Chapter 27

1.2K 12 1
                                    

__CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB

~SOMEONE POV~

"So, what's your plan?" tanong ni Mr. Cheng sa akin habang umiinom ng alak.

"I will kidnap her para magkalayo sila ni Shun, sa  gagawin kong yon tiyak kong mababaliw sya hahaha," Mariin akong napatawa dahil sa aking plano.

"That's a good idea, and about sa company nila ako na ang bahala.  I have a plan to his lolo," ngumisi ako bago tuluyang inomin ang laman ng baso.

I'm just starting.

"Akala ko noong una matino ka, iyon pala ay wala kang pinagkaiba sa akin, sakim karing gaya ko."


~SHUN POV~

Mariin akong napapikit habang hinihilot ang sintido habang nakaupo sa swilve chair , wala si lolo dahil nasa ospital ito, nanghina ito kaya agad kong pinadala sa ospital.

Hindi ko alam kung bakit syang nanghina dahil malakas naman sya. Ewan ko pero parang may mali.

Unti unti nang bumabagsak ang kompanya at wala akong magawa para pigilan yon.
Lahat sila nag pufull out ng investment sa di malamang dahilan.

Matagal na namin silang kabussiness partner at ngayon lang sila umalis.
Kinakabahan din ako sa posibleng mangyari dahil sa pag amin ko sa dahilan kung bakit ako umiwas kina Ashia.
I know si Mr. Cheng ang nasa likod ng lahat ng to.

Tumayo ako at pumunta sa labas ng mansion ng marinig ko na may nag doorbell.

Nadatnan ko ang lalaking naka cap ng itim at long sleeve na itim.

"Who are you?" I ask in a cold voice.

"Pinabibigay lang po," He said at inabot sakin ang isang envelope.

Tatanungin ko pa sana kung kanino galing ng mabilis itong sumakay sa motorsiklo.

Mabilis akong pumasok sa loob at dali daling binuksan ang envelope.

"Fuck!" Nabitawan ko ang litrato.
Picture iyon ni lolo sa ospital bakit may picture sya, agad kong dinampot at tiningnan ang litrato at tama ako may nakasulat sa likod nito.

"Uunahin ko na sya, I will make it more exciting," Bigla akong kinabahan kaya dali dali akong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon.

Nakarating ako sa ospital at tinungo ang private room ni Lolo, nadatnan ko ang pagkataranta ng mga doctor at nurse kaya dali dali ko silang sinilip.
Halos manlaki ang mga mata ko ng makitang pilit sinusurvive nila si lolo.

"Sir! Hindi po pwedeng pumasok," saway saakin ng nurse pero tinabig ko lang ito at diretsong pumasok sa loob.

"Time Of Death 9:31," halos masuntok ko ang pader dahil sa narinig.

"This is not true! Gumawa kayo ng paraan, subukan niyo ulit!" sigaw ko at kinuwelyuhan ang doctor.

"Sorry sir,  ginawa na namin ang lahat pero dumaloy na sa katawan ng pasyente ang lason," nangunot ang noo ko.

Lason? Paano sya nalason?

"What?"

"Noong dinala po siya dito ay may lason na ang katawan nya at kumalat na po iyon kanina lang sa hindi malamang dahilan,"

"Fuck! Anong klaseng doctor kayo, wala kayong nagawa para iligtas ang lolo ko!" sigaw ko kaya napayuko sya.

"Im sorry sir, pero ginawa po namin ang lahat at nalulungkot din po kami sa nangyari, please excuse us," saad nito at umalis kasama ang iba pang nurse.

Napa hagulhol ako habang yakap yakap ang katawan ni lolo. Sisiguraduhin kung magbabayad ang sino mang may gawa nito.

Matamlay akong nakaupo habang nakatingin sa unahan kong nasaan ang kabaong ni lolo. Parating narin ang mga kaibigan ko dadaanan lang daw nila si Ashia.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko at sinagot ang tawag.

"Hello--- Shun si ashia nawawala, kanina pa daw ito hindi makita." napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa narinig.

FUCK!This can't be happening, hindi pwedeng may mawala pa sa akin.

~SELENE POV~

Buong akala ko ay mahal niya n aako pero utos lang pala yon ni daddy sa kanya at ngayun babalik na nanaman sya sa Ashia na yon.

Hindi ako papayag, he's only mine, at para tuluyang mangyari yon, kailangang mawala ni Ashia sa landas ko.

"Yes dad, killed her," Inis kong sambit sa cellphone.

"Don't worry hawak na namin sya," Napangisi ako dahil doon.

Ako ang magpapatikim sa kanya ng impyerno.

~ASHIA POV~

Hindi pumasok si Shou ngayon kaya nalulungkot ako. Mag isa tuloy ako sa bangko ko at walang katabi.
Palabas nako ng Academy kaya naisipan kong mag lolipop binuksan ko ito at sinubo.

Nakalabas nako pero wala pa doon ang kotse at si Mang kanor. Maaga pa kasi kaya ilang minuto pa bago sya dumating. Minabuti ko munang umupo sa may Waiting shed at kumuha ulit ng lolipop.

"La la la la," Kanta ko bago isinasayaw ang ulo ko, pero natigil yon ng may huminting van sa harap ko.

Aba, bago napala ang gamit ni Mang kanor,
Pero mga nakaitim na lalaki ang lumabas doon at bigla akong hinila.

"Aray naman po ang sakit,"  daing ko kasi ang tindi ng pagkakahawak nya.

"Sumama ka samin," saad ng isa.
Tinggal ko ang mga kamay nila.

"Iyon lang po pala eh, halina na kayo pwede namang wag manghila eh," sabi ko at naunang pumasok sa loob.

Tiningnan ko pa ang mga lalaking nakatanga pa.

"Halina po kayo.. Wag na kayong mahiya," aya ko pa. Kaya agad silang sumakay.

Bago umandar ang sasakyan may tinaklob pa silang panyo sa ilong ko kaya nakatulog ako.

Nagising ako dahil may bumuhos sa akin ng tubig. Ano bayan kita ng tulog pa paliliguan na.

"Bitch! Gising!" Halos di ako makahinga ng buhusan ulit ako ni.... Selene?

"Clown? Bakit andito ka?" tanong ko.

"Hindi ba obvius ako ang nagpakidnap sayo," mataray na sabi nya.

"Ay akala ko ipapasyal ako yun pala sa clown ang punta ko, Wow! Saan ang party?" Nagulat ako ng sampalin niya ko. Pakiramdam koy maaalis ang kabilang pisngi ko sa lakas.

"Don't call me clown at pwede ba wag mo akong bwesitin?" pero nginusuan ko lang sya.

Narinig ko ang yabag ng mga paa at yung tatay ni Clown tapos si ---

Bakit sya nandito??

"Bakit nandito ka? Kasamahan kaba nila?" tanong ko kaya lumapit sya sakin.

"Yes, pero kung sasama ka sakin hindi ka masasaktan," aniya pero umiling ako.

Masama sya, akala ko kaibigan ko sya pero niloko nya ko. Niloko nya kami.

Author'sNote: Sino kaya siya?

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon