___CHIILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB ( CHAPTER 6 )
~ASHIA POV~
Maaga akong nagising dahil may pupuntahan daw kami ni Shou . Eto kasi ang pinakahihintay kong araw palagi. Araw ng sabado kasi walang pasok tapos kasama kopa si Mister ko.
Sinuot ko ang favorite kung damit para na tuloy akong si Barbie ngayun dahil naka purong pink ako . 😊
Sinuot ko din ang rubber shoes kung katerno ng aking damit.
Nagpaikot ikot ako sa harap ng salamin"Wahhhh Kamukha kona si Barbie," tili ko habang sinusukat ang tingin sa salamin.
Bumukas ang pinto kaya ngumiti ako ng pagkalapad lapad at pumasok si Mommy."Mukhang masayang masaya ang prinsesa ko ah. Your beautiful baby," nakangiting sabi. Ni mommy habang inaayos ang laylayan ng buhok ko.
"Thank you Mommy,"
"Halika na kanina pa naghihintay si Shun sa baba,"
Kaya nakangiti akong bumaba habang nasa unahan ko naman si Mommy tanaw ko din si Shou na nakaupo sa may sofa kaya nginitian ko ito ng pagkatamis tamis.
___
"Ingat kayo baby," sabay halik ko sa pisngi ni Mommy at daddy."Ingatan mo ang anak ko Salveda, Ibalik mo siya ng buo,"
Nakita ko namang tumango si Shou.
Inalalayan nya rin akong pumasok sa loob ng kotse sa front seat ako habang sya sa driver seat. Iniisip ko yung sinabi ni daddy na ibalik daw ako ng buo. Kinilabutan tuloy ako. Hindi naman siguro aswang si Shou para hindi ako buo pagbalik. Huhuhu ayaw ko pang matyogi.
"What are you thinking?" habang nagmamaneho sya at ako naman ay halos idikit na sa pinto ng salamin at pintuan ng kotse. Paano kung nangangain ng tao pala itong si Shou."Tsk" iling iling nitong sabi.
"Wahhhhhh ibaba mo na ako Shou!" sigaw ko habang pilit binubuksan ang pinto.
"What?" nagtataka nitong tanong. Aba! Maangmaangan kapa. Huh.
"Aswang ka ba Shou? Kakainin mo ba ako?" sayang naman yung damit ko kung kakainin nya lang ako. Huhuhu.
"Of course not woman, Im not saan mo ba nakuha yang mga sinasabi mo?" habang inaayos ang upo ko.
"Si Daddy sabi nya ibalik mo ko ng buo." Nakapout kong sabi habang nakatingin sa mga mata nya.
"Dont mind him, iba ang ibig niyang sabihin, hindi ako aswang. Ang gwapo ko namang aswang kung ganoon," may pagkindat pa nitong sabi.
Oo nga noh! Ang alam ko panget ang mga Aswang."Hehehe sorry Mister ko." sabay piece sign sa kanya.
___
Tumigil kami sa harap ng isang malaking gate tapos sa loob nun ay parang palasyo sa subrang laki."Dont act like a childish girl baby, Be Matured, Kakausapin ka kasi ni lolo." sabi ni shou kaya tumango ako. Paanong matured ba. Alam kona gagayahin ko nalang si Shou. Hehhe.
Dire diretso akong naglakad kasabay ni Shou. Nakita ko ang hanay hanay na mga butler at maid gusto ko sanang mag 'HI' sa kanila kaya lang umaacting ako ngayun eh sa susunod nalang. Hehe.
~SHUN POV~
Sasakit talaga ang ulo ko sa babaeng ito. Kaya sinabihan ko siyang umarteng matured lalo pat kakausapin sya ni lolo. Sabay kaming naglalakad kaya binalingan ko sya ng tingin at napakaseryuso ng mukha nya diretso lang ang tingin nito sa unahan habang naglalakad kami.
Natanaw ko si lolong nakaupo sa mahabang lamesa habang may kaharap na mga pagkain."Oh, Apo." binaling nya rin ang tingin nya sa kasama ko.
"Hi po," masiglang bati ni Ashia nagmano rin ito kay lolo. Huwag naman sana syang mag isip bata ngayon.
Natapos kaming kumain at kwentuhan lang ng dalawa ang naririnig ko para akong hangin na hindi nag eexist sa kanilang dalawa.
Tuloy lang sa tawanan ang dalawa."Alam moba yang si Shun noong bata pa. Iniyakan nyan yung teddy bear nya Hahhahaha,"
"Hhahahhahah talaga po ang cute pala talaga nya hehe," napangiwi nalang ako.
"At ito pa, Napaihi iyang apo ko sa short nung Grade 1 hahahaah," sinamaan ko naman ng tingin si lolo . Hindi na nya kailangang ikwento ang mga bagay na iyon.
"Ano kaba naman apo, Mabuti nga yung nakukwento ko ito sa iyong nobya. Diba iha? Hehehe" tumango tango naman si Ashia at tumingin sakin at tumawa may mga pinagusapan pa sila pero hindi ko marinig at panay ang bulungan ng dalawa at alam kong ako ang topic nila. Naiinis man ay wala akong magawa. Magkasundong magkasundo ang dalawang ito palibhasa'y parehas. Ay kayo na bahala.
Natapos ang kwentuhan nila, At hindi man lang ako isinali. Dapat pala ay sila nalang ang nagdate daig kopa ang istatwa dito sa upo ko."Hehe sige po lolo, salamat po." paalam ni Ashia nakipagbeso pa kay lolo. At ano daw 'lolo' na ang tawag nya kay lolo. Mukhang close na agad sila. Lahat kasi ng dinadala ko noon kay lolo ay hindi pumapasa hindi rin ito ni lolo mga pinapansin kaya hindi ako makapaniwalang gustong gusto agad nito ang dalaga.
"Iho, Ingatan mo sya huh, Napakabait niyang bata, kakaiba sa lahat ng dinala mo rito," bulong sakin ni lolo habang nakatingin kay Ashia kaya tumango nalang ako.
"Bye Iha, Bumalik ka ulit rito hah. Bisitahin mo ang iyong lolo," nakangiting kumakaway pa si lolo at ganun din si Ashia.
Tama si lolo iba nga si Ashia. Iba sya sa lahat ng nakilala ko. Ang buong akala koy hindi sila magkakasundo ni lolo dahil sa pagiging childish nya pero yun pa ang dahilan kaya nagkasundo sila. Ibinaling ko ang tingin ko sa dalaga at maamo ang mukha nito habang nakapikit at sa palagay koy tulog na.
Nakangiti kong inayos ng pwesto nya upang hindi sya mahirapan. Halatang pagod ito."Hindi ko maipapangakong hindi kita masasaktan pero aminin ko man o hindi may puwang ka na sa puso ko," mahinang bulong ko.
Parang nagbaligtad ata ang sitwasyon, mukhang ako ang nahuhulog sa sarili kong patibong.
++++++ End of Chapter 6 ++++++
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.