Chapter 16

8 1 0
                                    

Chapter 16: Worthy

EJ'

Tinignan kong mabuti ang sarili ko sa harap ng full body mirror na nasa loob ng dressing area ng dorm space namin. Kahapon, dumaan si Ate Shanti sa ASSC para iabot ang dress na ibibigay niya sa akin. Ngayon na kasi ang grad celebration ni Ate Wani at Ate Tey at gusto raw nila na naka white and beige kami para maganda sa picture kaya si Ate Shanti na mismo ang humanap ng isusuot ko.

It's a white tube maxi flowy dress. I paired it up with white strapped sandals. Nag-light make-up din ako 'saka medyo kinulot ang dulo ng buhok. Nilagay ko na rin sa handbag ang cellphone ko, susi ng dorm at wallet bago ako lumabas ng dorm space.

Wala na sa second floor si Asher kaya dumiretso na rin ako sa baba. I saw him sitting comfortably on the lobby's sofa. Naka-dikwatro ang paa at pinaglalaruan sa isang daliri ang keychain ng susi niya. When he saw me walking towards him, he stood up and went out, so I followed along.

Kumunot nga lang ang noo ko no'ng nilagpasan niya si Amihan na naka-park sa parking ng ASSC. "Oh? Hindi ba si Amihan ang gagamitin natin?" Bumalik siya sa kinatatayuan ko't hinila ang palapulsuhan ko hanggang sa makalabas kami sa dorm.

"Napakasama ko namang nilalang kung papa-angkasin kita kay Amihan ng naka-dress ka." Huminto siya sa harap ng sasakyan ni Ate Shanti na hiniram niya siguro. Pinasakay niya muna ako bago niya itinukod ang magkabilang palad niya sa inuupuan ko.

I smirked at him as I found a chance to trigger his patience with me. "Bakit, akala mo ba anghel ka?" Asher smirked too; he even nodded his head with confidence and heaved a satisfied sigh."Kung tayong dalawa ang pagbabasihan, opo— mas anghel ako." Pinitik niya pa ang noo ko nang medyo may kalakasan." Medyo may sungay ka kaya, hindi mo ba alam?"

With that, he chuckled alone. Umayos na siya nang pagkakatayo para makalakad papunta sa kabilang side ng sasakyan. Hindi ko na rin tuloy maiwasan na pagmasdan ang kabuuan ni Asher sa windshield ng sasakyan ni Ate Shanti.

Naka-white shirt siya na sakto lang para sa katawan niya. My minimalist print 'yon sa left chest side at kulay neutral dim gray na cargo pants. 'Saka puting rubber shoes.

When he sat and drove the car, I noticed that he did not wear his silver earring. But he's wearing his silver line necklace and watch. Nakita niyang tinitignan ko siya kaya kumindat pa siya sa akin sa rearview mirror. Napa-make-face tuloy ako nang wala sa oras nang napansin na medyo namula ang noo ko dahil sa pagkakapitik niya.

"Humanda ka mamaya, sasabihin ko kay Tatang 'yang kasutilan mo," aniya ko habang hinihimas ang noo kong medyo nawawala na rin ang pamumula. Natawa na naman si Asher. Hindi ako naka-seat belt, kaya ang kaliwang kamay niya lang ang may hawak sa manibela, habang ang kanan nama'y hinihila ang seatbelt ko para maikabit sa akin.

"Bakit mas mahal ka ba ni Tatang kaysa sa akin?" Ginagawa niya ang lahat nang 'yon habang inaasar ako. Napaka-galing talaga mag multi-task ng tarsier na 'to. H'wag niya lang talaga i-multi-task ako kasabay ng ibang babae, malilintikan siya sa akin.

Nang makabit niya 'yon, napangisi na lang ako. "Kung tayong dalawa ang pagbabasihan, opo— mas mahal ako ni Tatang. Medyo hindi ka na favorite eh, hindi mo ba alam?" balik pang-aasar ko sakaniya. Confident ko pa siyang hinarap habang nagdra-drive siya, dahil alam kong prumeno man siya, hindi ako susubsob sa windshield ng sasakyan.

May isa pa raw na bahay sina Asher sa Dela Vera.Pagka-park ni Asher, kinuha ko sa likod ng sasakyan ang binili niyang mga bulaklak para sa mga ate niya at sabay na rin kaming pumasok sa loob.

"Avo, Jayde!" Si Tatang agad ang bumungad sa amin na naka-tungkod at inaalalayan ng nurse. Naka-suot si Tatang ng polong puti, 'saka beige na slacks kahit nasa bahay lang. Alam na alam ko tuloy na naghanda talaga sila para kila ate dahil pinagbigyan nila ang gusto nito.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon