Epilogue

1K 13 0
                                    

___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB

~ASHIA POV~

"He got an accident," Paulit ulit na nag-echo sa isip ko ang mga salitang yon.

Mabilis akong tumakbo papalabas sa airport, ni hindi ko na pinansin ang pagtatawag ng pasahero at nina Mommy. Hindi na mahalaga sakin kung maiwan ako ng flight. Mas inaalala ko si Shun. Naaksidente sya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko lang kailangan ko syang puntahan pero saan.

Saang hospital. Napahilamos ako nang mukha habang umiiyak.

Luminga linga ako sa paligid para humanap nang taxi.

Akmang ikakaway ko na ang kamay ko nang may tumigil na itim na van sa harap ko. Lumabas doon apat na naka itim na lalaki. Parang gustong lumabas ng puso ko sa kaba.

"Sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?!" Nagpupumiglas ako habang pilit nilang isinasakay sa loob ng van.

Marami sila at malakas kaya wala akong magawa.

"Bitawan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako, maawa kayo pakawalan niyo ako!" sigaw ko.

Natigil ako sa pagsigaw ng may tumakip sa bibig ko nang panyo. Unti unting bumigat ang talukap ng mata ko at kahit gustuhin ko kang pigilan, hindi ko na magawa.

Para akong dinaganan ng mabigat na bagay sa mata dahil hinihila na ako ng
Sa mga huling sandali na may ulirat pa ako. Iniisip ko Si Shun!.

_
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko Dahan dahan akong bumangon at luminga linga sa paligid. Gabi na.
Kailangan kung makaalis dito. Kailangan kung puntahan si Shun. Wala akong tali kaya madali akong nakaalis sa pwesto ko. Hinawakan ko ang doorknob at inikot. Laking pasalamat ko nang malamang bukas iyon. Siguro ay nakalimutan isara nang kung sino mang dumukot sakin.

Maingat ang paglakad ko. Madilim ang lahat ng paligid. Nasa ikalawang palapag ako kaya kailangan kung dumaan sa hagdan. Madilim lahat. Walang ilaw na bukas. Hindi ko maiwasang isipin na baka nasa isang haunted house ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa ibaba. Bukas din ang pinto doon kaya madali ko iyong pinuntahan.

Naglakad ako palabas. Nasa tapat na ako nang garden. Naagaw ng atensyon ko ang mga kandila na nakahilera. Damn! Ayaw kong isipin pero. Baka iaalay ako.

Gusto kung tumakbo paalis at tumakas. Pero may naguudyok sakin na lumapit at puntahan ang kandila.

Naglakad ako papalapit sa kandila. Nasa tabing daan sya. Ang ganda nang pagkakagawa nito. Halatang pinag isipan.

Lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit sa dulo.

Iniikot ko ang paningin ko nang bumukas ang ilaw at tumambad silang lahat sa akin.

"Surprise!" napahawak ako sa sariling dibdib dahil sa gulat.

Nandoon silang lahat, nakangiti habang nakatingin sakin na gulat at nagtataka parin sa nangyayari.

Nakita ko narin lahat ng design sa paligid. May mga ilaw na iba't ibang kulay. Mga bulaklak sa paligid. May malaking puso sa tabi. May isang table sa gitna.

Naiiyak na lumapit sakin si Mommy.

"My Princess, I'm happy for you. Masaya ako dahil natupad mo na ang pangarap mo. I'm always here for you," Mommy.

Naguguluhan ko silang hinarap.
"
Bakit tayo andito? Naaksidente si Shun. Kailangan natin syang puntahan," Nag aalalang sambit ko.

Pero lahat sila ngumiti lang.

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon