Twenty🌼

90 2 0
                                    

Fern's POV

" Where were you last night? Hindi ka macontact ni Orion. Alalang alala pa naman siya sa iyo," ani Mama nang makitang dumating na ako.

" Sa kaklase ko po. May tinapos lang na requirement," pagsisinungalin ko.

" Sana nagpaalam ka sa asawa mo o sa akin. Halos hindi nakatulog si Orion kakahanap kung saan ka nagsususuot," ani Mama.

Hinanap niya ako? Bakit naman?  For sure malapit na siguro siyang atakihin sa puso sa tuwa na wala ako kagabi. Tsk.

"By the way Fern aalis kami nang lola mo ngayon dahil may kailangan pa kaming tapusin sa renovation nang bahay.  Bukas na kami babalik," ani Mama. That's the explanation kung bakit nakita kong nakabihis siya. Nagpaalam na ako kay lola at kay mama.

Nang makaalis sila ay dumiretso ako sa kwarto namin at nadatnan nga ang kumag na nakahiga sa kama KO. OO SA KaMA KO. Wasn't it clear na AKO ang matutulog don?! Nakakainis.

Inilapag ko ang bag ko at saka kumuha nang damit pambahay para makapagpalit.

Nang makakuha na ako ay dumiretso ako sa kabilang kwarto para magpalit. Bumalik uli ako sa kwarto namin at nadatnang nakahiga pa rin si Orion.

Nakakapagtaka lang kasi hindi pa siya nakapagpalit nang uniporme ay natutulog na siya. Nilapitan ko siya at saka nakapamaywang na hinarap ang kanyang natutulog na katawang lupa.

Wala na ang benda sa kamay niya kaya AKO na ang matutulog sa kwarto KO.

"Hoy, alis diyan," aniko. Hindi siya gumalaw. Tutoong  tulog kaya ang kutong ito? Baka naman nagtutulog tulogan lang para siya ng matulog sa kama. No way.

" Alis diyan," aniko ulit at saka siya sinipa nang mahina sa paa. Pero ang kutong lupa, ayun. Tulog pa rin.

Pwes, let's see kung natutulog ka ngang bakulaw ka. Lumabas ako at hinanap ang tabachoy kong aso na si Orn. Kumuha ako nang mahabang balahibo ni Orn sa pwet. Hahahaha.
Pumasok uli ako sa kwarto namin at nilapitan si Orion. Nakatagilid ito sa dulo nang kama kaya alam kong magiging successful ang gagawin ko. Nagpipigil ako nang tawa habang pilit kong ipinapasok ang balahibo ni Orn sa ilong ni Orion.

Noong una ay gumalaw pa siya marahil ay dahil nakikiliti ang ilong niya. Ipinasok ko uli ang balahibo and this time ay nagising siya. Bumahing pa ito at ako naman ay tawa nang tawa habang nakahiga sa sahig.

"Damn!" mura niya at saka tumingin sa akin.

" Are you crazy?" aniya.

"Baka ikaw. Di porket nasanay kang ikaw ang natutulog sa kama ko ay matutulog ka na lang diyan kung kelan mo gusto. Your arm is okay kaya matutulog ka sa sahig," aniko at saka ako natulog sa kama.

" Hay, sobrang lambot talaga nang kama ko," aniko at nagpagulong gulong. Nang maabot nang paa ko ang likod ni Orion ay sinipa ko siya paalis sa kama KO.

"Oppss sorry,"pang-iinis ko pa lalo. Mukhang nainis naman siya dahil nakatingin siya sa akin.

Ngumiti ako na para bang iniinis siya ngunit nagulat ako nang lumapit ito sa kama ko. Akala ko lang noong una ay gaganti siya ngunit nabigla ako nang hawakan niya ako sa magkabilang braso. He pinned me on the bed.

"What do you think you're doing?!" sabi ko at nagpumiglas.

He grinned.

" What do you think?" bulong niya. Ramdam ko ang hininga niya sa tenga ko. Ow shemay!

" S-stop this Orion!H-hindi ito magandang biro," aniko. Ramdam kong namumula na ang pisngi ko dahil  masyadong malapit ang mukha niya sa akin.

"Stop? Bakit ano bang ginagawa ko?" ani Orion na para bang nang iinis.

Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak niya sa aking braso. At nang maramdaman ko ang hininga niya sa balat ko, hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala ang nangyari sa akin 12 years ago.

*******

Flashback

(12 years ago)

Dali dali akong lumabas sa eskwelahan. Hawak Hawak ang shoulder bag kong may disenyo ni Sailor Moon.

"Paalam Fern!" sigaw nang isa sa mga kaklase kong kasabayan ko sa daan pauwi. Hindi ko siya nilingon dahil sa pagmamadali kong umuwi.

Araw nang Biyernes ngayon. Isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko dahil kaarawan ngayon ni Mama Ellie. Kailangan kong maghanda nang pagkain para sa kanya. Hindi ako ganoon kagaling magluto pero kayang kaya ko namang sundan ang nakasulat sa recipe book. Alam ko kasing pagod na pagod si Mama sa trabaho.

Nang makauwi ako ay agad akong nagpalit nang paborito kong dilaw n bestida na bigay ni Lola. Dumiretso ako sa kusina at sinimulan ang pagluluto. Alam ko namang gamitin ang mga di-kuryenteng appliances rito sa bahay kaya hindi naman masusunog siguro itong bahay kung sakali.

Dalawang oras akong naghanda. Mula sa pagluluto hanggang sa  pag-aayos nang hapag-kainan. Nang matapos na ang lahat lahat ay saka ako umupo at hinihintay na bumukas ang pintuan. Alas siyete kasi madalas dumadating si Mama at alam kong ilang minuto na lamng ay bubukas ang pintuan. Pinatay ko ang ilaw at saka nagtago sa likuran nang sofa. Gugulatin ko si Mama. Kapag nakita niyang walang walang ilaw ay kusa  niya itong ibubukas at tatambad sa kanya ang handa kong surpresa.

Ilang minuto nga ang lumipas ay bumukas ang pintuan. Nakangiti ako at saka nanatili sa aking pinagtataguan. Kapag binuksan niya ang ilaw ay doon lamang ako lalabas. Nakakapagtaka nga lang at hindi niya binubuksan ang ilaw. Sumilip ako at nakita ko ang malaking pigura  na nakatayo malapit sa pintuan. Lalaki ang pigura. Hindi kaya si Daddy ang dumating? Pero sabi naman ni Mama Ellie ay may sarili nang pamilya si Dad at nasa Canada siya. Anong ginagawa rito sa bahay?

Nagtago pa rin ako at hinintay na buksan niya ang ilaw. Nang magkaroon nga nang liwanag sa loob ay doon ko napagtanto kung sino ang dumating. Si Tito lang pala.

" Tito?" tawag ko sa kanya. Tumayo ako at saka kunot-noong tumingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

" Fern....,"tawag lamang niya at saka ako nilapitan.

" Bakit po kayo nandito?" tanong ko.

" Pinapasabi sa akin nang Mama mo na hindi siya makakauwi ngayong gabi at ako na raw ang sasama sa iyo," ani Tito.

Ngumiti ako pero may halong lungkot. 

"Baka nag overtime na naman siya sa trabaho. Birthday pa naman niya ngayon," aniko. Ngumiti si tito. 

" Ikaw ba ang nagluto niyan?" tanong niya. Tumango ako.

" Edi tayo na lang ang kakain niyan," aniya na ikinatuwa ko.

Kami nga ang kumain ni tito. Nagkwentimuhan pa kami at nang makaramdam ako nang tulog ay nagpaalam na ako para matulog.

Sa kalagitnaan nang tulog ko ay nakakaramdam ako nang kakaiba. May kung anong bagay na pumatong sa akin at hindi ako makahinga. Nagising ako at natatakpan nang kamay ang bibig ko.

Madilim  sa paligid. Pero sa pigura niya ay alam kong si Tito iyon. Ano kayang ginagawa niya?

Hindi ako makahinga kaya nagpupumiglas ako.

" Sandali lang bata. Magugustuhan mo rin ang gagawin natin," bulong niya at sinimulan akong hubaran.

**End of Flashback

Hindi ko na kaya pang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. Dahil kahit matagal pang nangyari iyon ay hindi ko na iyun mabubura pa sa alaala ko. Pumikit ako at hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Naramdaman kong inalis ni Orion ang  pagakakahawak niya sa mga kamay ko. Habang ako nakahiga at pilit tinatakapan nang palad ang mukha ko. Hindi ko na rin mapigilan pang humagulgol kahit nandiyan siya.

Kahit pa si Orion iyun , ay hindi ko pa rin hahayaang paglaruan niya ako o takutin niya ako nang ganoon.

" I-I'm sorry...," iyon lamang ang narinig ko mula sa kanya.  Tumayo lang siya roon at mukhang natataranta sa naging reaction ko sa ginawa niya.

Maya maya ay narinig kong nagsara ang pintuan. Napaupo ako sa kama at pilit pa ring nilalabanang huwag isipin ang kadonyahang ginawa sa akin nang aking tiyuhin.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon