___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB
~ASHIA POV~
Marahan kung hinawakan ang ibabang parte ng mata ko dahil medyo nangingitim ito, suguro ay epekto ito ng pagpupuyat ko. Hindi din kasi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip kay Shun. Tungkol sa muli naming pagkikita. Akala ko handa na ako pero hindi parin pala.
"Ashia! Are you done anak?" dinig kong tanomg ni mommy mula sa labas ng aking kwarto ko."Yes mom, palabas na po ako." pagkasabi noon ay tumayo na ako sa pagkakaupo sa kama at lumabas.
Naabutan ko sina Mommy at Daddy sa harap ng dining table.
Kumain muna kami bago nag pasyang umalis. Isasama nila ako sa kompaniya. Nabobored din ako sa bahay at gusto kung sulitin ang bakasyon ko dito.
Bumaba kami at pumasok sa loob. Binati rin kami ng mga empleyado. May meeting daw sila daddy ngayon kaya nagtambay muna ako sa office ni Dad.
Mula rito ay tanaw mo ang buong lugar ng lungsod.
Naupo ako sa swilve chair ni Dad at humarap sa buong lugar. Binuksan ko ang wine na nakita ko sa loob ng kaniyang opisina. Nakasanayan kung uminom kapag mag-isa ako at nagiisip.
Nakapatong ang paa ko sa habang hawak sa kanang kamay ang wine. Nilalaro laro ko ito bago iniinom. Feeling ko tuloy ako yung kontrabida sa palabas na nagpaplano nang masama.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya masaya ko itong sinalubong."Dad! You're h---" Naputol sa ere ang sasabihin ko nang makita ko kung sino ang pumasok.
Tinaasan ko ito ng kilay.
"What are you doing here?" tanong ko gamit ang malamig na boses.
"Akala ko nandito si tito," nag-aalangang sagot nito.
"Wala siya dito, nasa conference room siya," Walang gana kung tugon. Nakita ko namang tumingin to sa iniinom ko.
"Umiinom ka na pala," sambit nito habang nakatingin sa basong hawak ko.
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.