Chapter 19

1.6K 14 4
                                    

___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB ( CHAPTER 19 )

~ SOMEONE POV~
Pretente akong nakaupo sa loob ng kotse habang pinapanood ang dalawa.
Napakasaya nilang tingnan habang magkahawak ang mga kamay. Tiningnan ko ang babae, She's pretty napakagaling talaga nyang pumili. Now i know kung ano ang kahinaan niya. At iyon ang gagamitin ko laban sa kanya. Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko pauwi. I will make a plan and i'll be going to destroy him.

~ASHIA POV~

"Shou laro tayo, sige na halika na." kanina ko pa siya inaakit na maglaro ng siso dito sa playground pero ayaw nya, pambata daw ito pero gusto ko talagang maglaro.

Kaya noong may nakita akong lalaki pinuntahan ko para ayain maglaro.

"Hi po kuya, Laro po tayong siso doon," nakangiti kong saad sabay turo. Gwapo din siya parang kasing tanda ko lang. Sasagot na sana sya nang biglang sumingit si Shou.
"Let's go, let's play," bigla akong hinila ni Shou at dinala sa siso.

"Akala koba ayaw mo?" nakanguso kong sabi.

"I change my mind, gusto kona."
seryoso niyang sabi habang nakatitig sakin.

"Ano ba yang isip mo, pabago bago," nakanguso kong sambit. Kanina ayaw tapos noong may nahanap na ako gusto na daw. Aisshh, gulo.

Nasa taas ako ngayun habang sya nasa baba, ang bigat kasi niya kaya ako itong nasa taas.

"Wahh! Shou ako naman sa baba," angal ko dito pero nginisian lang ako.

"Aah naman ehh! Ako muna sa baba," pangungulit ko, gusto ko siya naman itong nasa taas.

Natuwa ako ng unti unti niya akong ibaba kaya siya naman itong nasa taas. Napadako ang tingin ko kay manong na nagtitinda ng icecream.
Feeling ko nagpuso puso ang mga mata ko dahil sa nakita, my favorite.
Dahil sa takam ay mabilis akong tumayo kaya ayunn.

BOGSSHHH!

May lumagapak, tumalikod ako at ayun si Shou nakasubsob sa lupa.

"Ano kaba Shou, bakit ka naman lumalangoy dyan? Wala namang tubig diyan." Nakadapa ba naman habang nakasubsob sa lupa at nakadipa ang mga kamay. Narinig ko ang mga tawanan ng mga bata kaya nakitawa narin ako. Dahan dahang tumayo si Shou habang nakahawak sa balakang ang kamay at pinapagpag naman ang isa dahil ang dumi na ng suot niyang damit.

Masama nya kong tiningnan ng makatayo na sya. Hala! Bakit galit sya sa akin? Inaano ko ba siya?

"Shou ilan nahuli mong palaka?" tanong ko kasi ganyan din yung tinatanong sakin ng mga matatanda kahit sina mama pag nadadapa ako.

"What? Anong palaka?" inis nyang tanong habang papalapit sakin.

"Kasi mukha kang palaka kanina?" sabay tawa pero kumonot ang noo niya.

"Why are laughing? You did this to me,"
"Kasi naman lumangoy ka sa kati,"

"Dahil umalis ka ng walang pasabi,"habang hinilot ang balakang nya dahil daw sakin.

"Bakit ako? eh ikaw tong lumangoy diyan." pagtanggi ko.

"Dahil bigla kang umalis kaya nahulog ako," napakamot ako sa ulo ng mapagtantong ako nga pala ang dahilan.

"Hehe, Sowey na agad mister ko, ililibre nalang kita ang ice cream."
Inakay ko siya dahil masakit ang balakang nya, pumunta kami kay manong na nagtitinda ng ice cream.

"Manong dalawang nasa cup nga po," sabi ko kaya tumango si Manong .
Ng kukunin ko na ang pera ko sa bulsa ko wala akong makapa.

"Shou, pengeng pambayad," nakasahod ang kamay ko kay Shou.

"Ha? Akala ko libre mo?" nagtataka niyang tanong.

"Nakalimutan ko pala yung wallet ko, bayaran nalang kita hehe," kamot sa ulo kong sabi.

"Hayystt, mababaliw ako sayong babae ka" sambit niya.

"Matagal ka ng baliw sakin Shou," nagulat sya kaya umiwas ng tingin.

"Yieee! kinikilig ang tumbong ng mister ko," sabay kurot sa tagiliran nya.

"S-TO-P! Ashia," mariing ani nito, tila nahihiya.

Tumigil na ako sa pagkiliti sa kanya dahil nagmukuha na siyang bulate na binudburan ng asin.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa mukha ko. Grabe ang sama ng ugali natutulog pa ako eh.

"Ashia, 7am na bumangon kana at maligo baka malate ka pa,"narinig kong sabi ni Mommy mula sa baba kaya wala akong nagawa kundi ang maligo at mag ayos ng sarili para sa pagpasok.

Kumakain ako kasama si Amie sa cafeteria ng school, namiss ko na si Shou wala sya mula kaninang umaga dahil may practice sila.

"Hoy! Ashia tulala ka, baka pasukan ng langaw yang bibig mo." Eh wala namang langaw.

"Naiisip ko si Shou." saad ko.

"Mabuti naman at nag iisip ka pa." binatukan ko siya grabe nag iisip naman talaga ako.

Naglalakad ako kami pauwi kasama si Amie.

"Amiee! Igagawa ko si Shou ng banner para bukas," masayang kong sabi sa kanya.

"Talaga? Edi mabuti, siguradong gaganahan yong maglaro." nakangiti niyang sabi. Hehe gagandahan ko ang gawa kong banner.

"Andyan na ang sundo ko Ashia, mauna nako, take care."
Kumaway ako sa kanya habang paalis.

"Babye!" pahabol kong sabi.

Nakaupo ako sa waiting shade habang nilalaro ang mga kuko ko ng may lumapit sa aking lalaki, mataas sya parang si Shou, pogi din, nakasuot pa siya ng jersey ng pang basketball.

"Hi," hindi ako sumagot kasi baka mamaya stranger sya tapos kidnapin ako.

"Don't be scared, wala akong balak saktan ka, I'm just here para makapag kilala sayo." nakangiti nyang sabi mukha namang mabait sya eh.

"I'm Kairo Vasquez and you?" kairo vasquez parang narinig ko na iyon hindi ko lang matandaan.

"Ahh, I'm Ashia klyne Gresian." masaya kong sabi.

"Wow! That's beautiful name like you, but i prefer your second name, can i? Klyne." Bukod kina mommy ay ito lang ang tumawag sakin ng second name ko.

"Oo naman,  pogi rin yung pangalan mo." sabi ko kasing pogi nya. Syempre mas pogi Si Shou.

"Isa ang team namin sa makakalaban nila Shun sa basketball, your boyfriend right?" Kaya pala parang narinig ko na ang pangalan nya.

"But it's just a game kaya wala kang dapat ipag alala." tumango naman ako, laro lang naman sila magkalaban hindi naman totoo yun ehh.

Gabi na pero gising parin ako para gawin ang banner ni Shou. Ginandahan ko ito yung parang unique sa paningin .
Hehe May sticker pa nga akong nilagay ehh limang piso ang bili ko dito. Pagnagtrabaho na ako, bibili ko ng maraming sticker tapos bibigyan ko si Shou.

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon