___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB
~ASHIA POV~
"ingat po mang Kanor!" Kumaway ako kay Mang kanor bago pumasok sa Academy. Dala dala ko ang mga libro kaya medyo nabibigatan ako. Mula rito ay tanaw ko ang papalapit na si Shou kaya ngumiti ako ng malapad.
"Good morning mister ko," Hinalikan ko sya sa pisngi kaya halatang nagulat sya. Hehe nakita ko kasi yun kina mommy at daddy.
"Good morning kiss ko yan," sambit at ngumiti.
"Good morning," Inakbayan nyako at dinala ang mga libro ko.
Dumaan muna kami sa locker at doon ko muna nilagay ang iba ko pang libro.
Naglalakad kami sa hallway at sa amin na naman sila nakatingin, napanguso ako.Umayos ako ng upo ng pumasok ang professor namin sabay sabay kaming bumati ng 'good morning'
Halos lahat nakalabas na at ako nalang at si Shou ang nandito sa loob nauna na kasi ang mga kaibigan nya. Inaayos ko pa kasi ang mga gamit ko kaya natagalan kami.
Magkahawak kamay kaming pumunta sa cafeteria, nakita ko pa si Shantal na inirapan ako at ngumiti kay Shou.
Naiwan ako sa table at si Shou ang nag order kaya nilaro laro ko muna ang mga daliri ko.
"Sharap Shou, ghusto ko din lolipop ah ibili mo ako," saad ko habang nakangusong kumakain. Tumango naman sya at inilapit sakin ang hinalalaki nyang daliri at pinunasan ang labi ko, nag init naman ang pisngi ko sabi nila nakakakilig daw yung ganon feeling ko tumatalbog talbog na yung puso ko.
"Shou iihi lang ako," Paalam ko habang nagpipigil ng ihi.
"Sasamahan na kita," aniya pero umiling ako.
"'wag na Shou, madali lang naman ako," saad ko kaya wala syang nagawa kundi ang tumango at umupo sa bangko.
Nagmamadali naman akong lumakad at pumunta sa cr, napailing iling naman ako kahit kailan talaga ang hirap magpigil ng ihi. At saka nakaka UTI daw yung ganon.
Finlash ko na ang tubig bago lumabas ng cubicle, humarap ako sa salamin at nag ayos ng buhok tapos. Tapos nagpulbo.
'Ayan Fresh na," bulong ko sa sarili.
Naghugas muna ako ng kamay bago napagpasyahang lumabas.Pagkalabas ko ng CR ay naglakad lakad ako pero may humigit sa kamay ko at dinala ako kung saan, namalayan ko nalang na nandito na kami sa garden.
Tiningnan ko naman kung sino yun at si Shantal.
"Bakit mo ako hinila? May kailangan kaba?" tanong ko.
"Yes, at yon ay hiwalayan muna si Shun dahil akin siya." sambit nito habang nanggigil.
"Ayaw ko nga, hindi naman sya sayo eh," iling ko.
"Bakit ba ang kulit mo, hiwalayan muna sya kasi hindi ka nya mahal," Napanguso naman ako.
"Mahal nya ako, Ikaw ang hindi nya mahal," saad ko dahilan para magalit sya. Hinila nya ang buhok ko ag sinabunutan.
"Aray!" Ang sakit ng pagkakasabunot nya kaya gumanti ako hinawakan ko din ang buhok nya at hinila.
"Walang hiya ka! Mang aagaw!" Tudo sigaw sya.
"Shatanas ka naman, kainis ka ugrhhhh!" napahiga ako ng dag anan nya ko kaya sinipa ko sya sa tyan kaya nagpalit kami ng pwesto. Sinabunutan ko sya at hinampas hampas ang mukha nya. Ewan ko pero bigla akong nanggigil, subra akong naiinis masyado syang nakakabwesit.
Tumayo nako at nagpagpag ng sarili inayos ko din ang gulo gulo kung buhok.
Lalakad na sana ako ng higitin nya ako pabalik at hiniwa sa braso ng basag na bubog , hindi ko alam kung saan nya yon kinuha."Ouch!" Tinakpan ko ang braso ko ng palad para hindi magdugo ng magdugo.
Nagulat ako ng hiwain ni Shantal ang kamay nya at bumagsak sa sahig, napatingin ako sa unahan at nandoon si Shou.
"Shou!" Tawag ko at tumingin siya sakin pero kay Shantal siya lumapit.
Masakit na rin ang braso ko at ramdam ko ang lalim ng hiwa ng sugat.
"Arayyy! Shun ang sakit , please help me!" Umiiyak na si Shantal at humihingi ng tulong pero sinadya naman nya yon.
"Ano bang nangyari dito?" Tanong ni Shou.
"Siya kasi Shou hinila nya ko tapos h---."
"Sinungaling! Dinala nya ko dito at hiniwa ang kamay ko, arghh sakitt help me," Umiiyak na sya ng malakas kaya dali dali si Shou at binuhat sya at mabilis ang mga lakad na umalis.
Naramdaman ko naman ang mainit na likido sa pisngi ko. Napatingin ako sa braso ko at kitang kita ang malaking hiwa niyon. Mas inuna nya ang maliit na sugat kesa sakin na mas malaki at saka hindi ko naman yun ginawa, dapat ako yung magsumbong pero baliktad ang sitwasyon.
"Ashia, anong nangyari bakit ka umiiyak?" Napatingin ako kina Sky at Elton maging kay Kayden.
"And your bleeding!" Umiiyak parin ako pero mahina lang.
"Let's go, alalayan nyo sya at dadalhin ka namin sa clinic," Inalalayan nila ako at nagtungo kami sa clinic.
Inasikaso naman agad ako ng nurse, hindi ko mapigilang umiyak pag dumadampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko.
"Ano? Mas inuna niya ang lintang yon kaysa sayo? Naiinis ako ha, teka at makakatikim sakin yang si Shun, nakakap*ta," galit na galit si Aemie ng isumbong ko ang nangyari.
" Hayaan muna, naayos naman na ako eh at saka gagaling din ito," sinamaan ako ng tingin ni Amie.
"Iyan ang hirap sayo eh, masyado kang mabait kaya inaabuso ka nila, dapat magalit ka Ashia, Aytss naiinis talaga ako," bakas ang yamot sa boses at mukha nito.
Sumandal ako sa headbord ng kama at tinignan ang braso ko, mas masakit pa sa sugat ko ang pag iwan sakin ni Shou kanina at inuna si Shantal.
" Ashia nandyan si Shun sa labas," imporma ni Sky sakin.
"Hay naku! Huwag nyong papasukin, manigas siya diyan," sambit ni Aemie.
"Relax mylabs baka atakihin ka," Lalo namang nainis si Amie at binatukan si Mikael.
"Papasukin nyo na si Shou," ani ko kaya binuksan nila ang pinto at pumasok doon si Shou. Kita ko sa mukha nito ang pag aalal, ngumiti lang ako para sabihing ayos lang.
"Hayss, aalis na muna ako Ashia," nagmartsa si Amie palabas kasunod si Mikael.
"Mauna na kami Shun." saad nila sky at lumabas din kaya kami nalang dalawa ang naiwan.
"Hindi ko sinasadyang iwan ka, nag-alala ako kay Shantal kanina kaya nawala sa isip ko na baka nasaktan ka din, alam kong mali ako don, patawad." niyakap nya ko at gumanti ako sa yakap nya. Hinalik halikan nya din ang ibabaw ng palad ko.
"Okay lang naman ako, ginamot na nila ang sugat ko," aniya ko.
Hinawakan nito ang braso ko ng marahan at tiningnan.
"Sorry kung mas inuna ko si Shantal kesa sayo nag alala kasi ako sa kanya at hindi ko alam na mas malaki ang sugat mo," mapait naman na ngumiti ako.
"Okay lang, naiintindihan ko naman na nag-alala ka sa kaniya kaya nakalimutan mo ako." sambit ko at umayos ng higa.
"Magpapahinga na muna ko Shou," huling usal ko bago tumalikod ng higa at pumikit.
Author'sNote: Don't forget to VOTE
++++++End of Chapter 38++++++++
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.