CHAPTER 33

1.2K 81 5
                                    

Nauna na ako sa restaurant, sinend ko sakanila ang location at kay mama.

Today! Today! Todayyy!!!

Ngayong araw ko ilalabas lahat ng sama ng loob ko. Inupahan namin ang buong restaurant ngayon, para masolo ko. Makapagdrama ako. Lalayas ako!

Arghh!!

Sabik na sabik na akong makasampal!

Self! Timpi ka lang........

Huminga ako ng malalim at naglipstick.

Dapat mas maganda ako ngayong araw. Dapat ako lang ang pinakamaganda sa lahat. Charrot, ako naman talaga ang pinakamaganda sa lahat, dzuh!

Oh walang aangal!

Ang liwanag sa buong paligid ng restaurant, bawat table ay may bulaklak na puti. Dapat pala black roses para dama.

May black rose ba?

Matagal na akong nagpapaloko, so this time ko na ilalabas ang lahat. Bahala sila magalit sa akin, ang sa akin lang naman. Gusto kung ilabas lahat ng sama ng loob ko.

Pataasan kami ng pride, bahala sila.

Mas mataas pride ko kahit pandak ako.

*****

"Marites!!"

Andito na sila. Ngumiti ako at tumayo.

"Tagal niyo, ah."

"Ay wow, nice outfit!" Jaycer.

"Sugar mommy, is that you?" agad kung binatukan si gynner dahil sa sinabi niya.

"Anong nakain mo?" Blue, "wala, gusto mo kainin kita? RaWr!"

"Ang landiii mo marites!"

"Shut up!"

Nagkanya kanya na sila ng upo. Nasaan kaya ang punyetang kill na iyon?

"Saan si kill?"

"Susunod na lang raw siya," saad ni gian.

Moms is here.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya, "buti nakarating ka."

"Of course, kainan ‘to eh." hay naku!

Pinaupo ko siya sa tabi ko, si kill nalang ang kulang, saan na iyong punyetang impostor na ‘yon?!

Baka mas lalo akong gaganda kung hindi pa siya dadating—ayan na pala. Kararating. Hawak niya ang cellphone niya habang naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Eyyy!!!"

"Zupppp!!"

"Tagal mo, bilis!" okay, andito na ang lahat pwede ko na simulan ang pagdadrama ako at paglabad ng sama ng loob.

"Hm.... May sasabihin ba kayo sa akin? Anything?"

"Ice cream!" Napatampal nalang ako sa sarili kong noo. "No, I mean...... Arghh!! Nevermind!"

tumingin ako kay mama ng seryoso pero may ngiti sa labi, "mom, alam mo lahat di ba? Alam mong wala na si kill, I'am right?"

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon