Twenty-Nine

71 6 0
                                    


Her POV

Lola's health condition is getting worse. Yan ang sabi nang doctor sa amin. Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ni lola at si Mama naman ay tahimik na nakatayo malapit sa bintana.

Darating si Orion mamaya dahil isusunod pa niya ang mga gamit ni Lola.

Narinig kong nagbuntong-hininga si Mama sabay tingin sa akin.

"Kailan pa?" tanong niya.

Alam ko kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagkadismaya.

Hindi muna ako umimik. Iniisip ko kung paano ko ba sasagutin ang tanong niya.

"Sorry Ma," iyon lamang ang lumabas sa bibig ko.

Alam kong nakadagdag ang sagot ko sa pagkadismaya niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin."

"Ma, sorry. Pwede bang pag-usapan natin to pag okay na si lola."

"But Fern, alam mo ang rason kung Bakit nandito ang lola mo."

"I know. And I'm sorry that I disappointed you and lola. Pero.. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang hindi pwede Di ba? Hindi na ako masaya."

"You could have tried your best...," ani Mama.

Best? Yon lang Yong kaya kong gawin. Ginawa ko naman lahat pero hindi pa rin iyon sapat para kay Orion.

" I did my best... Kahit wala akong chance. He doesn't love me," iyon lang ang naging tugon ko.

" I even thought walang problema sa inyo. So you were faking everything," ani Mama.

"Para kay lola, tiniis kong bumalik sa dating ako.  I have almost forgotten about Orion, but I don't want lola to get worried about my marriage so much. Lalo na at may sakit siya. We decided to get back again for lola's sake," Hindi ko alam kung bakit nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

" Sinubukan ko naman pero kahit anong gawin ko, he will not love me back. My heart suffered so much Ma at hindi ko na alam kong anong mangyayari sa akin kapag ipinagpatuloy ko pa ang lokohang ito," ani ko. Kahit anong gawin ko hindi ko pa rin mapigilan ang pagtulo nang luha ko.

I never cried like this before since Orion broke my heart.

"Kasalan ko rin naman eh. I insisted on our marriage. I knew from the start, na hindi naman talaga niya ako mahal."

Naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap sa akin ni Mama.

For a long time, I never felt her embrace. I never demanded na magpaka - ina siya sa akin. Alam kong ampon lang ako and the reason why she was left behind by her husband was because of me. I never knew why he hated me so much.

Pakiramdam ko walang nagmamahal sa akin.

" Patawad  dahil wala ako sa mga panahong kailangan mo ako," ani Mama.

Umiyak lang ako nang umiyak at nilabas ang lahat nang sakit.

" I want to forget about him."

Tumango lang si Mama. I think alam naman niya kung gaano ka sakit para sa akin iyon. But I have no choice. Hindi ako masaya. Hindi rin masaya si Orion.

A few minutes later, narinig ko na lang ang boses ni Orion. Hindi ko alam kung kailan pa siya naka tayo sa pintuan.

Narinig ba niya ang sinabi ko?

"O- Orion.." tawag ni Mama. Mukhang nagulat din si Mama nang makita siya roon.

Ni hindi namin narinig ang pagbukas nang pintuan nang dumating siya.

" Nandito na po ang bag ni Lola, tita. I'm sorry if nakaisturbo ako." aniya.

"A-ah.. Salamat," iyon lang ang tugon ni Mama.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Inilagay niya lang ang mga bag sa tabi.

Naghari ang katahimikan nang dumating siya. Narinig kaya niya? Wala naman akong dapat ipag-alala kung narinig man niya.

Lumapit si Orion. He took a last glance kay Lola at saka nagbuntong hininga.

" I think I have to get something sa baba, so... please excuse me," ani Mama.

"M-ma..," I don't want her to leave me with Orion in this room.

"I... I will be staying at Loki's house tonight... Or maybe.. hindi na ako babalik sa condo. Lola is having a  hard time with the situation and I think she needs some time to rest. I will be leaving the condo on your care," ani Orion.

Narinig nga niya ang usapan namin.

" I'm sorry if I gave you a hard time, " aniya.

Nanatili akong nakayuko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya kayang tingnan.

We stayed quiet for I dunno how long.  I heard him took another sigh.

" Paalam."

That was his last word.

Paalam.

That word from him has hurt me the most.

I know what it meant.

I know his goodbye means we'll never see each other again.

That he hopes we'll never meet again. Ever.

When he walked out of the door, I felt so pathetic. 

Akala ko lumabas na ang mga luha ko para sa kanya.

I pitied myself as my warm tears streamed down my face.

Goodbye.

I hope I'll never have to see you again.

I hope I'll find real happiness.

I hope this time is real goodbye.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon