CHAPTER 13

1.2K 86 11
                                    

Pagbalik naman sa mall ay naabutan namin sina zairo at xairo nag-aabang sa labas ng mall "akala ko ihi lang?" taas kilay na tanong ni zai kay claire. "Malayo ang cr e, di ba veb?"

"Oum, sa sobrang layo, nakaabot kami sa park," Tumawa kami ni Claire sabay hampas kay zairo. Napailing ito, jusko.

"Nasa'an si kairo at sina kuya?"

"Ayon nasa hospital,"

"What?!? Why?!"

"Sinuntok ni cyriena si kairo HAHAHA."

"Why?"

"Sinabihan pa namang, 'malandi' si cyriena, ayon comatose," Natatawang sambit ni zairo.

"Deserve...." I whispered.

"Hoyy Xai! Tahimik mo ah?" tinapik tapik ni claire sa balikat si xai. Tinaasan ko siya ng kilay, paano kasi.... Kanina pa nakatitig sa akin.

"Alam kung maganda ako, kaya kung pwede h'wag mo akong titigan ng ganyan? aish, sakit mo sa head."

He just smirked at me, ang kapal ah!

Nagulat ako ng bigla niya akong sinampal na halos matanggal na ang panga ko sa sakit, "WHAT THE HELLL!!!!!" malakas na sigaw ko at sinampal siya pabalik. Naalala ko tuloy 'yong hari na sinampal ako, kauna-unahang lalaking sumampal sa akin-tapos pangalawa na itong kumag na 'to!

Minsan talaga natatanong ko nalang sa sarili ko kung anong meron sa akin. 'bakit ako lapitin ng mga lalaki?'

Una, naging enemy ko si tyrone to lover, tapos napadpad ako sa section na puro mga lalaki. Tapos ito, mga kaibigan ni kuya mga lalaki, tapos mga tarantado pa. Hyss!!!

Mas okay na nga sigurong mga lalaki kaysa sa mga babae, kung mga babae siguro hindi ako ganto kasaya. tama nga si ShadoncrisAksjers; 'friendship does exist kung nasa tamang mga kaibigan ka.'

At bakit magkakatunog mga pangalan ng mga nakikilala at nagiging ka-close ko?

Una, ako si mama at si bunso.

Vebbiana, Abbiana at Zebbiana.

Tapos ang dalawang clown: Ysabella at bella

Sunod si Cyriena at Cierra, sumunod ang tatlong mga kupal, sina kairo, zairo at xairo. Bakit ganun? Uso ba talaga magkakatunog?

"ARATT!! LET'S GO THE HOSPITAL!!!" malakas na sigaw ni claire. Napatawa nalang ako-bakit kasi si eshang nakikita ko sakanya?

Iniwan ni Claire ang motor niya at sumakay sa kotse ni zairo, katabi ko sa backseat si Xairo. I open my phone and check all my messages.

From peter kumag:

Hoyy MARITES!!! Umuwi kana! Di na ako galit!

Ano sa tingin niya, gumala ako kasi galit siya sa akin? Pake ko kung galit siya? Wala akong pake kahit mamatay siya!

From blue the glue:

He abbi, where are you? Ano oras na oh! We're waiting to you-

Tss, tapos pagtitripan lang nila ako? Tsk! Tsk! Tsk! Bahala sila mag-antay! Hindi ako uuwi sa amin. Uuwi ako kina mommy.

From myko the kupal:

Vebbb!!!!!! Bilhan mo 'ko ng pagmamahal with kilig feelings, thank youuu!!!

Umuwii kana!! Tarantada ka, huwag kang magpapagabi sa labas!

From gynner the sabog:

Abbiii!!!

Vebbb!!

Pandakkk!!!

Hoyy veb! Huwag kang feeling Famous -fam ka pala, I forgot kasi mahal na yata kita.

Punyeta. Ganto ba epekto sakanila ng ininom nilang wine? Jusko! Dalhin ko na kaya sila sa mental?

From kyletot the mahilig sa pancitkantot:

Hoy veb! Where are you na ba? Nasa langit na ba you? Ghe, fly highh!!

mga putakte. Hindi ko na binasa ang mga texts ng iba, jusko! Grabe! Natabunan na pala ang message ng fake kill sa akin.

From hinarot puso'ng malambot:

Abbi! Umuwi kana! Now na! Starla!

Halatang lasing na, tss.

"Daming messages ah?" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat, bigla nalang kasing nagsalita si xai sa gilid ko. Kaasar! Nagulat ako!

"Abbi, hindi ka pa ba uuwi? Baka naghihintay na asawa mo do'n sainyo, gusto mo hatid kana namin?" napatingin ako kay zai dahil sa tanong niya, "wala na nga akong balak umuwi eh, tsaka hindi ako uuwi doon, doon nalang ako kina mommy kasama si kuya, siguro ihahatid ko nalang sa may gate sina cierra at cyriena."

"Sige, ikaw bahala." Ngumiti lang ako bago pinulot ang cellphone ko.

Dahan dahan akong sumilip sa cellphone ni xai pero mabilis niyang inilayo sa akin, "chismosa ka talaga."

"Ayy wow!! Mahiya naman ako sa'yong tarantado ka!"

"Oh, baka mag-away pa kayo?" pinitik niya ako sa ilong kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Papansin kasi!!! Epall!!!

Nang makarating kami sa hospital, hindi manlang ako pinagbuksan ng pintuan ng kupal na xai na 'to! Buto pa si zai gentlemen, pero itong si xairo, bahala na ang life.

Dumiretso kami sa room kung saan si kairo. Naabutan kung nagtatawanan sina Edwin, cierra at cyriena habang nakatingin sa screen ng cellphone. Habang si kuya at jaxon at nag-uusap, si kairo naman tulog. 'sana huwag na siyang magising, charr!! Baka makidagdag pa siya sa alalahanin ko.

"MARITESSS!!!" punyetaaa!!! Unti umti akong lumingon, 'paano nila ako nahanap?' mga lasing pa ang mga ito.

"Hii abbii!!"

natampal ko nalang ang sarili kong noo, "Hi Nathan!" bati ni gynner kay kuya pero ngumiti lang ako.

tinaasan ko ng kilay ang fake kill at nagcrossed arms, "bakit kayo andito?"

"Sinusundo kana namin," Nakangiting sambit ni peter, "hahatid kana namin sa langit." dagdag niya pa.

"Sino sila?" Edwin asked, "they're section 7." Mabilis na sagot ni jaxon.

Tumango-tango naman ang iba, 'bakit kaya kilala niya?'

"Let's go?" hinawakan ni blue ang kamay ko pero iwnakli ko ito, "ayaw ko. Hindi ako uuwi, bahala kayo d'yan!"

"Yan nagtatampo, si peter kasi!!!" Myko, "ba't ako?'

"KASI IKAW!!" sigaw naming lahat at nagtawanan. Lahat naman yata kami dito mga buang, buti nalang talaga wala akong kilalang maldito, naku kung meron-baka napataya ko na.

"Hi, I'm Edwin Devor," nakipag kamiay si Edwin sakanila, "nice to met you all, I'm zairo jake Hexon,"

"Kairo Santos," pilit na salita ni kai kahit nahihirapan siya. "Xairo Ortiz," teka?

"Kaano ano mo si eraño?"

"Eraño?" Itinaas ni eraño ang kanyang kanang kamay, "hindi kami magkakilala, same username lang," Tumango-tango ako, "Lady Claire Co," ngumiti si Claire sakanila, lahat kami ay napatingin kay jaxon na nagce-cellphone, "hm....."

Tumingin siya sa amin at marahan na ngumiti, inilagay niya ang cp niya sa bulsa niya, "Jaxon Carlos," nakipagkamay at nakipag-titigan siya sa mga tarantado.

*Nagtawanan"

Hindi ko alam kung bakit sila nagtawanan pero-ang bilis naman nilang maging close? Like, kakilala palang tapos? Close agad? Magic!

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon