___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB ( CHAPTER 20 )
~ASHIA POV~
Maaga akong gumising dahil excited akong manood ng laro nila Shou ngayon.
Ginabi pako matulog dahil gumawa ako ng banner pero kahit kulang ang tulog ko masaya parin ako kasi ang depungal na Mister ko ang dahilan hehe.Nakangiti akong pumasok sa school dala ang banner.
"Good morning!" bati ko kina Caliber at Mikael na nandito sa hallway.
"Good morning Ashia," bati nila sa akin.
"Icheer mo kami mamaya ha," agad akong tumango sa kanya balak ko ngang isigaw isa isa ang mga pangalan nilang lahat para ebribadi happi.
"Aye aye Captain," nagsaludo pako sa kanya at tumango tango. Hinimas nya pa ang buhok ko.
"Ang cute mo Ashia," ngitian ko sila ng pagkatamis tamis.
"Cute ka din naman kahit tukmol ka," sabi ko kay Mikael na bigla nalang ngumuso sa akin.
"Pwede bang cute nalang wag nang tukmol," nakanguso parin sya para tuloy syang baboy.
"Tukmol ka naman talaga," napatingin ako kay Amie na biglang nagsalita nandito pala siya.
"Amie! I miss you so much," sabay yakap sa kanya.
"Namiss din naman kita," kaya natuwa ako.
"Mapanakit ka mylabs, hindi mo manlang ba ako namiss?"
"At bakit naman kita mamimiss ? Tukmol ka."
"Fuck it's hurt mylabs," nakahawak pa sa dibdib nya si Mikael habang tawang tawa naman si Caleber.
"Don't laugh Caleber! Hindi ka rin naman kinrushback remember?" nakangising sabi ni Mikael.
"Tss," ano bayan parang ahas si Caleber, si Mikael naman baboy tapos si Shou Aso.
Ano yun? Pwede na silang ilagay sa Zoo.___
Nasa gitna kami pumwesto ni Amie para kitang kita namin ang buong court na paglalaruan nina Shou. Hawak ko din ang banner. Nakita ko sina Shou sa left side ng court habang nasa right side naman yong kalaban nila.Nagsisimula na ang laban kaya sobrang saya ko. Itinaas ko din ang banner na gawa ko tigkabilang side kami ng hawak ni Amie.
Ang design nito ay lahat ng pangalan nila ay nilagay ko tas sa pangalan ni Shou nilagyan ko ng picture ng aso, ang cute talaga. Tapos sticker naman ng barbie kina Mikael."Mister ko galingan mo, Yuhoooo!" Nagsisigaw ako habang pinapanood maglaro si Shou nasa kanya ang bola kaya tudo sigaw ako lalo na nang ishoot nya iyon mula sa malayo.
"Go Tukmol! Galingan mo!" Napatingin ako kay Amie ng sumigaw sya para kay Mikael.
"GO PRINCE SHUN! LABYAHH"
"ANG GALING MO FAFA SHUN! "
"GO! GO! SHUN BABE!"
Bigla akong nainis dahil ang daming babaeng sumisigaw para kay Shou lalo na yong huling sumigaw ng may pa babe pa.
Ang sumigaw ay yong clown na mukhang inidoro."79 -80!" Sigaw ng nag aanounce ng Score lamang ang kalaban ng isa hindi ko alam kung bakit parang nawalan ng gana si Shou na maglaro hindi narin ako sumisigaw kasi nainis ako sa clown nayun.
"1 minute Left," pagsabi nung lalaki sa taas bigla akong kinabahan kasi lamang ang kalaban nila.
Ang dami ng sumisigaw para sa team nila si Shou pero nakatitig lang ako lero bigla akong ginanahan sumigaw.
"Go Shou! Mister ko, love you! " sigaw ko para mapatingin sakin ng masama ang mga babae dito. Lagot! World war 2 naba? Sabi kasi ni Amie isigaw ko yun kaya sinigaw ko.
Tiningnan ko si Shou na nakatingin din sakin.Ngumiti sya bago ako kindatan.
At saka mabilis na dinriball nag bola kahit maraming bantay."5 seconds left," nagbibilang na ang mga nandito kasi ilang segundo nalang ay matatapos na ang oras. Isang segundo nalang at saktong pag zero ay syang pagshoot ng bola.
"YUHOOO!" Napatayo ako sa sobrang saya , lamang sina Shou kaya sila ang panalo.
Niyakap ko Si Shou ng makababa ako nandun kasi sya sa baba habang akoy nasa taas..
"Shou ang galing mo," nakangiti kong sabi.
Nginitian din nya ko pabalik."Dapat magcelebrate tayo ng pagkapanalo natin," komento ni Mikael. Tumango naman ang mga kasamahaan nila.
Nagkanya kanya muna kaming uwi bago magcelebrate. Nagpaalam din ako kina mommy at daddy at masaya akong pumayag sila.
Sinundo ako ni Amie kasi hindi daw ako masusundo ni Shou. Nakarating kami sa pupuntahan namin isa yung bar yung katulad ng pinuntahan namin ni Amie noon.
Pumasok kami sa parang isang kwarto at nandoon na sila at nakita ko si Shou na umiinom ng alak sa tabi kaya mabilis ko syang pinuntahan.
"Shou!" tawag ko pero hindi nya ko pinapansin baka nagalit sya at hindi nagustuhan ang banner na ginawa ko.
"Shou galit kaba? Dahil hindi maganda ang banner ko?" pero tumayo sya at naglakad palabas.
Hala! Napano yun?
"Oo nga! Kanina pa yan pagdating nya,"
"Baka may problema," Kanya kanya silang sabi ng biglang umalis si Shou kahit ako nagtataka kasi hindi nya ko pinapansin.
"Mabuti pa Ashia sundan mo nasi Shun baka may problema lang yun," Tumango ako aka nga may problema si Shou o baka gusto lang magpalambing.
Tumayo ako at lumabas. Maraming tao sa baba dahil nasa taas kami VIP room daw ang tawag doon. Ang daming sumasayaw at may umiinon din. Hinahanap ko si Shou pero hindi ko sya makita. Dumapo ang paningin ko sa kabilang side na may nagsasayaw. aghahalikan sila habang nagsasayaw tiningnan ko ang lalaki. Si Shun.
Bakit parang kumirot ang dibdib ko? May sakit naba ako sa puso.
Naramdaman ko din ang mainit na likido sa ibaba nang mata ko. Umiiyak ako.
"Fuck," rinig kong sabi nila Mikael na nasa tabi ko na pala.
Nagulat ako ng biglang suntukin nila Kiven si Shou pero umiiyak parin ako.
"Fuck you Dude! What are you doing?" galit na sabi ni Kiven lero ngumisi lang si Shou. Bakit parang masaya pa sya?
"Anong ginagawa mo?" galit na sabi ni Mikael.
"Kissing?" mabilis syang sinuntok ni Mikael sa mukha kaya inawat sya ni Caleber."Bakit ka may kahalikan Shou?" sumisinghot singhot pako habang nagsasalita.
"None of your bussiness," seryuso nyang sabi.
"Ay gago pala toh eh," isang suntok ang binigay ni Kiven kay Shou.
Pinahid ni Shou ang dugo sa bibig nya samantalang ako'y umiiyak dahil sa sinabi nya, bakit parang nag iba sya eh kanina lang ang saya namin.
"Can you please stop Kiven!" sigaw ni Shou kay kiven at binaling sakin ang tingin.
"Alam mo kung ano ang plano ko simula palang kaya hindi kana dapat magtaka," sambit nito pagkatapos ay tumingin sakin.
"I don't love you, I only used you,"
Alam kong masakit na salita iyon kaya napaiyak ako.Used? Gamit? Ginamit?
Napatungo ako dahil naiiyak nanamn ako.
Inalo ako ni Amie tiningnan ko si Shou at bigla itong umiwas ng tingin at mabilis na umalis."Fuck! Anong plano ba ang pinagsasabi mo?" iritang tanong ni Mikael.
"Saka na natin yan pag usapan ihahatid muna natin si Ashia," sabi ni kiven kaya tumango sila.
Bakit ganon subrang sakit ganito rin ba ang naramdaman ni Amie noon?
Subrang sakit ng dibdib ko nanghihina din ang mga tuhod ko. Umalis akong masaya sa bahay pero sinira yon ng mapait na gabi ngayon.
I Don't love you! I only used you
Paulit ulit kong naririnig ang katagang yon hanggang sa makauwi ako.'Hindi nya ko mahal, ginamit nya lang ako.
Anong ibig sabihin nya doon?
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomansaAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.