CHAPTER 8

1.2K 89 7
                                    

Today is the day, kung saan ililibing na si eshang.

Mommy at daddy niya iyak ng iyak, andito lang ako sa tabi ng hari nagtitimpi. Gustong gusto ko na silang sagutin, pero hindi pwede.

"It's our fault....." her mommy whispered. Buti alam mong impakta ka! Bakit kasi nasa huli ang pagsisisi?

Sana izz a prank lang ‘to, kagaya noon kina blue, jethro at tyrone. Sana..... Umaasa ako.

Eshang.......

"Yesha anak ko, gumising ka riyan, andito na si mommy......" isa pa talaga, isa pa!! Kumukulo na ang dugo ko.

Napayakap nalang ako sa hari. "Hindi ko kaya......" I whispered. "Shhhh..... Don't cry, magagalit sa'yo si eshang, di ba ayaw niyang nakikitang umiiyak ka?...... I'm here for you."

Pwede ko bang ibalik ang oras?.......

"Pasensya na anak......" They both whispered. Napahagulgul lalo ako ng iyak ng marinig ko ang mga katagang iyon, eshang..... Ayan na...... Ayan ang gusto mo di ba? Ang marinig mula sakanila ang salitang, 'pasensya na anak.....'

Eshang!!

"It's my fault, sorry sa lahat ng mga sinabi ko sa'yo anak ko." pinahiran ko ang mga luha ko at sinampal ko ang mommy ni eshang. Gulat na gulat siyang tumingin sa akin habang nakahawak sa pisnge niya. "Deserve! Deserve mo ‘yan! Tangina mo! Gago! Kasalanan niyo! Both of you killed her!! Bakit ba ang makasarili ninyo?!? Hindi niyo manlang inisip ang mararamdaman niya....... Pinatay niyo siya..... PINATAY NIYO!!" hinawakan ako ng hari sa kamay.

"Tapos ngayon, hihingi kayong ng pasensya sakanya? Gago ba kayo?!? Kung saan wala na siya, doon kaya humingi ng pasensya? Nasa huli talaga ang pagsisisi noh?! Di ba?!? DI BA!!!"

tanda ko pa iyong sinabi sa akin ni eshang......

"Hindi niya nagawa mga gusto niya dahil MAS sinunod niya ang GUSTO niyo!" humagulgul ng iyak ang mommy niya.

Bakit ba may mga magulang na hindi manlang inisip ang mararamdaman ng anak nila?

"Dapat initindi niyo siya!!......... Pagod na siya pero sinabi niya ba sainyo? Di ba hindi?!? Kasi iniisip niya kayo, pero kayo–inisip niyo ba siya?! Di ba hindi?!?"

"Veb..... Calmdo–"

"No! No killua!" deserve nilang mamatay. Sana sila nalang nawala–hindi si eshang.

"H-hindi niyo kasi naramdaman kung gaano kasakit ‘yong nararamdaman ko ngayon. Eshang is always her for me, inaalala niya ako tuwing may problema ako–ako.... Hindi ko manlang siya natanong kung may problema siya." S-sorry.... Sorry eshang.......

Sinamaan ko ng tingin ang mommy ni eshang, "ikaw! Bruha ka! Sinayang mo ‘yong anak mong gaga ka!" gustong gusto ko siyang paulanan ng malulutong na mura!

tumingin naman ako sa daddy no eshang, "Isa ka pa! Magsama sama kayo! All of you!" huminga ako ng malalim at pinahiran ang mga luha ko. Kung si eshang hindi sila kayang sagot-sagutin, pwes ako kaya ko!

"Mahal na mahal kayo ni eshang...... Pero–siya ba minahal niyo?....... Tinuring niyo ba siyang anak niyo? O! Mas inuna niyo ang business niyo?" tumingin ako kay mommy ni nakayuko.

Being a daughter is not easy....... hindi sa lahat ng oras, kaya naming sundin ang mga magulang namin. Pero–wala kaming magawa, dahil magulang namin sila at anak lang kami.

"Ano?..... Wala kayong masabi? Speechless?! Mga wala kayong kwentang magulang!" Malakas na sampal ang ibinigay sa akin ng mommy ni eshang, "how dare you to say that!"

"HAHAHA. How dare you?!" sinampal ko siya, "TANG. I. NA. MO. GA. GO." I smirk, "nagagalit ka, kasi tama lahat ng sinabi ko?..... Galit well! Wala akong pake!"

Akma ko pa sanang sasampalin ang mommy ni eshang but stop me. Inilayo niya ako sakanila, kasunod niya ang hari na nag-aalala na rin sa akin. "Veb..... Please calmdown. Respect her family and also respect eshang......." pinahiran ni kuya ang mga luha ko sa mata. "Fine! I will. Pero hindi pa ako tapos sakanila!" ngumiti lang si kuya.

M-masakit mawalan ng kaibigan...... Sobra–sobra!! Lalo na kung malapit at importante siya sa‘yo.

Bumalik na kami ulit roon. ako na mismo ang lumayo sakanila, at BAKA MAPATAY KO PA SILA!

hindi ako takot makapatay ng hayop! Mga walang puso!

Tumingin ako sa direksyon nina tylia na tahimik lang na umiiyak, yakap yakap siya ng kuya niya, habang si alexa at rox naman magkayakap. Si Lindsay ay katabi lang nina rox nakatulala.

Tumingin ako sa mga rosas na inihagis namin kanina.

Lumipad ang isang petal kaya sinundan ko ito ng tingin, umikot ikot ito sa isang puno, at doon ko nakita si eshang at si lola hilda na nakangiti habang nakatingin sa akin. Unti unti akong humahakbang papunta doon–pero hindi pa man ako nakakalayo, hinawakan ni kuya ang kamay ko. "Hm?"

"Hindi ako lalapit sakanila..... May pupuntahan ako, doon lang sa puno...... Please?" tumango-tango siya at binitawan ako.

Nakayuko habang naglalakad papunta roon.

Bakit sila nagpakita sa akin? Kinakabahan tuloy ako...... Bakit kasama si lola hilda?

"Hii abbi!!" Masayang bati sa akin ni eshang at akma akong yayakapin pero yumuko lang siya. "Hindi pala kita mayakap......" Ako nalang ang yumakap sakanya kahit lamig lang ang nadadama ko. "Eshang......."

"Continue your adventure, hah? Don't worry about me. Babantayan naman kita lagi, babantayan ko kayo......" saad niya habang nakangiti, napatingin siya sa mga magulang niya. "Hug them." Sambit ni lola hilda, wala pang isang segundo ay ando'n na agad si eshang nagteleport papunta sa parents niya. Niyakap nito ang mommy at daddy niya.

Tumulo na naman ang mga luha ko, ang saya ni eshang.......

Kahit sa malayo, kitang kita ko ang mga mata niya...... Masaya siya. Masaya.

Bumalik na siya sa amin, "ramdam ko na nagsisisi sila..... Masaya ako.... Masayang masaya. Thank you abbi..... Thank you so much." B-bakit ako lang ba ang nakakakita sakanila?......

She hug me.

"H'wag kang magalit sakanila ah?...... please respect them para sa akin...... Please?....... please abbi?" tumango-tango ako kahit labag sa aking heart. "Oum.... Promise....." Bigla nalang sumulpot sa kung saan ai andrei.

Gulat na tumingin si eshang sakanya, "t-teka..... Buhay ka??" gulat na tanong ni eshang sakanya habang nakatakip ng bibig. Ngumiti lang ai andrei at umalis rin.

Ano nangyari do'n?

"Aalis na kami....." Sambit ni eshang kaya napayuko ako, "don't worry abbi.... Bibisitahin ka naman ni lola–" napatingin ako kay eshang habang nakangiwi, "hehehe.... Sige bye. Ingat sa byaheng papuntang langit!" Tumawa siya at niyakap ulit ako.

Delikado na kung magpapakita sa akin si lola. Kabado bente mga mare!

Bumalik ako sa direksyon nina kuya habang nakangiti, kyahh!! Nakita ko si eshang! Kahit wala na siya–atleast kahit anong oras pwede ko siyang kausapin.

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon