___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB ( CHAPTER 22 )
~KIVEN POV~
Matamang tinitiningnan ko ang sarili ko sa salamin at inaalala ang ginawa ni Shun.
Buong akala ko tinigil nya na ang plano na gagamitin nya lang si Ashia at siya pa mismo ang nagsabi na nagugustuhan na nya ito pero anong ginawa nya ngayon bakit nya sinaktan si Ashia na akala ko mahal nya. At nakakagulat pa doon ay ikakasal sya kay Selene, for what reason? Akala koba ayaw nya sa babaeng yon pero ito sya at magpapakasal pa.Fuck Shun! Damn you.
Ipinarada ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Ashia. Nagdoorbell ako bago buksan ng katulong ang pinto at pinapasok ako.
Naupo ako sa sofa at inantay ang pagbaba nila. Naunang bumaba ang magulang nya kasunod si Ashia. She look perfect sa suot nyang color velvet na dress na bumagay sa maputi nyang balat.
"Good evening Mr and Mrs. Gresian," pormal kong bati at medyo yumuko.
Natawa naman ang dalawa."Ano ka ba naman hijo napakapormal naman ng tawag mo samin. Pwede mo naman kaming tawaging Tita at Tito," nakangiti nyang sabi na tinanguan ng kanyang asawa.
Nilipat ko ang paningin ko kay Ashia na nakatingin sakin ngayon habang nakangiti.
She looks inoccent hindi ko alam kung bakit nagawang saktan ni Shun ang gantong klaseng babae."Take care okay," Tumango kina tita at tito habang inaalalayan si Ashia na pumasok sa loob ng kotse.
Tahimik kaming bumayahe hanggang makarating kami sa mansion nila Shun.
Umikot ako upang pagbuksan ng pinto si Ashia at inalalayang bumaba ito. Inilahad ko sa kanya ang kamay ko at tinanggap naman nya iyon.Sobrang daming taong nandito upang masaksihan ang engagement nila Shun.
Napadako ang tingin ko sa tabi may humiyaw doon."Hey dude! We're here, " Nakita ko si Mikael na kumakaway kasama sina Caleber at ang kaibigan ni Ashia na babae.
Lumapit kami at umupo doon, nasa katabi ko si Caleber habang katabi naman ni Ashia yung Amie at si Mikael nasa tabi. Halos dumadami pa ang tao hanggang nagsimula na ang emcee sa unahan.
"Good evening ladies and gentlemen, We are here tonight to witness the enggament party of Mr. Shun Salveda and Ms. Selene Cheng, soon to be mrs. Selene Cheng Salveda." Nagulat ako sa nalaman posible kayang si Selene ang anak ng Mr. Cheng na nag aarrange marriage kay Shun na tinggihan nya noon.
Kasabay ng pagsasalita ng emcee ay syang paglabas ng dalawang tao. Nakakapit si Selene sa braso ni Shun habang nakangiti sa mga tao. Samantalang si Shun naman ay seryoso ang mukha. Lumabas din ang lolo nya kasama ang isang lalaking medyo kasintanda ni dad. Ito kaya ang tatay ni Selene?
Hindi ko pa nakikita si Mr. Cheng pero alam kong sya ito. Ibig sabihin ay tinanggap ni Shun ay proposal na kasal.
Natapos ang mga sinasabi nila kaya nagsasayaw na ang lahat ngayon. Sina Mikael ay kasayaw si Amie na kanina ay ayaw pang pumayag pero sa huli'y pumayag din dahil sa kakulitan ni Mikael.
Nilipat ko ang paningin ko sa katabi ko na ngayon ay malungkot na nakatingin sa gawi nina Selene at Shun na nagsasayaw sa gitna. Gusto kong suntukin si Shun dahil sa katangahan nya at pananakit kay Ashia.
Kung noon ay napakakulit at maingay si Ashia ay kabaligyaran ngayon. Kitang kita mo sa mga mata nya na malungkot sya at lahat ng pinapakita nyang ngiti ay peke."Can we dance?" aya ko kay Ashia kaya tumango sya. Gusto kong maging masaya man lamang sya ngayong gabi. Inakay ko sya papunta sa gitna.
Inilagay ko ang dalawang braso nya sa leeg ko at ang kamay ko naman sa bewang nya.
Napadako ang paningin ko kay Shun na ngayon ay masamang nakatingin sakin o sa amin. Ano bang ikinagagalit nya? Akala koba hindi nya mahal si Ashia? Pero ito sya at halatang nagseselos saming dalawa.Nginisian ko na lamang ito. Siya ang may kasalanan tapos parang siya pa itong apektado.
Nagulat na lamang ako ng biglang umalis si Shun at iwanan si Selene sa gitna.
Nakailang tawag pa dito si Selene pero ni hindi man lang nito nagawang lumingon.
What wrong with him? Bakit parang may tinatago sya?Natapos ang pagsasayaw at nag paalam si Ashia na mag ccr kaya narito ako sa table namin habang umiinom ng wine.
Sayang ang pinunta ko dito kong hindi ko manlang matitikman ang wine nila.
Ngunit ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa siya. Tumayo ako at napagpasyahang sundan sya doon. May nakita pa akong mga babaeng lumalabas sa cr pero wala doon si Ashia, gustohin ko mang pumasok ay hindi pwede."Hi, May nakita kabang babae sa loob? Naka kulay velvet siyang dress," Tanong ko sa babaeng kalalabas lang roon .
"Wala eh, actually wala ng tao sa loob," Nilukob ako ng kaba.
Hindi ko alam kong nasan siya? Nilibot ko na ang buong likod ng mansion pero wala pa rin sya.
"Ha? Bakit sya nawawala?" takang tanong ni Amie ng sabihin kong nawawala si Ashia.
"Don't panic mabuti pa hanapin na lang natin sya," magkasama sila Amie at Mikael na muling nililibot ang mansion at si Caleber naman ay sa loob.
Palabas na sana ako ng harangin ako ni Shun na nagtataka ang mukha.
"What happen bakit parang nag aalala kayo?" curious nyang tanong.
"None of your bussiness Shun puntahan mo nalang ang fiance mo sa loob,"sambit ko at tinalikuran sya.
Nakalabas na ko ng gate ng may natanaw ako di kalayuan mula dito.
Si Ashia nakatayo sya malapit sa may puno doon? Anong ginagawa nya don?
Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya pero may malakas na ilaw na pumukaw sa atensyon ko at papunta ito sa gawi ni Ashia.Nakita ko nalamang na hinigit ni Shun si Ashia dahilan kaya hindi sya nasagasaan kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ni Shun kay Ashia kaya lumapit ako.
Tiningnan lang ni Ashia si Shun ng walang emosyon bago lumapit sakin at yumakap.
Nanginginig ang mga tuhod nya."Kiven umuwi na tayo," matamlay nyang sabi kaya tumango ako at hinimas ang buhok nya.
"Okay uuwi na tayo ha, don't be afraid andito na ako," Nakangiti kong sabi bago sya dalhin sa kotse.
Nilingon kopa si Shun na nakatingin samin at halatang nag aalala. Pumasok ako sa loob ng kotse at muling binalingan ng tingin si Shun. Malungkot ang mga mata nyang nakatingin samin pero napalitan yun ng pagkaseryuso ng makita nyang nakatingin ako sa kanya.
Akala ko wala syang pakialam? Pero ramdam kong sobra syang nag aalala ngayon kay Ashia. Ano ba talagang tinatago mo Shun? Bakit paiba iba ka.

BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.