CHAPTER 17

1.1K 69 6
                                    

"YOUUUUU ANDDD IIIIII MARITES! FOREVER!!" malakas na sigaw ni peter. Nasa taas kaming apat nina; gynner, kyle, peter at ako, tamang tambay lang. Wala naman kaming ginawa kanina kundi ang lumakad ng lumakad, nakakapagod na.

"Abbi, kung ikaw papipiliin namin, past or past?"

"Are you gagoing me gynner?"

"Ito, ito veb. Pamaypay or ako?" Kyle asked. Pumatong ako sa upuan, "pamaypay, bakit sino ka ba?"

"Ayy! Ayy!! Ayy!!!"

"Alam niy–"

"HINDI PA NAMIN ALAM!" sabay sabay nilang sigaw kaya napangiwi ako.

Naalala ko tuloy nung inihagis ni Cyriena or cierra ba ‘yon? Hinagis ‘yong bata. HAHAHA. Saan na kaya ang bata'ng iyon?

"Hoyy peter, lambingin mo naman si cierra, malungkot ‘yon dahil sa nangyari sa daddy niya."

"Kachat ko siya at kavideo call ko siya kagabi."

"Ahh, kaya pala tawa ng tawa?"

"Ano ginawa niyo sa video call? nagwatch ba ng–ehem!!" lumayo layo na si kyle kay peter.

"Ehe! Topic niyo?" Biglang singit ni myko habang may lollipop pa sa bibig.

"Ehh!! Ayan na ‘yong epal!! EPALL!! EPALLL!!!!" halos matanggal ang tainga ko dahil sa lakas ng boses ni peter. Kahit kailan talaga ang kulit ng dalawang ito. Masisira talaga ang aking life sakanila.

Paikot kaming umupo na apat habang magkahawak ang kamay.

"Pikit! Walang mumulat, baka masira ang ating orasyon!" sambit ni peter habang pinapalaki amg butas sa ilong.

"Pikit!!"

Ipinikit ko ang aking dalawang mga mata. "Repeat after me ah?" rinig kong sambit ni peter.

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

"Ang gwapo ko, ang gwapo ko!!" napamulat ako, pagkatingin ko sa iba ay nakamulat rin pala habang nakatingin kay peter.

"Ahh wala na, finish na! Sira na orasyon!!" nagcrossed arms si myko. Minulat na rin ni peter ang kanyang mga mata, "mas marunong pa kayo sa akin, gayahin niyo lang kasi. Ulit!" naghawak hawak kamay ulit kami.

Ipinikit ko ulit ang aking dalawang mga mata,

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

"Dambaradambaraa!!"

Gusto ko ng imulat aking mga mata–teka nga, bakit nga ba kami nag-oorasyon? Para saan ba itong ginagawa naming lima?

"Ako si peter!!"

"Ako si myko!!"

"Ako si Gynner!!"

"Ako si kyle!!"

Kasama ba ako?

Magsasalita na ba ako?

Ramdam kung pinisil ni gynner ang kamay ko, "ako si Vebbiana maganda!" Apat na batok ang natamo ko.

"Sira na naman! Marites kasi!"

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon