Chapter 42

820 15 9
                                    

___CHILDISH GIRL MEET THE CAMPUS HEARTHROB

It's been 1 month simula nung graduation namin at masasabi kong masaya talaga kapag bakasyon pero namimiss ko sila.

Nanonood ako ng TV nang biglang nagflash ang isang balita.

'Shantal Sequella masayang ibinalita ang pagbubuntis nya sa anak nila ng young bussiness Tycon na si Prince Shun Salveda," Nangunot naman ang noo ko sa narinig.

Paano naman yon mabubuntis eh hindi naman sila mag asawa, sigurado akong niloloko lang ako ng balitang yan.  Agad kong pinatay ang TV at saka umakyat sa taas ng magring ang cellphone ko.

"Hello?" sambit ko sa kabilang linya hindi ko kasi kilala wala namang pangalan.

"Hi Ashia napanood mo na siguro ang balita diba?" Shantal? Kaboses niya.

"Oo," simpleng sagot ko.

"Magkita tayo para mas maintindihan mo," saad nito bago pinatay ang linya.

Nagbihis ako at bumaba ng hagdana at nadatnan ko doon si Shou.

"Shou bakit andito ka?" Kunot noo kung tanong.

"Saan ka pupunta?" sinipat nya ang kabuuan ko.

"Kay Shantal kakausapin nya daw ako,"  Mabilis syang umiling at lumapit sa akin.

"No! Hindi ka pupunta sa kanya," pigil nito sa akin.

"Bakit? Ah Shou napanood ko nga pala sa TV buntis daw si Shantal at ikaw ang ama  pero hindi naman ako naniniwala eh," Pinaupo nya naman ako sa sofa at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi ako ang ama ng bata kung totoo mang buntis sya kasi wala naman akong na alala na may nangyari sa amin kaya trust me okay? Huwag kang maniwala sa kanila," Tumango tango naman ako dahil alam kung nagsasabi sya nang totoo.

__
"Naniwala ka Ashia? Sabagay alam ko naman na mahal na mahal kanya,"  sambit ni Amie habang naglilibot libot kami sa Mall. Matagal din kaming hindi nagkita kaya inaya ko syang lumabas.

"Here maganda dito," hinila nya ko sa isang botique at bumili ng damit.

Pumunta din ako sa bilihan ng pagkain hehe dadalhin ko sa kwarto ko para pag manonood ako ng TV mamaya.

"Ang hilig mo sa pagkain no? Mabuti hindi ka tumataba samantalang ako nagkakabilbil kapag maraming kinain," nakangusong saad ni Amie.

"cr lang ako Ashia ha, intayin mo ako dito, madali lang ako," pagsabi nya non ay mabilis syang umalis kaya umupo muna ako sa bakanteng upuan at habang naglilibot libot ang malikot kung mata may nahagip akong pamilyar na tao pero agad ding nawala, baka naman imagination ko lang yon.

"Oy Tara na, Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naimik may problema ba?" nag-aalalang tanong ni Amie.

"Wala naman," iling kung sagot at sumakay na kami sa escalator.

_
" Sigurado kabang okay ka lang dito mag isa?" Tanong ni Amie.

"Oo darating na din naman si mang kanor," pagtango ko.

"Okay, Bye take care," Pumasok na sya sa kotse nya kaya tinanaw ko nalang ito hanggang makaalis.

Nakatayo ako sa harap ng mall habang palinga linga nagbabakasakaling nandito na si mang kanor pero wala pa.

"You're here, ang malanding si Ashia nandito pala," nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko at nakitang si Shantal yon.

"Makinig kayong lahat," Tawag nya sa mga taong napapadaan .

"Itong babaeng ito ay ahas, pilit nyang inaahas ang boyfriend kong si Shun!" Nagsinghapan ang mga tao at biglang sinampal ako ni Shantal.

Kilala si Shantal ng mga tao dahil siguro sikat ito pero hindi naman siya girlfriend ni Shun. Nagsisinungaling siya.

Napasinghap ako ng malakas niya akong sampalin. Halos mamanhid ang kaliwang pisngi ko dahil doon. Sobrang sakit at hapdi.

"Aray! Tama na  Ang sakit!" hinila nya ang buhok ko at tinulak sa pader. Halos maiyak ako dahil masakit.

"Ouch," Hinimas himas ko ang likod ko at akmang sasapakin nya ulit ako ng umilag ako kaya napabagsak sya sa sahig.

"Ahhh! Ang sakit ang baby ko tulonggg!" Nagulat ako kaya tutulungan ko sana sya nang tabigin nya ang kamay ko.

"Huwag kang lumapit! Kapag mang nangyaring masama sa baby ko mananagot ka!" Napaatras ako pero agad din akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Shantal Your bleeding! What happen here?" Si Shou dali dali nyang tinayo si Shantal.

"Ang babaeng ito itinulak nya ako," Turo sa akin ni Shantal kaya agad akong umiling.

"Hindi totoo yan," umiiling na sambit ko habang umiiyak.

"Ashia? Totoo ba?" tanong  ni Shun pero umiling ako.

"Nauna sya Shou sinaktan nya ko," sumbong ko pero parang piniga ang dibdib ko sa sinabu niya. Hindi ko maintindihan pero ang sakit.

"Pero dapat hindi kana pumatol alam mo namang buntis sya diba? Paano kung may mangyaring masama sa anak ko," Nagitla ako dahil sa sinabi nya pero agad nya nang binuhat si Shantal at dinala sa sasakyan.

__
Nakarating nako sa bangketa habang umiiyak, sinabi nya sakin na hindi sya ang ama pero sinabi nya rin kanina na anak nya. Tapos magkasama pa silang dalawa at sa pangalawang pagkakataon nagsinungaling na naman sya sa akin

Napapitlag ako ng may tumigil na van sa harap ko at lumabas doon ang apat na lalaki at hinigit ako sa kamay.

"Aray ko! Ano ba? Ayaw kong sumama!" Nabitawan ako ng isa kaya napasubsub ako sa semento.

Aray!

"Huwag kang pasaway Babae! Sumama ka nalang kung ayaw mo masaktan." Ang sakit nang pagkakasasapak ko kaya halos mawala na yung pisngi ko.

Sinipa ko yung lalaki sa paahan ko kaya nakatayo ako hindi pa ako nakakahakbang ng hilahin nila ang dalawa kung paa.

"Maawa po kayo sakin please, tama na po!" ang sakit na ang mga siko ko kasi tinutukod ko para hindi ako masubsob.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad kinuha.

"Shou tulungan mo ako! Tulong! arayyy!" pero wala akong naririnig na boses.

"Ughh! Shitt! Ohhh!  Sige pa Shun I love you too," at namatay na ang tawag.

Tuluyan na akong napaiyak.

Bakit nakay Shantal ang cellphone nya?

Anong ginagawa nilang dalawa bakit may I love you too?

"Ahhhh! Arayy tama na po masakit!" Pinalo ako ng kahoy nung isa sa kanila.

Unti unti nang nagdilim ang paningin ko nang may maaninang akong sasakyan.

"Tara na may paparating," agad nag sialisan ang mga lalaki kaya naiwan akong sugatan at nanghihina. Pakiramdam ko ay anumang oras ay bibigay na ako.

"Ashia! Anong nangyari sayo?" Nakita ko si Kairo na papalapit sa akin kaya natuwa ako dahil may tutulong na sa akin.

"Tulong," Binuhat nya ako at dinala sa sasakyan at agad na pinaandar paalis.

Mabuti at dumating si Kairo, salamat dahil may dumating na taong hindi ko inaasahan.

Bago tuluyang magdilim ang paningin ko ramdam kopa ang mga butil na tumulo galing sa mga mata ko.

A/N: Iyak muna for today's update. Muahhh😘 Don't forget to VOTE

++++++++End of Chapter 42++

Childish Girl Meet The Campus HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon