___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB
~ASHIA POV~
Its been 5 years since I live here in London at masyadong maganda ang naging buhay ko dito. Malayo sa anumang gulo, dahilan kaya mabilis kong natahak ang matagal ko nang pangarap.I tried to be mature and be confident.
Hindi na ako ang Ashia noon na madaling utuin, na masyadong malambot ang puso at inosente sa maraming bagay.
Ayaw ko nang ibalik ang dating ako, masyado akong winasak ng nakaraan na ni isipin ay ayaw ko nang balikan.
"Get ready Klyne, ikaw na ang kasunod," imporma nang manager kong si Gayle.
Klyne, iyan ang tawag nila sakin dahil yan ang tawag ni Kairo kaya ginaya nila.
And yes, Kairo is here. Nalaman kung dito rin sya mag aaral, naging magkaklase pa kami dahil parehas kami ng kinuhang program.
I look at my self in the mirror before i stood up. Inayos ko ang hapit kung damit bago lumabas. Nginitian ko si Kairo na nasa kanan ng stage kung saan ang pwesto namin. Kairo is my partner kaya lagi kaming magkasama.
"1, 2, 3," bilang ng direktok habang nasa harap naman ang kaliwa't kana na camera. Nakatagilid ako at nakaharap sa kanya hawak nya ang bewang ko at magkalapit ang aming katawan. Masyado na akong sanay dito kaya hindi na ako naiilang. Ang sumunod naman n a position namin ay nasa likod ko si Kairo habang nakayakap sa akin at nasa leeg ko ang mukha nya at bahagyang nakabuka ang aking bibig.
"Labas tayo Klyne, treat ko," I smiled and nod. We always eat together. Madalas kaming pagkamalang magcouple na sinasakyan nalang naming dalawa.
Hinapit nya ako sa bewang na ikinakilig ng mga kasamahan namin. We act like a couple kahit na hindi naman. Masyado kasing kinikilig ang kasama namin kaya sinasabayan nalang namin.
Pinagbuksan nya ako ng pinto bago umikot papunta sa driver seat. Si Kairo din ang nagkabit ng seatbelt ko kaya natawa ako."So gentleman," Kinurot ko ang pisngi niya. Kinurot kopa ang pisngi nito na lagi kong napagdidiskitahan.
"Klyne, not my cheeks," Habang sapo sapo ang pisngi kaya lalo akong natawa.
He look so cute.
Minutes had passed at nakarating na din kami sa favorite naming restaurant.
Iginiya nya ako papasok sa loob. Naupo ako habang tumatawag sya ng waiter.
"Spaghetti Bolognese, Puddings, Fish and chips also," si Kairo na ang omorder dahil alam naman nya ang gusto ko kaya pinapanood ko nalang sya at ginagala ang paningin sa paligid. Halos lahat couple ang nandito kasi this restaurant is for a couple talaga. Natawa nalang ako ng mapagatantong hindi naman kami couple ni Kairo pero lagi kaming nandito.
Nag-uusap kami ni Kairo habang kumakain. Namamaintain ko din ang mga kinakain ko para mapanatiling healthy ang katawan ko dahil kailangan yon sa trabaho ko. Nauna kung maubos ang spaghetti.
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.