Her POVNagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Araw ng sabado ngayon kung kaya tinanghali na ako ng gising. Napuyat ako sa dami nang mga tinapos kong paperworks para sa finals namin. Kailangan ko nang seryosin ang pag-aaral ko lalo na at mukhang napabayaan ko na ang mga grades ko dahil sa mga nangyari noong nakaraan.
Wala naman akong ibang gagawin ngayon kung hindi ang bisitahin si lola sa hospital. Sabi ni Mama ay gusto raw akong makausap ni lola. Siguro ay tungkol sa nangyari. Mukhang apektado pa rin si lola sa nangyari sa kasal namin.
I checked my phone.
29 messages. 29 missed calls.
Lahat yun galing kay Ares.
I have been avoiding him for days already. Gulong gulo pa rin ang isipan ko sa mga nangyayari.
Hindi ko na binasa ang mga texts niya. Sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, mas gusto ko munang bigyan nang panahon ang sarili ko. Ayusin ang mga naging problema at bigyang-linaw ang tungkol sa amin ni Orion kay lola.
Bumangon ako sa pagkakahiga at saka napansin ang sarili kong reflection sa salaming nasa harapan ko.
Why did I change so much? Masyadong maitim ang mga eyebags ko. Kulang na kulang kasi ako sa tulog. I lost so much weight dahil sa stress at puyat.
Tumingin ako sa pula kong buhok. Halos lagpas na sa balikat ang buhok ko at litaw na rin ang itim kong buhok.
Siguro panahon na para baguhin ko uli ang sarili ko.
Naligo ako at naisipang dumaan sa parlor shop.
Pinaitim ko ang buhok ko and even let the hairdresser cut it very short.
I like the new me.
I don't look broken.
*******
I went straight to the hospital. Wala roon si Mama. Si lola lamang ang nadatnan kong nakaupo malapit sa bintana.
Pinihit ko ng dahan dahan ang doorknob pero mukhang narinig niya rin ang mga mumunting galaw ko.
Inilagay ko ang binili kong bulaklak sa mesa. Bumili ako ng mga puting rosas dahil alam kong iyon ang paboritong bulaklak ni lola.
Alam kong alam niyang dumating na ako pero hindi niya ako nililingon. Ramdam kong malungkot at siguro ay may halo ring galit si lola sa akin dahil sa nangyari sa amin ni Orion.
"Kailangan rin po niyong maarawan," aniko para ipaalam na nandito na rin ako.
Lumapit ako sa kinauupuan niya at saka binuksan ang nakasarang kurtina.
Hindi pa rin siya umiimik at saka tumingin sa labas. Ilang sandali ring naghari ang katahimikan at hindi ko iyon gusto kung kaya tumingin ako kay lola.
" Gusto niyo bang uminom ng tubig?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot.
" Eh yong apple po? Gusto niyo po ba?" sabi ko at saka pumunta sa mesa para ipagbalat siya ng mansanas.
Pagkatapos kung balatan ang mansanas ay lumapit uli ako sa kanya.
Hindi pa rin siya umiimik at nakatingin lamang sa labas.
Tumingin ako sa labas nang bintana. Maganda ang sikat ng araw sa labas. Asul na Asul ang kalangitan at siguradong malamig ang simoy nang hangin.
"Gusto niyo po bang pumunta sa labas?" tanong ko pero wala siyang sinabi.
I took a deep sigh. Tumayo ako at saka binuksan ang bintana. Nilanghap ang sariwang hangin at saka tumingin sa mga taong naglalakad sa labas.
" I think I made the best decision, " pagsisimula ko dahil tiyak na masakit pa rin ang loob niya sa nangyari sa amin ni Orion.
Mahirap para sa aking bigkasin ang mga salitang iyon pero alam kong tama ang naging desisyon ko.
" Hindi siguro talaga kami para sa isa't isa. Pinilit kong isiksik ang sarili ko at sa huli naging sagabal lang ako sa kaligayahan niya. I can't make him happy, Masaya na sana siya kaso ng dahil sa akin.....".
I smiled. A bitter smile. It's the truth. Ginawa naming miserable ang mga buhay namin.
" Your Lolo was engaged when I met him. Papakasalan sana niya ang nobya niya a month before we met. Pero dahil sa isang pangyayari, they broke the engagement. Something happened between me and your Lolo. Nagbunga ang nangyari sa amin so kailangan nilang i cancel ang kasal. My parents were ashamed of me. I ruined someone else's happiness, " kwento ni Lola.
She never told me about her love story before. Kahit anong pilit ko sa kanya ng sabihin sa akin ay ayaw niya. My Lolo died bago pa ako inampon ni Mama.
" Your Lolo didn't love me at all. His ex-lover was his greatest love. He hated himself and even tried to divorce me after a year your mother was born dahil hindi niya ako mahal. He was a total stranger to me, too. But I begged, ayokong lumaki ang batang walang kinikilalang ama. Time past, I fell for him. I learned to love him and I didn't have any idea how he felt about me," ani niya habang nakangiti pero kita sa mga mata niya ang sobrang kalungkutan.
Nilabas niya ang isang lumang litrato mula sa kanyang bulsa. Ilang beses ko nang nakita ang litrato. It's my grandfather.
Nakasuot siya nang uniporme nang sundalo at nakangiting nakatingin sa camera.
The picture was taken by lola before he died. He didn't die because of the war, he died because of a car accident. Iyon ang narinig ko kay Mama.
" I've only met him for few years but he is my greatest love" ani ni lola habang pinupunasan ang kanyang luha.
Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko na lamang siya.
" I understand how you feel. It was my fault because I insisted my best friend, Orion's grandfather to let his grandson marry you," ani pa niya.
Mahaba pa ang naging usapan namin ni lola. Nakwento niya sa akin kung paano niya nakayanang mabuhay kahit wala na si Lolo sa tabi niya.
Ilang minuto rin bago ako dumating ay bumalik si mama sa kwarto galing sa pharmacy. Bumili siya nang mga gamit ni lola. Nag pahinga na muna si lola kaya minabuti kong magpaalam kay Mama dahil gumagabi na.
Dumiretso ako sa bus stop at naghintay nang masasakyan nang biglang pumatak ang ulan.
Wala pa man din akong dalang payong.
Tumakbo ako papasok sa isang cafe. Iinom na lang muna ako ng kape habang hinihintay na tumila ang ulan.
I ordered my coffee at saka umupo sa pwesto kung saan kita ko ang mga taong naglalakad.
I took my phone out at kinuhanan nang litrato ang aking kape.
Kakaunti lang ang tao sa loob ng cafe. Nagpapatugtog sila nang kanta ngunit mas rinig ko pa rin ang malakas na pagbuhos nang ulan sa labas.
Since when did I had a time for myself?
A lot of things happened. Para akong sumakay sa Ferris Wheel na masyadong mabilis ang pag-ikot at hindi ko namalayan ang mga nangyayari sa paligid ko.
This time I want to focus on myself. I want to restart everything at kalimutan lahat-lahat.
Kung kailangan kong kalimutan ang lahat-lahat para bumalik sa dating ako, gagawin ko. And this time, I will leave everything behind....
BINABASA MO ANG
We Got Married Book Two
RomanceAfter realizing that Orion can't love her back, Fern Sarmiento left to heal her broken heart. Pero sa isang insidente ay nakilala niya ang isang basagulerong gangster, si Ares. Nagkautang siya rito pagkatapos nitong mabangga ang mamahalin nitong kot...