~ASHIA KLYNE POV~Maaga akong gumising kahit sabado ngayon, practice kasi nina Shou kaya sasama ako. Sinipat ko ang itsura ko sa salamin bago tuluyang lumabas.
"Good morning world!" malakas kong sigaw pagbaba ng bahay at itinaas ko ang aking dalawang kamay.
"Hehe good morning ija!" nginitian ko si Manang Isabel.
"Manang, si mommy po at daddy nasaan?" Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng sala pero walang tao maliban sa amin ni Manang Isabel.
"Maaga silang umalis papunta sa opisina, kaya hindi na sila nakapagpaalam sa iyo." Tinanguan ko na lamang si Manang.
"Halika at kumain muna," inaya ako ni manang sa lamesa. Ako na mismo ang kumuha ng pagkain ko.
"Manang ipaghanda mo po ako sa isang baonan ng kanin at ulam," Dadalhin ko iyon kay shou.
"Sige hija para kanino ba ito?" Tanong nya.
"Kay shou po," maikling sagot ko.
"Ahh ganon ba sige at intayin mo lamang dito." Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain, napakasarap talaga ng adobo na pininyahan.
Ito ang paborito kong luto ni Manang.
Bigla kong naalala si Cleo, anak sya ni manang. Bata pa kami ng huling nagpunta sya dito."Manang, nasaan na nga po pala si Cleo?" tanong ko, miss ko na ang kingkong na iyon.
"Nag aaral sa pa sa Sta. Elena hija, namiss mo na ba sya?"
"Opo, Manang gusto kong maglaro ulit kami." masaya kong wika sya kalaro ko noon ng bahay bahayan.
"Oh ito na ang baunan, hayaan mo at papupuntahin ko dito si Cleo sa bakasyon siguradong miss na miss ka narin noong anak ko."
"Hehe, sige po alis na ako." nagpaalam na ako kay manang at pinuntahan si mang Kanor."Good morning mang kanor," nandito siya sa labas, siguro ay kanina pa niya ako iniintay.
"HIja aalis kana ba?" tanong nito.
Tumayo sya sa pagkakaupo at pinagpapagan ang sarili.
"Opo." mabilis kong sagot.
"Sige halika kana."
Sumakay ako sa backseat, sa court ako ng school ako pupunta, doon magpapractice sina Shuo.Excited nakong makita ang mister ko.
Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at tinungo ang court pero may narinig akong usapan. Hindi ako chismosa hah, slight lang hehe."He will be mine soon." boses iyon nong Clown ah, sino naman kaya yung 'he' na iyon.
"That's good to hear." Boses ng lalaki pero hindi ko naman kilala hindi tapos ay hindi kopa sila makita, tanging boses lang. Umalis ako doon at tinungo ang court bahala syang clown siya. Naabutan ko ang grupo nina Shou na ang eexcercise.
Kumaway ako sa kanila kaya agad nya kong nakita."Mister ko!" sigaw ko habang papalapit ako sa gawi nila.
Subrang pawis ni Shou tumatagatak sa kanyang mukha papuntang dibdib.
Kinuha ko ang panyo ko sa shoulder bag ko at saka pinunasan ang mga pawis ni Shou."Ang sweet!"
"Naoll"
"Nilalanggam ako,"
Kaniya kaniya silang sabi, hehe matamis daw kami, bakit natikman na nila? maalat kaya ang pawis.
"Walang porneber." hirit ni Mikael na kunwari sumusuka.
Hinatak ko si Shou papuntang upuan, iniabot ko sa kanya ang baunan namay lamang kanin.
"What is it?" ay tanga naman ng tanong ni Shou kita ng baunan, magtatanong pa.
"Syempre baunan." nakanguso kong sabi.
"I mean --pagkain yan shou kaya kumain kana." putol ko sa sasabihin niya saka inabot sa kanya ang kutsara.
"Ashia wala ba kami?" nilingon ko si Mikael na parang bata na nanghihingi, nakalimutan ko kasi silang dalahan. Umiling ako kaya ayon umiyak. Iyakin din pala sya parang ako.
"Ito Shou tubig."abot ko ng tubig pagkatapos nyang kumain.
Bumalik ulit sila sa pagpapractice pagkatapos ng lunch yung mga kasamahan niya nagpadeliver nalang.
Nakaramdam ako pagihi kaya umalis muna ako at pumunta sa CR ng court. Pumasok ako at dumiretso sa cubicle. Ihing ihi nako kaya dali dali kong ibinaba ang jeans ko saka panty.
Haystt ang tagal halos abutan nako ng ihi ko.Sa susunod hindi nako magpapanty sagabal sa pag ihi.
Nasa kalagitnaan nako ng pag aayos ko ng pang ibaba ko ng lumagitgit ang pinto.
Wahhh multo!
Pero hindi naman nagbubukas ng pinto ang multo, agad akong lumabas pagkatapos. Nadatnan ko yung si Selene the clown nag aayos ng mukha. Eh? Wala namanang iaayos pa kasi sira na. Napangiti ako. Nakita nya ko kaya agad nya kong pinaningkitan ng mga mata kaya ganun din ang ginawa ko.
"Oh nandito ka din pala," mataray na sabi nito.
"Ay wala, Hologram lang ako hologram lang." Ang bobo naman nito.
"Stupid,"
Aba! Ako pa ang tanga.
"Hindi ako tanga ikaw ang tanga, bobo at saka panget haha." Inasar ko siya kaya ayon umuusok ang ilong sa galit.
"How dare you!" sasampalin nya sana ako pero sinalag ko at sya ang sinampal ko sya.
PAK! isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi nya. PAK! isa naman sa kanan.
"Ayan partner naya, baka naman umangal kapa." pagtataray ko din aba dapat ako din magtaray. Ano yun? Siya lang marunong, marunong din ako.
"You bitch!" nakahamba na ang kamay nya pero agad kong kinuha ang brush ng bowl at tinutok sa kanya.
"Sige, Ilalampaso ko yang mukha mo." sabay lapit sa kanya ng brush na hawak ko. Sinamaan nya ko ng tingin bago tumakbo paalis, Ay duwag.
Pagkaalis niya ay nagtatalon ako.
"Wahhh! ang galing ko talaga best actress na ako!" Hiyaw ko habang nakatingin sa Salamin.
Iyon yung napanood ko sa TV.
Tuwang tuwa akong bumalik sa court at nandon na sa bangko si Shou umiinom ng tubig."Where have you been?" nakatingin ako sa kanya na hindi mawala ang ngiti ko sa labi.
"Sa CR Shou." sagot ko habang nakangiti padin.
"Bakit ang tagal mo?"
"Ahh nagpractice kasi ako." sabi ko, kumunot ang mga noo niya at nagtataka syang tumingin sakin.
"Nagpractice akong manampal Shou at kay Selene ko ginawa, ang galing ko diba?" Nakangiti kong sambit sa kanya na lalong ikinakunot ng noo niya, mukha tuloy matanda noo niya.
"What? Sinampal mo si Selene?" Ayy paulit ulit itong si Shou kaya tumango ako.
"Iwasan mo siya, huwag ka nang lalapit sa kanya okay?" bigla syang sumeryuso kaya tumango nalang ulit ako. Pagkatapos ng practice nina Shou ay hinatid na nya ko sa bahay.
Layuan ko daw si Selene, bakit kaya?
Ahh Basta hindi ako magpapatalo sa isang panget na mukhang inidorong clown na yun.
++++++End of chapter 18+++++++
![](https://img.wattpad.com/cover/288396866-288-k741578.jpg)
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.