CHAPTER 5

1.3K 97 14
                                    

"Kanina ka pa 'andrei' ng andrei d’yan ate abbi. Sino ba ‘yon?" tanong ni tylia sa akin. Hyss..... Di ko na siya nakita! Saan kaya yung kupal na iyon?

Simula nung nakita ko siya at nakausap, parang gusto ko nalang siya na laging kasama. Ugh! May asawa ako pero bakit siya hinahanap ko? Iba kasi ang pakiramdam ko sakanya.

"Ate abbi?"

"H-huh? Bakit? May sinasabi ka ba?"

Umitim na ako dahil sa swimming namin kahapon.

"Hyss. Ate iba puyat ka na naman noh? Ano ginawa niyo kagabi ni kuya kill?"

"Wala. HAHAHAHHA nanood lang kami ng drama," nag-inat inat ako. "Drama ba talaga?"

"Ba't ano ba dapat?" alam ko na tinutukoy nito. Pangiti ngiti eh. HAHAHHA tylia talaga. "Nood lang?"

"Tylia, bata ka pa."

"Hindi na ako bata, gurang na ako ate abbi." Tss, ano na naman kaya pinakain ni tyrone dito? Sinapian na din.

"Sa'n si eshang?"

"Kausap jowa niya."

"Nasa japan di ba?"

"Oum, pero uuwi na daw siya." Tsk, sana hindi nalang siya umuwi! Doon na siya. Patay talaga siya sa akin sa oras na magpakita siya. Hindi manlang nagpaalam sa akin ang kupal na iyon! Nasaan ang hustiya?!

"By the way ate abbi, I have to go na, kasi hanap na ako ni ate Alexa...." Pagpapaalam sa akin ni tylia, I hug her before ko siya pinaalis.

Ang bilis! Bilis talaga ng panahon!! Nakakaasar!! Tapos–biglang matanda na pala ako bukas noh? Tapos magkakaroon na ako ng apo ACKKK!!!

Saan na naman maya pumunta ‘yong haring ‘yon. Wala siya sa loob ng bahay eh, wala manlang paalam sa akin, sa oras talaga na umuwi siya dito papalayasin ko na siya! Bwisit siya!

"MARITESSS!!!!" ito na naman ang mga tarantado, nambubulabog na naman ng may bahay ng may bahay!
"Ano?!" Padabug akong lumapit sa gate at pinagbuksan sila ng gate. Mga punyemas, pwede naman kasi magdoorbell bakit kailangan pang sumigaw?

Mag-aalaga na talaga ako ng aso–don't need na pala, madami na akong ASO.

"Saan si kill?" tanong ni jethro habang natingin tingin sa buong paligid, "Bakit mo sa akin tinatanong?" I crossed my arms at sumimangot, "Malamang, asawa ka niya." Che! Di nga nagpapaalam sa akin ‘yon, tapos kapag ako umalis ta's nakaligtaan ko magpaalam, galit na galit? Tss.

"So, dito lang tayo? Di tayo papasok ganun? Sige, dito nalang us mag usap," Pagpaparinig ni gynner. Gusto ko pa naman sana ng peace of mind ngayon tapos peace of shits ‘yong mga dumating.

Mas nauna pa silang pumasok sa akin, 'bahay niyo? Bahay niyo?'

"LAMIGG DITOOO!!!" agad silang nagpaunahang umupo sa sofa. Bahala nga sila, feel at home naman sila lagi. Ni, hindi nga sila welcome dito.

Kakaasar.

"Malamig talaga kasi buong bahay may aircon plus electric fan pa. Ang yaman niyo ah!" Sambit ni ivan. Umupo ako sa ibabaw ng lamesa at humarap sakanila, "bakit nga pala kayo napadpad dito?"

"Wala namiss ka lang namin," sagot ni kyle. namiss daw, baka ‘yong bahay namin namiss nila. Talaga naman oh!

