Chapter 47

1K 24 2
                                    

___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB

~ASHIA KLYNE POV~

Maaga akong gumising dahil alas dyes ang flight namin pabalik ng Pilipinas. Pumasok ako sa banyo at naligo. Nagsuot ako ng damit na hindi mainit sa katawan dahil siguradong mainit sa Pilipinas.

Nagsuot ako ng 3inch sandals bago humarap sa salamin at bahagyang kinulot ang buhok ko. Naglagay din ako nang light na make up.

Matapos ang pag aayos ay bumaba na ako at naupo sa sofa. Tinawagan ko si Kairo.

"Hello, Kairo nasaan ka na?" tanong ko.

"Malapit na ako Klyne," sagot nito.

"Okay, Iintayin kita." saad ko bago pinatay ang tawag.

Pumunta muna ako sa kusina ng condo ko at uminom nang tubig. Binaba ko na rin ang mga maleta ko. Ilang minuto lang ay dumating na si Kairo.
Lumabas ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Are you ready?" Tanong nya sa akin sa kalagitnaan ng byahe papuntang airport.

Tumango ako bilang tugon.

"Ilang taon din akong nanatili dito at sa palagay ko oras na para umuwi ako, maayos na ako Kairo, I'm totally healed, buo na ulit ako at saka isa pa, miss na miss ko narin sila mommy," think it's time," nginitian ko ito.

"Masaya akong okay kana,"

"Thank you sa lahat Kairo," sambit ko.

Nagsuot ako nang shades bago lumbas ng kotse. Ganoon din si Kairo para hindi kami masyadong makilala ng mga tao. Mahirap na baka dumugin kami at hindi na makaalis.

Hinawakan nya ang kamay ko bago kami naglakad ng sabay. Tumayo kami sa pag kakaupo at hinila ang mga maleta namin nang inanunsyo na aalis na ang eroplano.

Sumandal ako sa balikat nya at pumikit. Sana pagbalik ko handa na akong harapin sya.

___
"Princess, I miss you so much!" Bakas ang saya sa mukha ni mommy habang tumatakbo palapit sakin at mahigpit akong niyakap.

Kanina pa sila nandito at nag-aantay sa pagdating namin.

"I miss you my princess," Niyakap din ako ni dad at ginantihan ko ito ng mahigpit na yakap.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa sobrang saya.

"I miss you too mom, dad,"  At niyakap sila nang mahigpit.

"Let's go, alam naming pagod kayo, Kairo gusto mo bang sumama sa amin?" Tanong ni Mommy kay kairo na nasa tabi ko.

"Hindi na po tita salamat po pero nandito na rin po sina mommy, pero pupunta po ako sa inyo bukas," Ngumiti naman si mommy sa kanya.

"Okay hijo, Maraming salamat sa pagbabantay sa anak namin, Paano mauna na kami, punta ka nalang sa bahay," sambit ni Mama at tinawag na si mang kanor at binuhat ang mga bagahe.

"Walang anuman po tita, ingat po." nakangiting ani nito.

__

"Kamusta ka sa London anak?" tanong ni mommy habang nasa byahe kami.

"Yes mommy, sobra po pero syempre hindi ko po maiwasang mainip minsan dahil namimiss ko kayo." sagot ko.

Bumaba kami at sumalubong sa amin si manang na sobrang saya.

"Mabuti naman at bumalik kana Ashia. Namiss ka namin," Niyakap ko si Manang.

"Namiss ko din po kayo,"

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon