CHAPTER 30

1.2K 84 12
                                    

Continued flashback.......

"Y-yam......" unti unti akong tumingin sa likod ko.

That voice.

"Z-zai—" hindi ko na, napatapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako.

Jusko!

Patay!

Si Claire!!!!

"I miss your lips......" Aniya. At hinalikan ulit ako, para siyang batang kulang sa gatas.

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Zairo! Ano bang ginagawa mo? Saan si claire?" Niyakap niya akong mahigpit.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Nababaliw na yata eh..

"Siya, siya ang imemet up mo at hindi si xairo," singit ni andrei at bigla nalang naglaho na parang bula.

"Teka! Teka nga! Magpaliwanag ka nga sa akin, anong nangyayari?"

"Yam, I really really miss—"

"Nahihibang kana ba sa buhay mo, zairo? Kasal kana remember? Tapos ang landi landi mo."

Bigla nalang ulit sumulpot si Andrei at binigyan ng wipes si zairo.

Ano ba talaga nangyayari? Naguguluhan ako!!

Napakamot ulo nalang ako dahil sa inis. Ano ba nangyayari sa earth ngayon? Padabug akong umupo at yumuko.

Jusko, sana hindi masira ang utak ko. Bakit andito si zairo? At bakit nagpakita si xairo sa akin?! Lordddd!!! Helppp meee pooo!!!!

Lola Hilda kahit ikaw nalang, juskoo!!

"Yam, look at me."

"Tigil tigilan mo ‘ko zai—kill?" Napatayop nalang ako bigla at sinampal sampal ang sarili ko.

"T-teka...... Namamalikmata ba ako? Paano naging si zairo si kill?" Kinusot kusot ko pa ang mata ko pero walang nagbago, siya talaga.

Mas lalong guwapo.

"Yam, it's me. I'm the real one, I'm Christopher killua Siervo, your king. Ang hari ng mga tarantado."

"Pero......"

Hinawakan niya ako sa mukha at pinitik sa ilong, "maniwala ka sa akin, trust me." Kinuha niya ang palad ko at inilagay sa dibdib niya.

"Ikaw ‘yan, ikaw ang tinitibok tibok ng puso ko."

S-siya nga....... Siya. It's killua.

Pero...... What's going on???

"Pero si c-claire?...."

"Just focus on me. I have a plan, and i need your lips—este cooperation mo."

"Teka, ikaw ba talaga ‘yan?"

"Huwag kang maniwala." Kumindat siya sa akin sabay kagat sa ibabang labi.

Sabi ko nga, siya nga ito. Iba rin sa pakiramdam ko......

Kung si xairo ang nagpapanggap bilang killua, tapos si zairo naman ang totong killua.

Teka! He can see ghost too?!

"Yes, he can. Remember when I told you that I have a mission?" lagi nalang talaga ‘to, sumusulpot sa kung saan. Buti nalang kapag naliligo ako—di pala ako naliligo.

"Nakiusap siya sa akin na bantayan ka at alagaan ka, habang nagpapagaling siya."

"Di mo naman ako binantayan at inalagaan eh." Binatukan ng hari si Andrei. "He can see ghost too like you, soulmate nga talaga kayo."

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon