Chapter 5

30 7 0
                                    

Chapter 5: Chaperone

EJ'

"Uy, nag-aaya'y tropa," banggit ko kina Iya nang nakita ko itong nakatulala pero nakangiwi sa gilid ng dorm space namin habang nakahiga ako at hinihintay mag-full charge ang cellphone. Lahat kami'y nandito sa loob ngayon, pero busy sila sa kani-kanilang mundo.

Agad sumimangot ang mukha ni Iya sa sinabi ko. Habang ang iba nama'y walang reaksyon ang mukha at walang pakialam.

"Nag-aaya? Wala namang nababanggit sa GC, ah? O may bago na naman bang GC, 'di ko lang alam?"

Napa-isip ako bigla. Kapag sinabi ko sakaniyang si Primo ang nag-sabi'y bibigyan niya na naman 'yon ng issue. Kapag naman di-ne-ny ko, baka lumusot dahil palaging may bagong GC na ginagawa ang mga kaibigan namin. Pero kung meron man, malamang nasabi ko na sakaniya dati. Hayst!

"Ano... ang sabi ko— baka nag-aaya ang tropa," deny ko na lang. Naningkit masyado ang singkit nang mata ni Iya tapos umismid pa siya. "Wala silang nasabi, Eej."

"Ahh, okay."

"Actually, you know? Your statement is weird. Kasi bakit sa akin mo tinatanong— eh, mas nakakausap mo sila? Be honest nga, Eej. Did he messaged you again?" dire-diretso niyang akusa na agad kong ipinagkaila. "Ha? Sino ba?"

"Primero the fucking great shit of all time!"Taragis, eto na nga bang sinasabi ko, eh.

"Hindi, oy," agad kong tanggi na ikina ngisi niya at sarkastiko akong inasikan, "Ahh, talaga ba? Kaya pala Ash personally went to CAS building last time, asking me about Primo."

Agad na nanlaki ang mata ko pero pinigilan ko rin ang sarili kong mapatayo sa kinahihigan ko sa kama, para hindi siya masyadong mag-akusa. Malilintikan ako nito.

"Luh? Talaga ba?"

"Duh, oo— pinuntahan ako ni Ash sa CAS para lang tanungin ako about Primero." At bakit niya naman 'yon ginawa? Gago talaga na 'yon. Napaka-epal!

"Wow, EJ— gan'yan na kayo ka-close ni Ash para pag-usapan si Primo?" biglang imik nang akala kong nanunuod ng K-drama na si KC. Naka-earphones siya kaya't hindi ko inakalang nakikinig pala ito sa amin.

"Hindi nga sila ganoon ka-close, KC— kaya dumadaan pa si Ash kay Iya," komento rin ni Kath na kanina'y nagbabasa ng rated SPG na story sa online platform.

"Anong dumadaan?" naguguluhang tanong ni KC na sinagot agad ni Kathia, "Ahh, oo nga pala. Busy ka these past few days kaya mas gabi ka pa umuuwi kaysa sa amin. Pero, umaakyat palagi si Ash dito sa dorm space, K."

"Pinopormahan niya kasi si Iya," obvious kong segunda kaya agad akong binato ng unan ni Iya. Nangigigil ang itsura niya't parang gusto na lang akong chop-chop-in.

"Mukha ba akong nagpapaporma kay Ash, EJ?! Sapakin kita r'yan, eh!"

"Eh, bakit nga pumupunta 'yon dito sa taas?! Sa baba ang dorm room niya diba?"

"Hindi ba halata, bruha ka?! Nakiki-usyoso si Ash tungkol sa'yo!" Ha! Alam kong assuming madalas si Iya pero eto ang pinaka hindi katanggap-tanggap na in-assume niya sa buong buhay niya. Parang gago lang.

"Parang tanga. Huwag tayong assumera sa buhay, okay? Nakakamatay 'yon. Iya— alam na alam mo 'yan," parinig ko sakanila. Tumawa si KC at Kathia dahil na-gets kung ano ang tinutukoy ko pero inirapan lang ako ni Iya.

"At huwag ka ring indenial gaga!" balik niyang patutsada sa akin. Hindi ko na sana papatulan pa si Iya pero si Bhea'y nagawa pang makisawsaw pagkalabas niya ng banyo dahil katatapos lang maligo.

"Ahh— parang ikaw ba Iya? Indenial Queen?"

"Anong parang ako? Indenial ka nga rin dati kay Amox, diba?"

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon