___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARHTHROB
~ASHIA POV~
Naging tahimik lang kaming dalawa sa byahe kapag tinatanong nya ako doon lang ako umiimik. Nawala na talaga yong kaingayan ko dati.
"How are you in London?" tanong niya na naging dahilan upang maputol ang katahimikan sa pagitan namin.
"Masaya naman. Marami akong natutunan, especially about my self,"
"Masaya ako para sayo, and i am very proud of you." malamlam ang mga matang sambit niya sakin.
"You can sleep if you want, gigisingin nalang kita kapag nandoon na tayo,"
Dahil narin medyo inaantok ako sinunod ko sya.Naalipungatan ako sa pagkakatulog ng makaramdam ako na parang may nakatitig sakin at hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ng mata ko ay mukha agad ni Shun ang sumalubong sakin.
"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko dahil nandito na pala kami. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog.
"Mahimbing ang tulog mo kaya naisip kung hintayin nalang kitang magising." ani nito. Tumango ako bago inayos ang sarili, mabilis kung kinapa ang mukha ko dahil baka may nagkalat na laway, laking pasalamat ko dahil wala.
"Sige mauna na ako, Salamat." Hindi ko na sya nilingon nang makapasok ako sa loob. Kahit na nasa loob na ako ay ramdam ko parin ang malakas na kabog ng dibdib.
Wala akong maisip na sasabihin kapag kaharap ko sya.
Bago pumasok sa pinto ay muli ko syang nilingon na papaalis na.
Naabutan ko sina Mom and Dad sa sofa.
"Ashia anak, nakauwi kana pala. Sorry kung hindi ka na namin nasundo ng daddy mo sa airport. Kampante naman kami kasi kasama mo si Shun, nasaan nga pala siya?" tanong ni mommy.
"Nauna na po siyang umuwi," sagot ko at naupo.
"Ganoon ba? Sayang hindi man lang akong nakapagpasalamat sa paghatid at pagbabantay niya sayo, btw kamusta kayo doon? Nagenjoy kaba? Masaya din akong naayos mo ang deal doon anak." dugsong pa ni mommy. Ngumiti naman ako at sinabing maayos ako doon.
"Nakapag-usap ba kayo ni Shun?"
"Medyo po, mauna na po ako sa itaas, magpapahinga po muna ako." lumapit ako sa kanilang dalawa at parehas ko silang niyakap bago ako dumiretso sa itaas.
Pabagsak akong humiga sa kama. Bigla kong naalala si Shun.
__
Mabilis kong pinatay ang alarm clock ko. It's already 9am.Nag inat muna ako bago pumasok sa loob ng banyo at gawin ang morning ritual ko.
"Good morning dad, mom" Naupo ako sa harap nila. Kumain kaming sabay sabay tulad ng ginagawa namin noon. Namiss ko ito.
"Mauna na kami anak. Dito kalang ba talaga? Ayaw mobang lumabas?" Umiling naman ako.
"I'm okay mom, take care," Kumaway ako nang umaalis na sila.
Buong maghapon akong nag ikot ng bahay. Nagswimming mag isa, Nagmovie marathon mag isa. Gustuhin ko mang tawagan sina Amie kaya lang busy sila sa trabaho at ayaw kong makaistorbo.
Narinig ko ang pagdoorbell kaya agad akong tumakbo palabas.
"Shun?" Gulat kong saad ng sya ang nadatnan ko sa gate.
"Hi," Ano ba ang dapat kung sabihin?
"Ah pasok ka,"nilakihan ko ang bukas ng gate para makapasok sya.
"For you," Inabot nya sakin ang isang boquet ng bulaklak at paper bag na may brand ng Jollibee. My favorite, lihim naman akong napangiti.
"Thank you," Nagpaalam akong pupunta sa kusina para ayusin ang bigay nya.
Nagtimpla din ako ng juice para sa aming dalawa."I'll help you," kinuha niya ang dala kong pagkain, habang pinggan at juice ang dala ko.
Sabay kaming naupo sa sofa. Halos magkatabi na kami at kunting usog nalang ay maglalapat na ang mga balat namin.
"Nabanggit nina tita na mag-isa ka daw dito at ayaw mong lumabas kaya naisip kung bisitahin kita," Pag uumpisa nya sa katahimikan.
"Wala kasi akong maakit," I said.
Nagtagal siya rito marami rin kaming napag usapan. Nagmovie marathon ulit kami dahil wala daw akong kasama nung una. Aaminin kong namiss ko ang ganoong bagay. Yung magkasama kami na lagi naming ginagawa dati.
Nakadapa ako sa kama nang magring ang cellphone ko.
Dinampot ko ang cellphone ko at sinagot.
"Hello?"
"Hi Ashia, You need to be here next week dahil may malaking event at kailangan ng model at ikaw ang piniresenta ko," Nanlaki naman ang mata ko. Nakalimutan kong pansamantala nga lang pala ako dito. Kailangan ko narin palang bumalik sa London.
"Yeah, babalik ako." sambit ko.
"Mabuti naman, akala ko ay hindi kana babalik, Namimiss ka na nang magazine Hahaha," Saad nito. Well lagi kasi ako ang cover ng magazine.
Hindi ko paman naibaba ang phone ko nang may tumawag ulit.
"Hello Kairo,"
"Ashia, Tinawagan ka naba si Gayle?" tanong nito.
"Yes, kabababa lang ng tawag namin."
"Tumawag na din siya sakin, sabay na tayong bumalik?"
"Sige Kairo, magpapaalam na din ako kina mommy," sambit ko bago ibaba ang tawag.
__
"Aalis kana ba talaga agad anak?" puno ng lungkot na tanong ni mommy.
Niyakap ko ng mahigpit si mommy.
"Opo my, pero huwag ka pong mag-alala, uuwi din po ako agad. May kailangan lang po akong asikasuhin,"
Naisip ko kasing mas mabuti kung tuluyan na akong manirahan ulit kasama nila.
Tinawagan ko na rin sila Amie at iba pa pero hindi si Shun. Hindi ko kayang magpaalam kahit na alam ko namang babalik din ako.
Sinarado ko ang maleta ko bago ilagay sa tabi.
Dumaan si Kairo dito at sina mom at dad din ang naghatid sa amin sa airport. Hindi daw kasi makakasama sina Amie kasi busy parin sila.
"Mag-iingat ka doon anak, iintayin namin ang pagbabalik mo," madamdaming sambit ni mommy.
"Mag-iingat po ako palagi, at ganoon din po kayo ni dad," ani ko.
"Hindi kaba magpapaalam kay Shun?"
"Hindi na po siguro,"
Nagsimula nang magtawag ng pasahero ang eroplano kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Handa na akong tumalikod ng tumunog ang phone ni mommy.
"Hello, What? Omygod!" Kinakabahan kong tinignan si mom base na rin sa reaksyon nya ay isa yung masamang balita.
"Ano yon mom?" may pag-aalalang tanong ko.
"Anak si Shun,"
"What about him?" I asked. Hindi ko maiwasang kabahan.
Malungkot ang mga mata niya bago nagsalita.
"He got an accident,"
A/N: Thanks for reading! Epilogue is next.
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.