Kung tutuosin, mas maganda na andito sila. Kasi minsan nabobored na ako dito, wala naman akong ginagawa bukod sa mga papeles na pinipirmahan ko araw araw and then, hala!! Oo nga pala!!!! Shitt!! Nakalimutan kung ibigay sa hari ‘yong pinirmahan ko kagabi para sa business plan namin!!! Aishhh!!!

"Veb, are you okay?" tumango-tango lang ako sa tanong ni blue bilang sagot. "Kamusta buhay ng may asawa?" biglang tanong ni Tyrone, "mahirap, siguro mas–mahirap kung may anak kami."

"H'wag!" Napatingin ako kay peter dahil bigla nalang siyang sumigaw, "anong h'uwag? Pinagsasabi mo d’yan?"

"Ang cute ko lang," ang hangin naman ng batang ito. "Wee? Saan banda?" Tinaasan ni peter si myko ng kilay. Tss, hanggang ngayon talaga para pa rin silang mg aso't pusa.

*Ding dong*

Akma na sana akong tatayo para tignan kung sino ang doorbell pero tumakbo silang lahat doon maliban kay flash, victor, blue, Tyrone, zedrick, at victor na nakaupo lang at naka crossed legs. "WELCOME BACKK!!!" sigawan nila sa labas kaya napatayo ako.

Sino ‘to?

"ABBI!!!" si eshang lang pala. T-teka.... May kasama siya! Si Ezekiel!! Yawaners! Patay ka sa akin.

Padabug akong lumapit kay Ezekiel, nakaready na ito para yakapin ako pero–sinampal ko siya, "buang ka! Hindi ka manlang nagpaalam sa akin!"

"Need pa ba nun? Miss mo ‘ko noh?"

"Eh? Asa!" Hinila ko ang tainga niya at tinulak siya sa sofa, "ganyan pala pang'welcomeback mo?" Sambit niya.

"Fyi, hindi ka welcome back here. Dzuh! Doon ka nalang sa Japan tutal masaya ka naman doon. Iniwan mo pa mag-isa si eshang–paano kung nakahanap ka ng mas better sakanya–tapos nagkagustuhan kay–"

"Abbi..... easy ka lang.... Tama ng pag-iimagine. I'm okay, thank you for your concerned." mahinahong sambit ni eshang at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Where's killua?" Ezekiel asked, "pinalayas ko–"

"Yes?" Biglang singit ng hari. Agad siyang lumapit sa akin at hinalikan ako. "Eyy bro!! Wazzupp!!" Bati niya kay Ezekiel with apir.

"Namiss mo ‘ko?" hinawi ko ang buhok ko at tinalikuran siya, "hindi. Bakit naman kita mamimiss?" He kiss my neck.

Darn it! Madaming tao!

"Videohan niyo dali!" Rinig kung sigaw ni peter. Itinulak ko ang hari palayo sa akin pero pilit pa rin siyang lumalapit sa akin. "Veb niyo nagtatampo!" Jethro. Isa rin ‘to eh! Pasalamat siya wala si tylia dito, "suyuin mo daw kie," natatawang sambit ni zedrick. Wala namang nakakatawa pero bakit siya natatawa?

Mga tao–hayop nga naman oh, siraulo na. "Yam, make me coffee please?" niyakap ako patalikod ng hari, "oo na!"

"Hindi kana galit?"

"Galit malamang! Saan ka ba kasi nagpunta?! Hindi ka manlang nag-paalam sa akin na aalis ka....."

"Hey, tulog ka pa kanina at ayaw kitang istorbohin." Reason!

I rolled my eyes at dumiretso sa dining area para ipagtimpla siya ng kape.

Hmm.... HAHAHAHA!

"AKO DIN KAPE!!"

"AKO DIN VEB, LIGHT LANG!"

"AKO RIN!!"

"Gatas nalang ako!"

"May milo kayo?"

"Yung hindi gaanong mainit sa akin, thank you."

"Alam mo na akin..." Bahala sila magtimpla ng kanila! I'm not utusan para utos-utosan nila! May kamay sila, kaya sila magtimpla ng kanila!

Hmm!

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon