Napatampal nalang ako sa sarili kung noo habang nakatingin sakanila na naglalakad papunta sa direksyon ko.
Taena!!! Bakit sila andito?! Akala ko galit sila sa akin? Juskooo!!!! Masisira na naman araw ko.
"Hey, yam!" Tinarayan ko lang ang hari at humarap ulit sa tatlong babae na ngayon ay tulala na.
"I-i-ikaw si Vebbiana?"
"Oo, bakit? May angal ka?" hindi na ako nagulat ng bigla silang lumuhod sa harap ko. Panay kasi banat ng banat, hindi mo kinikilala kung sino kausap nila.
Famous kami sa school na 'to, dahil kami ang pinakatarantado at tarantada dito noon, nung generation pa namin. But you know? Madami kaming natulungan, at madami din kaming lesson na natutunan.
Actually, may isang room dito na andun lahat ng gamit namin, lahat lahat ng ari arian namin, pati ang mga ginto ko na ipinamana sa akin ni daddy.
Kung section 7 sila? Ibig sabihin, doon sila sa room namin?
"Kung sa langit maraming falling star, dito sa lupa maraming feeling star." nagulat ako sa biglang pagsambit ni alora, "halaa!! Line ko 'yan di ba?"
"Oum HAHAHA, nga pala, ibang section 7 kami, hindi doon sa room niyo dati. Masyado'ng private 'yong inyo at hindi basta basta nagpapasok. Katulad dati, wala pa ring nakakapasok doon. My permission dapat, kapag nagpapalaam sila, hanggang bintana nalang.
"Yung kurtina doon, picture niyo naka kabit, ang sarap pala sa feeling kapag may real friends ka." Hyss...... hindi talaga ako naniniwala na si alora 'to. May sumapi yatang anghel sakanya. "Oum, true. Tara na nga, iwan na natin mga 'yan." Inakbayan ko si alora.
"Teka! Wait for us!" Itong hari na 'to may pa english english pang-nalalaman, pero maganda 'yon HAHAHA pero mad maganda ako.
Hindi ako lumingon at ipnagpatuloy lang ang paglalakad.
"Kamusta naman buhay may asawa?" biglang tanong ni alors. "Okay naman, magpapakasal ulit ako sa oras na makita ko siya."
Takang tumingin sa akin si alora, "it's nothing....... HAHAHAHA let's go na nga!"
When suddenly peter harang harang sa dinadanan namin. "Hindi ka aalis?" nakapamulsa siya habang nakanguso. "At bakit ako aalis? Give me a reason mrs. Siervo?" tinulak ko siya at hinila na palayo si alora.
"Teka! Teka! Teka!" humarang ulit siya sa amin, napatingin siya kay alora, "omayghad! Alora is that you??" napatingin naman sa akin ang kumag. "Nag-aaral siya dito, kaya huwag kang magulat."
"Friends kayo?"
"Oo! Kaya huwag na huwag mo siyang hahawakan." akma sanang hahawakan ni peter ang kamay niya, hinampas ko ang kamay niya at hinila na palayo si alora.
Kaasar! Kaasar! Kaasar!
Ayaw ko talaga makita ang pagmu-mukha niya!
Tapos bakit andito'ng punyetang-argggg!!!!!
Nang makarating kami sa garden ay napansin ko ang ibon na nakapatong sa isang kahoy. May sakit yata........
B-bakit namumula ang mata niya? Madami din siya'ng sugat! H-hindi kaya?
........ owemjii no!! Masisira ang buong mundk kung kakalat ang virus na ito. Agad akong tumakbo papunta sa guard house at kinuha kay kuyang guard ang baril niya, agad naman akong bumalik sa garden.
"Hindi mo na maiikakalat ang virus na 'yan!" Itinutok ko sa ibon ang baril, alangan namang ang ibon ang itutok ko sa baril? Sabi ko nga-HAHAHA
"Marites, what are you doing?"
"Nababaliw na siya."
".........teka! It's real gun!"
"Halaa!! Veb!"
hindi ko sila pinansin at pinitik ang gatilyo. Isang malakas na putol ang narinig ko. Nang hindi pa ako nakuntento, kinuha ko ang ibon gamit ang kahoy at inilagay sa basurahan para sunugin.
Napatingin ako sa mga tarantado at kay alora na tulala sa ginawa ko.
"Hindi ko kayang pumatay ng hayop, pero ikaw? What's happening on you, abbi?" pagdadrama ni blue.
Kaya kung pumatay ng hayop, kaya ko ring pumatay ng sinungaling.
"Bakit mo pinatay?! Nasaan ang hustiya!" kyle.
Hinipan ko ang baril at inilagay sa bulsa ko, "baka kumalat 'yong virus, kaya pinatay ko na."
"Anong virus? May virus ba ngayon?" natatarantang tanong ni alora. "Actually, wala. Inunahan ko lang, kasi 'yong ibon na 'yon may virus. Napapanood ko 'yon sa tv, nahawa tapos naka kagat ng iba-hanggang sa dumami na sila at nasira ang buong mundo." Sabay sabay nilang natampal ang sarili nilang noo.
Need talaga sa panahon ngayon advance ang utak.
Zombie virus, raWr!
"Pinakain naman kita ng maayos, pero bakit ka nagkaganyan?" mangiyak ngiyak na ani ng hari.
"Matino ka naman-hindi ka pala matino, hehehehe." kamot ulong sambit ni Matthew.
Lumuhod sa harapan ko si peter, "marites!!! Sumanib si satanas sa'yo!! Huhuhu!! Sinusundo kana niya, goodluck!" Yawa.....!!!!!
"ITAAS ANG MGA KAMAY!" Nagulat kaming lahat ng ikutan kami ng mga kapulisya.
A-anong nangyayari?
Kinapkapan kami isa isa.
Nakuha ng isang pulis ang baril ni kuyang guard.
Hindi na ako hinabol ni kuya kanina, tulog na gising kasi siya. Gising pero tulog ang diwa.
Nagulat ako ng bigla nila kaming pusasan.
"T-teka..... Hoyy! Ano 'to?!"
"Hinuhuli namin kayo kayo sa kasong pagpatay ng inosente."
"Hindi inosente 'yon, ano ba! Dapat nga magpasalamat kayo sa akin kasi iniligtas ko ang buong mundo!"
May lalaking patakbong pumunta sa harapan ko, "the bird that you killed is mine." Madiin na sambit niya.
"Pake ko?"
"Dalhin na sila sa prisinto!!"
Grabe sila, sila na nga iniligtas sila pa galit. Tss, kung di ko pinatay 'yon, baka ikalat nun ang virus tapos kakalat sa buong mundo, ang malala masisira ang buong mundo!
Tss.
Hindi sila nag-iisip.
"Veb, nakadrugs ka ba?" sinipa ko si jaycer, "taena mo!"
"Hay naku, marites! Iyan tuloy! Hindi na malinis ang pangalan natin!"
"Ay di ako nainform, need pala dapat malinis pangalan natin? Atleast, maganda akin."
"Tatanda talaga ako dito wala sa oras," ani ni gynner. Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa akin, baka raw makatakas ako.
Inferness, ang gwapo niya-pero mas magwapo pa rin ang killua ko.
Naman kasii!!! Gusto ko pang ikutin ang buong school eh! Paano ako makakaikot kung nasa kulungan ako? Owemjii! Di ako papayag.
Bigla nalang nagbago ang mood ko, from tanga tanga to badgirl.
Hindi na ako umimik at hinayaan ko nalang sila, dahil kung lalaban ako mapapahamak kami. Madami sila, akala mo naman kasi tatakas talaga kami.
Tss.
BINABASA MO ANG
TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)
RomanceBasahin niyo muna ang THE ONLY GIRL IN SECTION 7( S1) Bago 'to. UNEDITED.