Thirteen🍀

93 4 0
                                    

*****
Fern's POV

" N-no way!" pagmamatigas kong sabi kay Chantal.

" Why? Are there any valid reasons why you don't want to help me?" tanong niya. Kanina pa kasi niya ako kinukulit tungkol kay Orion. She wanted me to help her na mapalapit kay Orion. And why the heck would I do that? Kung gusto niya, siya gumawa nang paraan. I don't wanna waste my time.

" Wala. Busy ako lately sa paperworks I can't help you. Besides, he doesn't have much interest with girls," aniko baka sakaling mag give up siya sa ideyang habulin si Orion. Excuse me, I'm not jealous. Ayoko lang saktan siya ni Orion. Just like what he did to me.

" But he's your cousin! Pwede mo naman siyang kausapin na sumabay satin maglunch para naman mainvite ko siya this weekend," pagpupumilit niya.

" This weekend?"

" I mean, Yes. I'm gonna throw a big welcome party para sa akin this saturday. You know, gusto ko namang magcelebrate ako dahil after how many years of living in America, I can now finally have my freedom. No strict parents, no bodyguards , yes to alcohol and a big YES to boyfriend! So can you tell Orion to come?" aniya saka sumuntok sa ere.

" Okay. But I can't assure you na pupunta talaga siya. He doesn't like to go sa mga parties. Ayaw niya sa mga crowded places," sagot ko.

" Oh, My Prince Charming's coming!" tili niya saka inginuso si Orion na naglalakad papasok sa canteen.

Prince Charming? Isang bakulaw lang ang nakikita kong naglalakad. Bumili ito nang kakainin at saka lumingon lingon sa paligid. Nagtama ang aming mga mata at pinalo ako bigla ni Chantal sa balikat.

"C'mon Fern. Kumaway ka. Tawagin mo siya rito," aniya at nilakasan pa ang hampas sa aking balikat.

"No way," sagot ko at umiwas nang tingin. Pinipilit ko na nga lang siyang samahan sa iisang kwarto gabi gabi at iisang lamesa sa umaga pati ba naman sa canteen kasama ko pa siya? Heck no!

" Bakit ba kasi ayaw mo? He's your cousin. Aren't you guys close? Hindi mo man lang ba ako susuportahan sa lovelife ko?!" tanong niya. I rolled my eyes at saka pilit nginitian si Orion.

"Yuhoo! Dito!" sigaw ko kay Orion. Tumingin lang sa akin si Orion pero sa ibang upuan siya pumwesto.

"See? I told you. May pagkachoosy kasi iyang pinsan ko. Kumbaga mapili ayaw niya sa mga babae. Minsan nga napapaisip ako, bakla kaya siya?" natatawang sabi ko. Maybe to stop Chantal from liking Orion is siraan ang lalaking ito. I'm saving Chantal's heart from being torn apart by this cold hearted mammal!

"Gay? He's too good looking para maging bakla. At kung bakla man siya, bubuhayin ko ang natutulog niyang pagkalalaki," nakangising aniya.

" Whatever."

"Fern, lipat tayo nang upuan," aniya saka ako hinila sa direksiyon ni Orion.

" What the heck Chantal-," suway ko sa kanya pero wala na akong nagawa kunti ang umupo sa tapat ni Orion.

" H-hi! S-so, magpinsan pala k-kayo nang k-kaibigan ko! I haven't thank you yet for s-saving my life kaya I'm here p-para p-personal kang pa-pasalamatan," utal utal na aniya at namumutla rin ang mga pisngi niya. Asan na iyong Chantal na bungangera kanina? Nagpapaka Maria Clara na naman siya sa harapan ni Orion.

Siniko ako ni Chantal at sinenyasang kausapin si Orion.

" Okay, Orion meet my friend Chantal," walang kabuhay buhay na aniko.

Inilahad naman ni Chantal ang kamay niya at tinitigan lang iyun ni Orion. Pero inabot rin niya ito at saka nginitian si Orion.

" I'm going to throw a party this saturday. I was just wondering if makakapunta ka since pinsan ka naman nang kaibigan ko then you are so welcome to attend. Fern and Ares are coming, how bout you?Are you free this saturday?" tanong niya. Hinintay ko ang sagot ni Orion. I bet hindi yan pupunta dahil ayaw nga niya nang mataong lugar.

" See? Told ya, masyadong busy ang pinsan ko and hindi siya makakapunta. Wala kasing social life ang taong ito. Kumbaga napakaintrovert, " aniko baka sakaling magbago ang isip ni Chantal.

" I-I'll come," nakangiting sagot niya. Ramdam kong kinikilig si Chantal dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko. Dali dali ring nagpaalam si Orion dahil may gagawin pa daw siya at nang mawala na si Orion sa paningin namin ay saka ako niyakap ni Chantal.

"Kyaahh! Napansin mo ba iyun? Parang ayaw pa niyang bitawan ang kamay ko! May spark talaga kami! Ito na iyun, I can feel it! Pakiramdam ko itinadhana talaga kami ni Orion!" ani Chantal.

"Huwag ka nang mag-aasume. Hindi naman sa nagpapakakontrabida ako sa lovelife mo pero are you not offended sa ugali niya?"

"Fern, I have decided simula pa noong nakita ko siya na gagawin ko lahat para magkagusto siya sa akin. Kahit ipagtabuyan niya ako, kahit matagal pa bago niya ako magustuhan hindi ako susuko!"

Napasapo ako sa aking noo. She reminded me of myself years ago.

*****

" And why would you say Yes?" inis na wika ko kay Orion habang inaayos ko ang aking higaan.

"And why would I say no? She invited me, at wala rin naman akong gagawin this saturday," mahinahong ani Orion habang nakaupo sa couch at nagbabasa nang libro.

Inis kong pinagpag ang aking bedsheet.

" Chantal had a crush on you," deritsahan kong sabi. He arched an eyebrow at tumingin sa akin.

"Oh... is that the reason why ayaw mong dumalo ako sa party?" nakangising tanong niya.

" Yes... I mean hindi niya alam ang totoong ikaw. She doesn't know na napakayabang mo, napaka immature at hindi marunong mag appreciate sa nararamdaman nang iba!" sigaw ko.

" Talaga? Paano mo naman nasabi iyan? Hindi marunong mag appreciate sa feelings nang iba?" ngising tanong niya at isinara ang librong kanyang binabasa.

" Yes, dahil simula pa lang naman talaga ay napakaheartless mo. Ni kahit katiting na pagmamahal wala ka man lang binigay para sa akin! I did everything for you to love me pe-," natigilan ako nang marealize kong iba na ang lumalabas na salita sa bibig ko.

" What I mean is mananakit ka lang nang ibang tao just like what you did to me at ayokong mangyari uli iyun kay Chantal," aniko at saka humiga.

"Kung pinahalagan ba kita noon, kung minahal ba kita noon, what do you think would have happened?"tanong niya. Parang nasira ang eardrums ko sa narinig ko.

" I think hindi rin iyun mangyayari dahil bago pa man mangyari iyun, sumuko na ako,"sagot ko.

Hindi siya umimik. Naramdaman ko na lang na humiga rin siya sa couch. Yes, totoo naman. Dahil sa dami nang sakit na binigay niya sa akin, for sure, susukuan ko rin siya. Alam ko kung gaano ako nagkandarapa sa kanya mahalin lang niya ako, alam ko kung gaano kasakit magmahal nang taong hindi naman nakikita ang kahalagahan mo. Hindi karapat dapat mahalin ang katulad ni Orion. And I made my decision na kahit anong mangyari, hindi ko ulit uulitin ang pagkakamaling ginawa ko noon. Hinding-hindi ko na mamahalin pa si Orion.

We Got Married Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon