Chapter 35

888 10 5
                                    

___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB

~ASHIA POV~

Nakikita ko yung mukha ni Shou ngayon grabe talaga hanggang sa panaginip nakikita ko sya.

" Grabe ka Shou, hHanggang panaginip ko nandito ka,"  Sambit ko habang umiiling iling. Pinitik naman nya ang noo ko.

"At hanggang sa panaginip ko pinipitik mo noo ko," Tumagilid ako ng higa baka mawala sya sa panaginip ko. Istorbo sa pagtulog eh masyadong akong kinikilig sa kanya hehe.

"Your not dreaming, get up and we are going to mall,"

"Sus, basa panaginip lang kita, bayae ka diyan," hindi ko sya pinansin masyado syang magulo sa panaginip ko.

" I am not in your dream, bumangon kana at may pupuntahan tayo,"

" Weh? Talaga? Ihuhulog ko nga sarili ko sa kama, ganon daw yun para magising sa panaginip,"

"Sure ka? Masakit yon," hindi yan tulog naman ako eh, hindi masyadong ramdam.

Dahan dahan akong lumapit sa tabi ng kama para ihulog yung sarili, medyo mataas to kaya siguradong gising na ko.

"Arayy! Huhuhu ang sakit ng pwet ko at likod,"  grabe tunay nga.

Tinulungan akong tumayo ni Shou, tatawa tawa naman ito kaya ngumuso ako.

"Bakit hindi mo sinabi," Singhal ko habang sapo sapo ang pwet ang sakit grabe.

"Sinabi ko baby, makakalimutan kana ba?"

"Ay sinabi mo pala hehe, siguro,"

"Tsk, sumasakit ang ulo ko sayo,"

"Aling ulo Shou? Yung sa baba o sa taas?"

"What? " Nakakunot ang noo .

" Eh ! Narinig ko kasi sa kapit bahay namin, Masakit daw yung ulo nya sa baba. Ay ikaw Shou sa baba din bang ulo ang masakit?" Tanong ko kaya naman napakamot nalang sya sa buhok.

"Of course not, Itong ulo ko talaga ang masakit," tinuro nya yung ulo nya.

"At lalong sumakit dahil sa mga sinabi mo" iling iling ito.

"May paracetamol ako Shou, gusto mo?" Umiling lang ito.

" lMaligo kana, may pupuntahan tayo," kaya tumango tango ako bago sya lumabas at ako naman ay pumasok na sa cr, masakit parin likod ko. hehe akala ko panaginip .

__
Pinarada ni Shou ang sasakyan sa parking lot ng mall. Napakaraming tao talaga dito.
Sa 7.6 bilyon tao sa mundo hanggang ngayon hindi ko parin alam kung sino ang nagbilang, ay kagaling nya gusto ko sanang palakpakan. The best siya.

Hinawakan ni Shou ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

Sa botique kami pumunta ni Shou. Ang gaganda ng mga damit dito. Pumasok kami sa loob at nasa mga damit at gown ang atensyon ko.

"Give me a lot of eligant dress,"  sabi ni sir doon sa babae. Tumango naman iyon at nagpaalam.

"Shou ang gaganda, kukuha ba tayo nito?" tanong ko.

"Yeah, may accquitance tayo hindi ba," Ay oo nga pala.

Bumalik sa amin yung babae.

"Sir nakandana napo, ipapasukat napo ba namin kay ma'am ?" tumango naman si Shou.

Sinamahan ako nung babae sa loob ng bihisan, napakaraming gown at ibat ibang kulay.bUna kung sinukat ang kulay blueng gown na parang off shoulder tas may biak sa likod tas meron din sa hita.

Nagpa ikot ikot ako sa harap ng salamin at ang ganda ko.

Lumabas ako at ipinakita kay Shou pero kumunot ang noo nya.

"Change it,"

"Bakit Shou? Maganda naman hindi ba?"

"Hindi maganda, masyadong expose palitan mo," Nagmartsa ako papasok sa loob bago sinukat ang kulay pulang gown.
Naka tube ito tas kita yung gitna ng dibdib ko. Ang ganda bagay din sakin.

"Change it, kita ang ano mo dyan,"

Wala akong nagawa kung hindi ang magpalit ulit, kulay maroon at pink nalang ang nandito. Sinuot ko ang maron naka off shoulder din ito.

Bagay na bagay sakin kasi maputi ako, mayroon pa itomg mga kumikinang sa gitna.

"Masyadong kita ang balikat mo, palitan mo," Kamot na ko sa batok .

Ngalay na ngalay na ako kanina pa ako bihis ng bihis tapos lagi nyang pinapapaltan kung alin payong maganda.
Napatingin ako sa pink na damit may kaunti yung laylay sa braso sabay may diamond sa gitna. Isang simple lang sya pero parang ang lakas ng dating.

Sinuot ko na iyon bago lumabas.
Ngumiti naman si Shou ng lumabas ako.
Nakasimangot na rin ako kasi ba naman pagod ako kapapalit.

"Beautiful baby, iyan ang kukuhain natin,"

Umalis na kami doon pagkatapos ni Shou mag sukat at lahat bagay sa kanya.
Napapatingin nga sa kanya yung mga dumadaang mga babae tapos biglang ngingiti. Halatang kinikilig sila kay Shou.
Iniwan muna namin ang damit ipapadeliver nalang daw ito sa bahay.

Hawak kamay kami ni Shou na naglalakad sa loob ng mall. Ang daming tumitingin sa amin at halatang kinikilig sila. Pati mga lola kinikilig hehe.

Naagaw ng atensyon ko ang babaeng papalapit samin.

"Hi Shun and," bumaling ang tingin nya sakin kaya ngumiti ako. "Hii Ashia,"

"Hello," bati ko pabalik.

"Saan kayo galing?" tanong nya.

"Sa botique, remember accquitance party," ngumiti naman si Shantal kay Shuo.

"Oo nga, and nagpasukat na din ako," ngumiti din si Shou sa kanya.

"Where are you going now?" tanong pa ni Shantal.

"Kakain kami," ako ang sumagot kasi gutom na ako.

"Really? Can I join?" Tumango naman ako.
"Oo naman, mas marami mas masaya hehe," ngumiti ako.

Si Shou ang umoorder kaya kami ni Shantal ang naiwan dito sa lamesa.
Kung kanina nakangiti sya ngayon nakataas na ang dalawang kilay.

"Gaano na kayo katagal ni Shun?" tanong nya kaya sumagot ako.

"Matagal na, simula pasukan pa nang maging kami,"  sagot ko at ngumiti pero umirap lang to.

Bakit kanina tudo ngiti sya pero ngayon parang galit na galit sa akin.

"Mahal mo ba sya?"

"Oo," sagot ko.

"Mahal kaba?" Kakainis to tanong ng tanong.

"Oo sabi nya sakin mahal nya ako," sagot ko pero ngumiwi sya.

"May first love siya alam moba? And they, first love never die," sambit nya.

"At kilala moba kung sino?" Umiling ako.

"Ako, ako ang unang babaeng minahal niya,  kaya mag-ingat ka, dahil sisiguraduhin kong ako rin ang huli," nakangisi nitong usal.

Kung hindi namamatay ang first love pwes ngayun mamatay na. Grrrr naiinis ako parang gusto ko ng gyera ngayon. World war lll, umuusok ng ilong ko.

Napatawa nalang ako sa kaniya.

"Haha ang galing mo mag joke," dumating na si Shou dala ang pagkain kaya natakam ako bigla.

"Why are you laughing baby?" tumingin naman ako kay Shantal na halatang naiinis.

"Nagjoke kasi MISTER KO si Shantal eh haha," tumango tango naman sya.
Diniinan ko yung Mister ko para marinig nya ang maigi baka bingi eh.

"Say Ahh Shun diba favorie mo to?" ngumanga naman si Shou nung sinubuan sya ni Shantal. Palihim akong umirap sa hangin, mabulunan ka sanang aso ka.
Aisshh kainis.

+++++++End of chapter 35+++++++

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon