" The saddest words of tongue or pen are those you didn't think of then. "
- Betty Phillipp******
Fern's POV
Chapter Nine
" Welcome home sa Pinas Lola!" sigaw ko nang buksan ko ang pintuan nang condo. I fake a smile. Of course, hindi naman ako masayang dumating sila rito sa condo. They can actually rent an appartment pero dahil nga wala pa silang ideya na hiwalay na kami ni Orion ay kailangan muna naming magpanggap. At gusto rin nila kaming kamustahin kaya for the mean time ay dto sila tutuloy." Oh my! You look so stunning Fern!" ani Lola at niyakap ako.
" And you Orion, sinong mag-aakalang ganito ka kagwapo! Binatang binata ka na nga talaga! It's a good thing maganda ang lahi nang magiging mga apo ko sa tuhod sa inyong dalawa," ani lola na dahilan para paikutin ko ang mga mata ko at kunwari masusuka. Apo sa tuhod? Ew lola. Pasensiya ka na at mukhang wala kang makukuhang apo sa tuhod sa akin." Oh siya, Fern ihatid mo muna ang mga luggage nang lola mo sa kwarto niya. Alam kong aware kayong dito muna kami maninirahan nang Lola niyo habang hindi pa tapos ang renovation sa resort nang lola niyo. Baka nga tatagal pa nang isang buwan ang pagtira namin rito," ani Mama.
" Isang buwan?! Teka lang - I mean, bat naman ganoon katagal Ma?" aniko. Isang buwan?! Hell no! Hindi ko naman kayang tiising matulog sa iisang kwarto kasama ang Orion na ito! Isang gabi nga hindi ko masikmura isang buwan pa kaya?! I need to make an immediate action.
Nang maihatid ko si lola sa kwarto ay sinabihan ko munang magpahinga siya dahil halatang napagod siya sa biyahe. Pati rin si Mama ay nagpahinga muna saglit at naiwan kami ni Orion sa sala.
" Isang buwan silang mananatili rito," ani ko habang nakasandal sa pintuan nang kusina at tinitingnan si Orion na abalang nagbabasa nang diyaryo.
" Ganoon ba. Okay," sagot niya na dahilan para pagtaasan ko siya nang kilay.
" Okay?! Okay ba iyun?! Look, wala akong ibang intention maliban sa ayokong masaktan si lola kapag nalaman niya ang totoo pero hindi kasi iyun okay sa part ko. I have a life too!" sagot ko.
" I know how you feel. But is it okay for you na saktan ang lola mo? I mean about our divorce. How would she react if malalaman niya. Can't you just cooperate kahit isang buwan lang. This is not for you Fern, it's for your grandmother. And if you're worried about your boyfriend, I'll just explain it to him tomorrow," kalmadong sabi niya. Hindi siya tumingin sa direksiyon ko. Gusto ko sanang sabihing hindi ko boyfriend iyong kumag na Ares na iyun pero okay na iyun para naman maramdaman niyang nakamove on na ako sa kanya.
" I know. Okay, just one month," aniko at pumasok na sa kusina para magluto nang hapunan. Wala naman akong ibang maaasahang magluluto rito kundi ako. It's a good thing natutunan kong magluto dahil sa mga kaibigan ni Ares na mahilig mang utos sa akin. Nang matapos akong magluto ay naisipan kong tawagin sina Mama nang makita ko si Orion na natutulog sa sofa. Nakacross legs ito habang nakasandal sa sofa at may diyaryong nakatakip sa kanyang mukha. Wala naman akong pake kung mamatay ito sa sofication dahil sa diyaryong nakatakip sa mukha niya pero syempre kailangan niyang mabuhay dahil pipirmahan pa niya ang annulment paper namin. Napabuntong hininga ako at nilapitan siya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at maingat ko ring itinaas ang diyaryo sa mukha niya. Nang maalis ko iyun ay dahan dahan kong inilapag ang diyaryo nang mapansin ko ang nasa headline. Hindi ako nagkakamali sa nabasa ko. It's her. Pero papaanong?
Nang maramdaman kong gumalaw si Orion mula sa sofa ay agad agad akong umayos at kunwari ay nagpupunas nang mesa.
" Bakit ba ang daming alikabok rito," aniko at kunwari ay umubo.
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...