinikilig na sabi niya.
" If you're meant to be, gagawa at gagawa pa rin ang tadhana para pagtagpuin kayo," aniko. Hindi naman ako interesado sa kwento ni Chantal dahil kanina pa ko nakatingin sa lalaking nakaupo sa di kalayuan at napapalibutan nang mga babae. Sa likod pa lang I know it's Orion. Kailan pa siya naging attraction dito sa school?
Mula sa pintuan naman ay natanaw ko si Ares. Natapos siguro ang try out nila. Nang makita niya kami ay agad siyang lumapit at umupo sa tabi ko.
" So anong pinag-uusapan niyo?" tanong niya habang binuksan ang tubig na sana ay para sa akin.
" Nothing. We're just having a girls' talk," sagot ni Chantal. " And by the way, Ares, you are so ungentleman. Bakit naman hinahayaan mong mag-isa rito ang girlfriend mo! Kapag hindi pa ako dumating, baka mag-isang kumakain rito si Fern."
" I know," ani Ares at nginitian ako.
After naming kumain sa canteen ay dumiretso kami sa kanya kanya naming klase. Naalala ko bigla si Orn. Hindi ko nga pala siya nasusundo sa bahay ni Ares. Baka susunduin ko na lang siya mamayang hapon after nang klase ko. At iyun nga ang naging plano ko, after class ay hinanap ko si Ares. Nakita ko nga siya sa labas nang building nila at sinabi kong susunduin ko si Orn, ang aso ko. Pumayag naman siya. Pagkalabas namin sa gate ay nadatnan namin si Chantal na hinihintay kami. Makikisabay kasi ito pauwi kay Ares dahil hindi siya masusundo nang driver niya. Papunta na sana kami sa parking lot nang may tumawag sa pangalan ko.
"And where do you think you're going Fern? Kung may pupuntahan ka tell me para hindi naman ako tanungin ni Tita kung bakit wala ka pa," seryosong sabi ni Orion. Ano bang problema nang lalaking ito. Inirapan ko siya at sasagutin ko sana siya nang sumigaw si Chantal mula sa aking likuran.
"It's you!" sigaw ni Chantal.
Sabay kaming napalingon ni Orion kay Chantal.
"I finally found you ! My prince charming!" aniya at saka lumapit at hinawakan sa magkabilang braso si Orion. Niyakap niya ito na ikinabigla namin pareho ni Orion.
Itinulak siya ni Orion.
" What the heck! Who are you?" galit na tanong niya sabay pagpag sa kanyang damit.
"Can't you remember me. We've met the other day when you saved my life. By the way, I'm Chantal," nakangiting ani Chantal sabay lahad nang kanyang kamay kay Orion. Naweirduhan yata si Orion at napilitang umalis.
Tumingin sa akin si Chantal.
" Do you know him?" nagniningning ang mga matang tanong niya.
"O-oo... p-pinsan ko siya," sagot ko.
"What a coincidence! What's his name?"
" O-orion," tipid kong sagot.
" I like his name! May girlfriend ba siya? Saan siya nakatira?" sunod sunod na tanong ni Chantal.
" W-wala siyang girlfriend....,"
" Narinig nang mga santo ang panalangin ko! Fern, can you help me date your cousin?"
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomansaAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...