CHAPTER 36

1.3K 80 15
                                    

AFTER 1 WEEK.

VEBBIANA P. O. V

Andito kami sa park, tamang tambay lang. Completo kami kasama tropa ni kuya, kanina pa akong tinatawag na 'yam' lalo na ni jaxon. Ay jusko! Sarap pumatay!

Nasaan kaya si xairo? Hindi siya nagpapakita sa amin, simula nung kinausap ko sila. hindi ko rin nakausap si claire.

Saan na kaya silang dalawa?

Nagpakasal na ba?

Kyahhh!!! Naalala ko bigla si papa. Ang gwapo niya pala? Jusko! Tulaley ako nun.

****

Nakaupo ako habang yakap yakap ng hari.

"Sakit niyo sa eyes," gynner.

"Hirap maging single mga lods," sambit naman ni kyle.

Si jethrotot nakikipag-landian kay tylia.

Napatingin ako kay peter na tumingin kay tyrone at Alexa. tapos bigla nalang nagsalita ng hindi ko maintindihan. Napatingin naman siya kina jethro at tylia, bago tumingin sa amin ni kill.

"Urghh!! Bakit puro couple nakikita ko ngayon?!" pagrereklamo niya sabay kamot sa ulo.

Hay naku, pasaway ka talagang bata ka.

Ayaw niya ba landiin si cierra? HAHAHA ang cute nila mag-away. Kung dati lover sila, ngayon pagnagkita parang aso't pusa. Jusko po!

Wala talagang forever ang bata'ng ito.

May kaming putok ng baril, ang lahat ng tao sa paligid namin ay nagtatakbuhan, habang kami ay walang pakealam.

Well, sanay na kami.

Akala ko aalalayan ako ng hari sa pagtayo pero nyawa tumakbo para kunin ang baril niya.

Ang kupal talaga! Mas gentlemen pa si xairo kaysa sakanya, pero mas mahal ko siya kaysa kay xairo dzuh!

O to the M to G!

Si xairo?!

Hawak hawak niya sa buhok si claire. Napatakip bibig nalang ako sa sobrang gulat. Puro sugat at mga pasa ang buong katawan ni claire.

A-anong ginawa niya?!

Lumapit sa akin ang mga tarantado at inikutan ako.

Yah! Shield!

Binitawan niya ang baril at itinulak si claire. Agad na lumapit si Roxanne at alexa para tulungan siya. Iyak siya ng iyak, hindi ako pwede'ng mahawa.

"Veb....." aniya habang nakaluhod.

"I'm sorry, I'm sorry to hurt you."

Hindi ba siya nainform? Nakamove on na ako, pinatatawad ko na sila, hindi naman ganoon kalaki ang pagkakamali nila. Dzuh! May reason kaya si mother, kaya naiitindihan ko.

Isa pa, I hate people saying sorry.

Akma sana akong lalapit sakanya, pero pinigilan ako ng hari.

They're my knight.

"Mahal na kita, veb. Mahal na mahal. Habang nagpapanggap ako, hindi ko namalayan na nahulog na pala ako sa ‘yo....... sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa‘yo? E, ang ganda ganda at ang bait bait mo.......

"Oo tama lang na mainlove sa ‘yo, pero ang hindi tama. Ang bumalik ang taong minahal mo!"

halos nanginginig na siya sa galit.

"Dapat minahal mo ako!"

Aba! Kasalanan ko pa ngayon?

I rolled my eyes.

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon