Chapter 11

1.8K 25 0
                                    

                                ~SHUN POV~

Dumiretso ako sa Office ni lolo pagkatapos ipagpaalam ni Amie si Ashia sa'kin alam ko namang hindi nya pababayaan ang kaibigan nya.

Kahit nag aaral pako nag aasikaso din ako ng company ni dad para din daw itong training para sakin dahil ako lang naman ang tagapagmana nito kaya walang ibang gagawa nito kundi ako lang.

Naalala ko si Ashia kaya tinawagan ko ito para malaman kung nakauwi na ba sya
pero naka ilang ulit akong nagdial pero out of coverage area lang ito kaya nakaramdam ako ng kaba, palaging naka on ang cellphone nya kaya nagtataka ako kung bakit hindi ito sumasagot ngayon.

Mabilis kong pinapunta dito sina Mikael at Caleber ganoon din si Kiven.
                                                                                  
                                                                              
Nakakailang ulit na akong nagpapabalik balik ng lakad dito sa loob ng office dahil hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang nangyayari kay Ashia at malakas ang kutob ko na hindi pa ito nakakauwi.

Bumukas ang pinto at sunod sunod na pumasok ang mga kaibigan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Hi dude may problema kaba?" nakakunot noong tanong ni Mikael habang nakatingin sa'kin ramdam kasi nitong hindi ako mapakali.

"Oo nga bakit ganyan ang itsura mo?" dagdag na tanong naman ni Caleber habang si Kiven ay seryoso lang na nakatingin sa'kin.
                                                                              
                                                                                 
"Si Ashia hindi ko siya macontact kanina pa," habang hinihilamos ang dalawang palad sa mukha at ginugulo ang mga buhok.

"I saw her  earlier habang pauwi ako lalapitan ko sana siya kaso may kasama syang babae," sabi ni Kiven habang nakasandal sa dingding at nakacross ang mga braso.
Si Amie yun pero san naman sila nagpunta.

"Mikael find her location using the GPS," agad kong utos kay mikael magaling siya sa ganitong bagay kaya maasahan ko siya.

Lahat kami ngayon nakatingin sa computer habang kinakalikot iyon ni Mikael. Hanggang sa nahanap nya ito. Damn!

What the fuck! What  is ahe doing to that fucking place.

"Sasama kami," sabi ni Caleber kaya tumango nalang ako at naglakad.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip nya at nagpunta sya sa ganoong lugar lalo na  alam kong wala syang ka alam alam sa ganoon kaya labis akong nagtataka at nag aalala sa kanya .

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan daig pa namin ang nasa isang karera dahil sa bilis nito.

"Easy dude! Baka mapunta tayo agad nito sa heaven eh!" angal ni Mikael

"Ayaw ko pang mamatay wala pa yung forever ko,"  kunyaring naiinis na sabi naman ni Caleber kaya agad silang binatukan ni Kiven.
                                                                              
                                                                                                           
Bumaba ako sa kotse at mabilis na pumasok sa loob ng bar. Napakaraming tao at halos amoy lang ng alak ang nangingibaw na amoy. Sinuyod ko ang buong lugar para makita si Ashia.
Hanggang sa nadapo ang paningin ko sa babaeng naka uniporme pa ng pang estudyante habang kumakanta at sumasayaw sa gitna.

"Yahooo Happy birthday , party, party!"
Boses palang alam kong siya na yon, napadako ang tingin nya sakin para bang kinikilala nya ko at akmang aalis na ito napansin kong nahihilo ito kaya agad akong tumkabo papalapit para saluhin ito at hindi tuluyang matumba.

Amoy na amoy ko ang alak mula kay Ashia.  Shiit! mura ko sa aking isipan bakit ba sya naginom dito?

Binuhat ko ito at dinala sa kotse.

"Amie," bulong nito.

Amie? Nandito rin pala ang kaibigan niyaa kaya  inayos ko muna ang pwesto ni Ashia at agad akong pumasok sa loob at nakita ko doon si Amie sa counter na natutulog kaya pinabuhat ko ito kina Mikael at Caleber pinahatid ko nadin ito sa kanila.
                                                                              
                                                                                
Si Kiven naman ang pinagmaneho ko sa pag uwi, hindi ko muna iuuwi si Ashia lalo na sa kalagayan nya ngayon . Malalagot sigurado ako kina tito pag nalaman nilang nag inom ito kaya sa bahay ko muna sya dadalhin.

"Hindi mo ba sya iuuwi," tanong ni Kiven.

"Hindi muna, bukas nalang sasabihin ko nalang kina tita na nagawa kami ng project kaya nandito sya nakatulog,"

"Okay, I have to go  take care of her."

"Yeah,Of cousre I do and thank you."
                                                                              
                                                                               
Matapos kong tawagan ang mga magulang ni Ashia ay umakyat ako sa kwarto kung saan ko sya pansamantalang dinala patutulugin. Alalang alala ang mommy niya  pero sabi koy okay lang ito at nakatulog lang sa pagagawa namin ng project.
Tiningnan ko siyang nakahiga nakasuot pa rin sya ng sapatos kaya tinagkal ko iyon at nilagay sa tabi. Kinumutan ko rin sya dahil napakalikot nitong matulog at pabali balikwas pa.
                                                                                
                                                                                                                                   
Marahan kong hinaplos ang buhok nya at inilagay sa likod ng kanyang tenga ang mga hibla na nakaharang sa kanyang mukha.
Ngayon kolang natitigan ng matagal ang mukha nya, maganda sya sa malayo pero mas maganda sya pagmalapitan at napaka amo ng mukha.

"Let's sleep baby, Good night."  bulong ko bago sya halikan sa noo at nagpasyang umalis.

Dahil sa lalim ng gabi'y mabilis na akong dinalaw ng antok,

"Good night," bulong ko bago matulog .
                                                                            
                                                                                 
+++++++ End of chapter 11 +++++++

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon