CHAPTER 35

1.3K 75 4
                                    

Pagkarating namin sa mansyon ay agad akong nagtungo sa dining area para maghanap ng pagkain.

"KIEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!" halos napaos ako kakatawag sakanya.

"Ano ba, andito lang ako sa tabi mo. Hindi mo na kailangan sumigaw," niyakap niya ako patalikod.

"Walang laman 'yon ref! Ayaw ko na! Uuwi na ako! Ayaw ko dito!"

"Edi umuwi ka." ngumuso ako at humarap sakanya.

"Edi uuwi, pake ko sa 'yo? Pagkain kailangan ko, hindi ikaw." binangga ko siya at padabug na umakyat sa taas.

"Sabi sainyo e, gutom na si ate abbi."

Arghhh!!! Anong kakainin ko?!

Myghadd!

Binuksan ko ang isang kwarto, bumungad sa akin lahat ng pictures ko.

Ano 'to?

May napapanood akong ganto eh. Nakadikit din sa dingding tapos may bilog bilog, gawain ng killer. Pero 'yong picture ko dito, walang kahit anong sulat.

Ang ganda ko talaga!

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang text ni mama. hindi ko pinansin at muling ibinalik sa bulsa.

Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang buong paligid.

Dami ko naman yatang picture? hindi siya nagsasawa sa mukha ko?.......... sabagay, maganda kasi ako. Kahit ako hindi nagsasawang tignan ang sarili ko.

Just be yourself.

"Yam?" kumatok siya bago pumasok. "Ano?!" kunot noo kung tanong sakanya at nagcrossed arms.

Umupo siya sa tabi ko at hinila ako ako para yakapin. "Galit ka ba sa mommy mo?"

humarap ako sakanya, marahan niya namang inayos ang buhok ko. "Actually no, hindi ako galit sakanya. alam ko naman na gusto lang nila akong maging masaya, ang akin lang naman-"

"Good girl. Pero dapat, huwag mataas pride ah?" ano kaya nakain nito at biglang bumait?

May balak ba 'to?

"You need to talk to your mother, mag-usap kayo. huwag mo nang palakihin ang problema, baka lumala lang." He smiled.

Naninibago ako, ang bait niya yata ngayon? Pero may punto siya......

"Oum, uuwi ako mamaya. Hatid mo 'ko ah? Kakausapin ko siya." he smiled again.

Ackkkkk!!!! Dati ang hirap nitong makitang nakangiti, pero ngayon -ackkkk!!!

Kaya pala tinawag siyang loverboy!!

Bakit nga ba?

Humiga siya kasama ako, magkayakap kaming dalawa. He kissed my forehead.

"Rest ka muna, kasama ko. Let's sleep together......... I missed you damn so much," Hinawi niya ang buhok ko at tinitigan ako sa mata.

Hinawakan niya ako sa mukha at dahan-dahang inilalapit ang bibig niya sa bibig ko.

Ramdam na ramdam ko ang heartbeat niya.

"Gusto na kitang paluhurin sa harap ko-pero bago ko gawin 'yon, gusto ko magpakasal mo na tayo. Para akin kana talaga....." I smiled.

Naging matino na siya.

Hirap talaga kapag pumapag-ibig kana.

Ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit, ganun din ang ginawa niya sa akin.

TOGIS7: BEHIND THE MASK (S2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon