CHAPTER 2

1.8K 112 9
                                    

"Patay ka abbi.... Andito si kill." napatingin ako sa bandang pintuan, nakita ko siyang papunta sa direksyon ko habang nakacrossed arms.

Tss. Panget talaga nito kabonding kahit kailan. Kung pwede ko lang siya katayin, ginawa ko na.

"VEBBIANA!!"

"Oh? Bakit ka andito? Gusto mo rin uminom? ARAT! Maglalasing na us!" Binuhat niya ako, hinayaan ko nalang. Napatingin ako kay eshang na panay tili ta's may pa heart finger pa.

Yawaners! Naiwan ko ‘yong papel na binigay sa akin ng lalaki kanina.

Tss. Bahala na nga, papel lang 'yon.

Dahan dahan niya akong ipinasok sa loob ng kotse at pinisil sa cheeks.

"Let's go home...."

"Kill....." He just smiled at me.

Ugh! Inaantok na ako pero ayaw ko pang matulog. Gusto ko kung matutulog ako, ‘yong panghabang buhay na.

"Mhal, gala tayo bukas."

"Sure, yam... Next time huwag kanang aalis ng bahay without my permission, okay? Nag-aalala ako sa'yo..."

"Alam mo, mhal. Medyo kahawig mo si Ezekiel." Bahagya siyang napahinto at tumingin sa akin. "Sa kalasingan mo lang iyan." nagdrive siya ulit habang ako ay nakatunganga.

Siguro miss ko lang ‘yong kupal na ‘yon kaya sakanya ko nakikita.

Pagkarating namin sa bahay ay agad niya akong binuhat at dinala sa kwarto namin. "Bango mo pa rin kahit amo'y alak ka." He whispered. "Kahit na kumaen pa ako ng tae, mabango ako forever."

"Sleep kana, Good night yam. I love you." hinalikan niya ako sa noo at inayo ang kumot.

"Ikaw, hindi ka pa matutulog?"

"Later..... I have something–" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya hinalikan ko na siya at natulog.

Kinabukasan, maaga palang ay nagising na ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Naabutan kong tulog ang hari sa dining table habang nasa harap niya ang mga papeles.

"Sipag naman......"

Tahimik akong pumunta sa dining area ng bigla nalang may padabug na bumukas ng pintuan.

'hindi nakalock?'

"HIII MARITESS!!!"

"HII ABBIII!!"

"HII VEBB!!!"

napasampal nalang ako sa sarili ko. Mga tarantado talaga!! Nagdahan-dahan nga ako para hindi siya magising ta's–veb..... Easy ka lang! EAS– "PISTEEEEE KAYO!!!!!!!!!!!!"

"What's happening?!" napatayo ang hari at natatarantang lumapit sa akin.

"Patay......" Eraño. Kinuha ko ang kutsilyo at hinabol silang lahat.

"UGHH!!! ANG AGA AGA AHHH!!!"

"easyyy ka langg!! Easyy!!" Ryker.

Huminto ako at itinapon ang kutsilyo sa direksyon ni blue pero nakailag ito.

Kahit kailan talaga!!! Ughhh!!!

"Imagine ganyan kadami anak mo. HAHAHHAHA" Napatingin naman ako na nagsalita sa gilid ko. "Joke lang.... Bati tayo di ba?"

"ISA KA PA!!" dali dali kung hinawakan ang leeg niya ay sinakal siya hanggang sa hindi na siya makahinga. Pero tawa pa rin siya ng tawa!

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon