___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB
~ASHIA POV~
Excited kong isinusot ang gown ko dahil ngayon na ang party, naexcite ako dahil siguradong marami roong pagkain.
Tatlong tatlong ang narinig ko mula sa pintuan.
"Bess andito ako," narinig ko ang boses ni Amie sa pinto kaya lumapit ako at binuksan yon.
"Amiee bakit andito ka?" Nagtataka kong tanong.
"Dito ako magbibihis at mag aayos para sabay tayo," Tumalon talon ako sa tuwa .
"Talaga? Halika na sa loob magbihis na tayo," ani ko at hinila sya sa loob para makapagbihis nako.
Inayusan din ako ni Amie at minakeupan, nakapugong ang buhok ko na may kunting laylay sa harapan. Napakacute ko habang nakatingin sa salamin.
"Amie, maganda naba ako?" tanong ko kay Amie habang nakangiti.
"Oo naman maganda ka naman talaga," aniya kaya ngumiti ako.
"Maganda ka din Amie," pagpuri ko sa kaniya.
"I know right," ay english, maganda din si Amie kyut din siya.
"Halika na nga sa baba at parating na yung sundo natin," Magtatanong pa sana ako kung sino kaso nauna na syang lumabas kaya naiwan ako.
"Hoy tara na!"
"Oo susunod na ako Amie," Inayos ko muna ang gamit ko bago bumaba.
Dahan dahan akong naglakad dahil sa haba ng gown at medyo mabigat sa katawan ko nakarating ako sa hagdan at parang nag slow motion ang paligid ko ng magtagpo ang mga mata namin ni Shou.
Bakit ganon parang tumigil ang mundo ko.
Bawat hakbang ko ay tanging tunog lang ng takong ko ang naririnig ko, na may Shou lang din ang paningin ko at ang buong atensyon. Dahil kay Shou ako nakatingin hindi ko namalayan na nakababa na pala ako ng hagdan."Good evening mister ko, maganda ba?"
Nagpaikot ikot ako sa harap ni Shou at pinalawak ang gown ko habang hawak ito sa laylayan."hmm, you're so beuatiful," Napahilot pa ito sa sintido at umiwas ng tingin. Napanguso ako.
"Let's go, mamaya na kayo maglambingan dahil malalate tayo," Napatingin ako kay Amie na naglalakad na patungo sa kotse kaya hinawakan na ko ni Shou sa braso ay iginiya sa kotse.
Nasa backseat si Amie habang ako ay nasa frontseat katabi si Shou.
Sa labas ng bintana lang ako nakatingin habang nagmamaneho si Shou .
Ilang minuto lang ay nakarating na kami.
Ang lakas ng tugtog at ibat ibang ilaw ang bumungad samin mula palang sa gate.
Napakaganda, hawak ako ni Shou sa bewang habang si Amie ay kasama si Mikael na inaabangan sya kanina.
Halos lahat nakatingin samin habang naglalakad sa pulang carpet, maraming bulungan din ang naririnig ko kaya hinigpitan lalo ni Shou ang hawak sakin.Naka arrange ang mga lamesa at sa gitnang bahagi kami pumunta, nandoon lahat ang mga kaibigan ni Shou.
"Your'e here, hi Ashia you look so gorgeous," Napangiti naman ako.
"Don't smile at them," saad ni Shou. Napanguso ako. Inalalayan nya akong maupo sa tabi nyang bangko.
Napatingin ako kina Mikael at amie na padating na din."Pareng Mikael dumadamobs ka na ahh," Pang aasar ni Sky.
"Oo naman, malapit na ngang maging kami." Saad ni Mikael kaya binatukan sya ni Amie.
"Asa!" singhal nito at umupo na.
"Hahaha mukhang basted ang totoy natin ahh," Ani ni Elton.
"Hindi kaya," Sagot ni Mikael at muling humarap kay Amie na may malawak na ngiti.
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.