Two🍀

162 4 0
                                    

" All things great are wound up with all things little. "
~ Anne of Green Gables

*****

Fern's POV 

" Tama na! Ta-Hahahahha- Please! Hahaha!"

Ito ang mga sinisigaw ko sa kwarto kung saan ako dinala noong lalaki. Sino ba namang hindi tatawa at makikiliti kapag kinukahanan ka nang sukat sa baywang?! Malakas pa naman kiliti ko roon. 

Mamamatay na yata ako sa sobrang saya rito! 
Wala man lang pasabi ang lalaking iyun kung ano ang gagawin ko para mabayaran ang utang ko sa kanya! Lumingon ako sa kanyang direction habang nagbabasa ito nang magazine at nang tumingin ito sa akin ay nagulat ito at nahagis ang magazine. Tumama ito sa mukha ko.

"Damn! You scared me! Bakit ganyang ang mukha mo?!" tanong niya. 

Umitim kasi ang eyebags ko sa kakatawa nang isang oras. At mabuti naman ay naadjust nila ang susuotin ko kung ano man iyun. 

" Ano bang gagawin ko hah? Sabihin mo naman para hindi ako magulat kong balak mong gamitin ako para mag eskandalo!" wika ko. 

" Fine. Since milyon ang utang mo sa akin ay ito lang ang paraan para mabayaran mo ako,"sagot niya. 

"Ano nga kasi ang ipapagawa mo?!"

" Magpanggap kang girlfriend ko."

"Okay walang prob--ANO?!" reklamo ko nang marealize ang gusto niyang gawin ko. 

Nagflashback tuloy sa akin ang nangyari sa amin ni Ramen. Pakiramdam ko, kampon rin nang mga unggoy ang lalaking ito kagaya ni Ramen. 

" Yup, only for the night," sagot niya. 

"Ah. Tulad nang nababasa ko sa libro at napapanood sa pelikula- para makalimutan mo ang babaeng mahal mo pero iniwan ka ay maghahanap ka nang isang babaeng magpapanggap na girlfriend mo, ganoon ba?" ani ko sabay nakapamaywang na tumingin sa knya. 

"Huwag ka nang madaming tanong. Gawin mo na lang ang pinapagawa ko para mabayaran mo ang kotse ko."

Inirapan ko siya at bigla kong naalala si Orion. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakita kaya niyang wala na ako? Hahanapin ba niya ako? Bakit ko ba siya iniisip gayong siya ang dahilan kung bakit ako umalis at humantong sa ganito. Napabuntong hininga na lamang ako. 

"Okay. Tapos na po ang susuotin niya,"saad noong isang babae. Agad akong hinawakan nang mga kababaihan at ipinasok sa isang open closet kung saan ako pilit hinubaran at saka inayusan. Ilang oras din iyun at paglabas ko sa kwarto ay nakaupo pa rin ang kumag na iyun at tulog. Dahil humihilik ito ay agad ko siyang nilapitan at saka tinapik. 

Hindi ko man lang nakita ang make over ko. Hanubayan. 

"Uy, gising!" 

Gumising siya at saka ako tinitigan. 

"Ah Miss? Pasensiya na nakatulog ako," mahinahong sabi nito at saka ako hinawakan sa kamay. 

"Pero kung isang katulad mo lang din naman ang gigising sa akin, kahit samahan mo na rin ako pati sa aking panaginip," aniya saka ako hinalikan sa kamay. 

"" What the! Ew, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"sigaw ko at pilit pinupunasan ang kanyang laway sa aking kamay. 

"Wait!. Ikaw ba iyan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya. 

"Ah. Akala mo siguro hindi ako ito porket may make up ako?! Ew lang hah. Kaya siguro bugbog iyang mata mo dahil kahit sino sinong babae nilalandi mo!" sigaw ko. 

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon