CHAPTER 28

1.1K 78 2
                                    

Nasa loob ako ng kulungan habang sila ay nasa labas lang. Ang unfair, ikaw na nga tumulong, ikaw pa mali. Kaya minsan, masama din ang pagtulong.

Hysss

Papunta sa direksyon ko ang isang pulis at binuksan—tss. Panget.

"Malaya kana—"

"Hindi pa po." nagpamulsa ako diretso diretsyong lumabas. Hindi tuloy nakapasok si alora, tapos ako hindi na nakaikot. Naman eh!

Alam ko na ang lahat, kaya wala dapat silang itago sa akin. Inaantay ko lang na umamin sila.

Kaya ko ang sarili ko, kahit wala sila.

But......... Ayaw kung mawala silang lahat, dahil naging parte sila ng buhay ko.

"Drugs pa ah?" I rolled my eyes to peter the kumag.

Ay kaasar!

Kinulong ako mga dalawang oras kasi daw kinuha ko ang baril na walang license tapos pumatay ako ng hayop, eh? Kasalanan ko bang masyadong advance utak ko?

"Let's go." akma sana akong hahawakan ni kill pero lumayo ako sakanya

He's liar, I knew it.

I'm Vebbiana Abbiana Monique Delos Reyes Siervo, wala silang maitatago sa akin. Dahil lahat alam ko.

No one knows, but I did.

Huwag nila akong balak kalabanin, dahil makikita nila ang dating ako. Never akong nagbago ng pakikitungo sakanila, pero sana sila hindi magbago.

Lahat sila ay nagsinungaling sa akin, hindi ko alam kung sino ang kakampe ko sa mundo'ng ito. Maybe, ang ama, ang ama na nasa langit. Lagi niya akong ginagabayan and of course my husband.

Nauna na akong lumabas sa kanila habang sila ay panay bulungan. Bigla nalang akong nawalan ng gana.

"Veb, I need to go na, nasa school na si ysay kita nalang tayo." pagpapaalam ni alora, lumapit ako sakanya at niyakap siya at tinapik tapik sa likod. "Sige, ingat." she just smiled at tumakbo na.

"MARITES!! MARITES!! MARITES!!!!!! DAMBARADAMBARA!! HAHAHA HUHUHU HEHEHE UWUU!!!" */Napiyok.

Kahit kailan naman talaga oh, wala talagang kahihiyan ‘to. Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa pader.

"Bakit hindi ka namamansin? Adik ka ba?" napahinto ako at humarap sakanya, "kung may problema ka, huwag mo akong idamay. At pwede ba? Lumayo ka sa akin, ang baho mo!"

"Akala mo naman kung sinong mabango....." Rinig kung bulong niya.

Inakbayan niya ako at may binigay sa aking bracelet, "ako gumawa niyan, itago mo? Until we met again."

"Pinagsasabi mo?" kinuha ko ang bracelet at inilagay sa bulsa.

"Marites, ano kaya mangyayari in next life?"

"Aba, malay ko! Ba't mo sa akin tinatanong?"

"Wala lang....." humawak siya sa braso ko kaya hinayaan ko nalang. "Pagnamatay ba diretso langit na agad?"

"Sino nagsabi sa‘yong diretso langit ka? Tss."

"Seryoso nga kasi...."

"I don't know. Bakit mo ba sa akin tinatanong? Namatay na ba ako? Namatay na ba ako ng hindi ko alam? Huh!"

"Oo, patay na patay ka kay kie."

"Hindi naman gaano, mga super duper like ko lang siya."

"Alam mo marites—"

"Hindi ko pa alam," bahagya siya'ng lumayo sa akin nag nagcrossed arms.

"Minsan nga magseryoso ka rin."

"Ba't ikaw, naging seryoso ka ba?"

"Oo, seryoso ako sa‘yo......" I raised my right eyebrows. "Just kidding....."

Inakbayan ko siya, "kamusta na kayo ni cierra?"

"Wala, HAHAHAHA ano daw kasi..... May gusto siya kay Clevion....."

"Pighati!"

"Joke lang, akin lang ‘yon noh!"

"Seryoso ka ba talaga o ganyan ka talaga?"

"What do you mean?" naalala ko ang reaksyon niya doon sa beach.

"Wala, tara na nga. Balik tayo ng school iwanan natin sila."

"HINTAYIN NIYO NAMAN KAMI!!!" malakas na sigaw ni gynner. Hindi namin sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang parking lot.

"Peter, may sasabihin ka ba sa akin?"

"H-huh?....... wala—bakit?"

"Like secret ganun......"

"Secret?"

"Ayts! Ang slow mo ngayon! Kaasar ka!"

"Tungkol saan ba? Ginagawa mo naman kasi akong manghuhula."

"Tanga, secret nga eh, SECRETTT!!" hindi ba siya nakakaintindi ng language ko?

"I don't think so."

Yawaners........

Dapat ito ‘yong kinulong eh, hindi ako.

Kinuha ko ang bracelet na ibinigay niya sa akin at tinitigan habang naglalakad.

Maganda naman, pero mas maganda talaga ako. Walang makakatalo sa kagandahan ko.

May picture naming dalawa at nakasulat rin ang pangalan namin. Handmade siya kaya mas maganda, I really really appreciated talaga kapag may nagbibigay nito sa akin.

Dati kasi, hanggang tingin lang ako—ngayon, ang dami ko ng ganito. Kinekeep ko siya for remembrance. Mahilig ako mag keep ng mga gamit na ibinibigay nila sa akin, ginagawa kong treasure ko.

"Gets mo?"

"H-huh? Ano? May sinasabi ka ba?"

"Marites naman eh!! Lagi kang ganyan! Hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko, kakagigil ka raWr!" nag cute niya magalit kaya sarap na sarap akong asarin siya.

Pagdating namin sa parking lot ay naghiwalay na kami, dahil kasama ko sa kotse si kill, tanging si kill lang.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan, "thank you." Umupo ako ng maayos at pinanood siyang magseatbelt.

"Uhm.... Kie...... Seryoso to ah, nagmahal kana ba talaga?"

"Why did you asked?"

"Sagutin mo nalang, huwag madaming tanong."

"Oum, you. Ikaw ang mahal ko."

"Tologo ba?" inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, "I love yo—"

"Che! Huwag puro ilove you ng i love you. Panget pakinggan, lalo na sa taong hindi ko naman gusto." bahagya siyang nagulat sa sinabi ko.

"Nagugutom ka na nga talaga....."

"Talaga! Gusto na nga kitang kainin eh RaWr!" tumawa kami pareho.

Magkikita nga pala kami bukas ni claire. Hyss, sa wakas may makakausap na naman ako na medyo matino. Lahat kasi ng nakakausap ko mga adik ft. Tarantado.

Mana mana kasi.

Bakit ba kasi nauso ‘yang mana mana? HAHAHA

Pero sa akin, hindi uso ‘yon. Wala pang nagmana sa kagandahan ko, dahil kakaiba ako sa lahat. I'm the only maganda in the whole universe.

May end kaya ang universe?

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon