___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB
~ASHIA POV~Nagising ako na masakit ang ulo dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi.
Iniisip ko ang ginawa kong pag amin. Siguro naman hindi nya yun maalala dahil lasing sya. Bumangon ako at tiningnan ang sofa kung saan sya natulog pero wala ito roon.
Siguro ay lumabas sya nang hindi pa ako nagigising. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko.
Nagpupunas ako nang buhok sa harap ng salamin ng maka amoy ako ng niluluto. Biglang tumunog ang tyan ko. Unti unti kung sinundan ang amoy at hindi nga ako nagkamali galing iyon sa kusina nang aming kwarto.
Nakatalikod si Shun habang nagluluto. Nakatopless pa ito kaya kitang kita ang matitipuno nyang braso.. Haystt kung ano ano na ang iniisip.
"Ehem," Tikhim ko dahilan para makuha ko ang atensyon niya. Tumungin siya sakin at ngumiti.
"Good Morning, gising kana pala. Tatapusin ko lang ito tapos ay kakain na tayo." ani nito at ipinaghila ako ng upuan.
Aaminin kong hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya kahit na nasaktan ako noon. Nahihirapan lang akong aminin yun sa sarili ko kasi nasaktan ako. Pero nang narinig ko ang paliwanag nya. Umusbong muli ang pagmamahal ko at hindi ko na kayang itago pa.
"Let's eat," Napatingin ako sa kanya habang nilalagyan nya nang kanin at ulam ang pinggan ko.
"Thank you," usal ko ng iabot nya sakin ang pinggan. Kumain kaming tahimik. Pasimple akong tumitingin sa kanya at nahuhuli ko syang nakatingin sakin.
Siya rin ang naghugas ng pinagkainan namin kaya wala akong nagawa kundi ang panoodin sya. Sa loob ng nakaraang taon ang daming nagbago sa kanya . Nagmatured sya na lalong nagpalakas ng appeal nya. Sumubra din ang pag ka fierce ng mukha nya. ero pagdating sakin lumalamlam ito.
"Ah Ashia, pwede ba kitang ayaing lumabas at maglakad lakad?" tanong nito. Wala naman akong gagawin ngayon at gusto ko rin mamasyal para sulitin ang natitirang araw namin dito.
"Sure," pagpayag ko. Nakit ko ang malawak na ngiti sa bumalatay sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Childish Girl Meet The Campus Hearthrob
RomanceAshia Klyne Gresian is a humble and innocent girl who will fall inlove with a campus hearthrob, Prince Shun Salveda.