Chapter 40

22 2 0
                                    

(You can play the attached YouTube video for the instrumental of Asher's original song 'Pahi' for later!)

Chapter 40: Different Paths

EJ'

🌻


"Hey, don't overwork yourself—c'mon, let's go." Si Lawrd na mismo ang nagligpit ng mga papeles na binabasa ko 'saka niya inabot 'yon kay Mia at pinalipat sa table niya.

Alas diez pa lang ng umaga, kaya nagtataka ko siyang minasdan.

"Saan? Ang dami pang kailangang asikasuhin, Lawrd. " Kakapa-recall ko lang kay Mia ng schedule ko kanina, at base sa dapat kong gawin ngayong araw, wala akong panahon para magliwaliw.

Kailangan kong matapos i-counter check lahat 'tong accounting report bago ko approve-an ang request ng hanggang alas onse ng umaga.

Balak ko rin sanang mag drive-through na lang dahil pupunta ulit ako sa Maximoff E.C. para approve-an 'yong prino-propose na renovation exterior ng architect na kakilala ni Engineer Kyroz.

Tapos mga alas dos— kailangan nasa korte na ako dahil dadaluhan ko ang pangatlo at huling hearing ng kaso ni Hani.

Ilang linggo na ang lumipas at napaka bilis ng usad ng kaso dahil sa tulong ng mga kaibigan ko na mapatibay ang ebidensya laban kay Ruiz.

It's already the month of April, and I've never been amazed by the justice system in the Philippines better than today. Dahil siguro para naman talaga kay Hani ang hustisya. Kung sa bagay— ilang taon din namang nagdusa ang pinsan ko, pero ngayon naguli na si Ruiz ay hindi na pinapatagal pa ang lahat.

I want to be beside Hani, support her, and hold her hand so that she knows that this time we're in this together.

Kaya nga nagtataka ako ngayon kay Lawrd dahil bukod sa alam naman niya lahat ng plano ko— ay nagagawa niya pang hilahin ako papaalis ng opisina at pasakay sa elevator.

"I already finished all of that."

"Lahat?"

"Yep. So don't worry," aniya sabay kindat sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kan'ya. Kaya pala hindi niya ako pinapansin kahit anong tawag ko sa kan'ya kanina habang nagaasikaso siya ng mga papeles. Sunod-sunod rin ang mga tinatawagan niya sa telepono, kaya nag-focus na lang din ako sa trabaho ko.

Tinatapos na pala niya lahat ng kailangang gawin, kaya naman pala abalang-abala kanina. Kung sa bagay, babalik na naman kasi kami ng UK sa isang linggo, kaya parehas naming tinatapos lahat ng report sa Metrial.

Halos doon lang naman umikot ang buhay ko nitong mga nakaraang linggo. Pumunta sa hearing ni Hani, magtrabaho, at sa condo— magtrabaho ulit.

Hindi na rin ako nakakapag-exercise, 'di kagaya ni Lawrd na active pa rin kahit gaano ka-busy. Hindi rin kami masyadong nagkikita nina Bhea dahil lahat naman kami ay busy rin sa kan'ya-kan'yang trabaho kaya sinabihan ko na si Mia na-i-clear ang dalawang araw ko bago kami bumalik sa UK para naman makapag-bonding kami ng mga babae na 'yon. Nami-miss ko na rin kasi si Peachy at si Quince. Palagi na lang si Ace ang nakakasama ng dalawang bata, kaya kailangan naman nilang makakita ng ibang mukha kagaya ng kagandahan ko 'di ba?

"Saan ba kasi tayo pupunta? Ang layo na ng drina-drive mo, ah." Pano naman kasi, akala ko naman pupunta kami sa mama niya, pero mukhang hindi naman na dahil out of the way na itong tinatahak niya.

"We'll go to Cavana." Hmm? At bakit?

"Lawrd, siguraduhin mong babalik din tayo kaagad— may hearing 'yong kaso ni Hani mamaya." Ano bang trip niya at naisipan niyang pumunta ng Cavana? Alam niya namang iniiwasan ko pa ring pumunta roon dahil kahit gaano ako ka-busy— nabasa ko ng isang upuan ang lahat ng letter na naisulat ni Asher. Kaya nga siguro hindi ko man lang maharap na puntahan si Asher, o kaya kahit sino sa mga kapatid niya para magpasalamat dahil ang bottomline ay nahihiya akong humarap sa kanila nang walang maibigay pabalik.

At alam ko rin na dahilan ko na lang din ang trabaho para magawang excuse kung bakit hindi pa rin ako pumupunta sa kan'ya o sa kanila hanggang ngayon. After all, ang dami pala niyang nagawa para sa akin at 'di lang para sa akin. Tapos thank you lang ang sasabihin ko? Gusto ko sanang mag-isip ng magandang regalo para sa kan'ya at sa pamilya niya sa pananatiling may mabuting puso sa amin—pero hindi ko naman maisip kung ano'ng regalo ba ang katanggap-tanggap para sa lahat ng nagawa nila para sa amin ni Hani.

Ang alam ko, pumunta na at mismong nagpasalamat sina tita sa kanila— ano'ng difference no'n kung pupunta lang din ako para magpasalamat? I am preparing for something, and yet I still can't figure out what I am really preparing for.

Inismiran ako ni Lawrd, "Sinabihan ako ni Hani na 'wag ka nang papuntahin sa hearing," aniya sabay ayos sa gear ng sasakyan.

"At bakit?"

"Mas malakas ka pa raw kasing umiyak kaysa sa kan'ya at sa mommy niya."

"Gago ka!" Bwisit na 'to! Tawang-tawa sa biro niya palibhasa kasi, alam niyang tama siya.

Kung tutuusin, mas nauuna pa nga akong umiyak kay Hani kapag pinapasampa siya sa witness stand at pag kuk'wentuhin. Tapos katabi ko pa si tita na naaawa rin sa kinahinatnan ng anak, kaya parehas tuloy kami ni titang nag-aaluan sa tuwing may hearing.

Si Lawrd na nga mismo ang naglalagay ng tissue sa bag ko dahil inaasahan niya na raw 'yon. Palibhasa alam niyang iyakin ako sa mga sentimental na bagay.

Umayos si Lawrd ng upo at nag-drive ng mas matiwasay. Inalis niya na rin kanina ang coat niya, kaya naka-white polo sleeves na lang siya ngayon.

"No, but seriously. Hani wants you to go to Cavana today." Ano naman kayang gagawin ko sa Cavana? Eh nasa apartment namin ni Hani si Mommy, Lola, Tita, at pati na ang mga pinsan ko dahil nga pupunta sa hearing.

Medyo nagtataka ko tuloy siyang nilingon, "What's up with today? Why do we have to go to Cavana?"

"Yours and Asher's supposed anniversary?" he said, visibly annoying me and making me stall at him.

Minsan, napag-usapan na namin ni Lawrd kung darating pa kaya ang araw na magiging casual o 'di kaya ay magkaibigan pa rin kami ni Asher.

Lawrd said that he would be so proud of me and my ability to maintain a platonic friendship with my ex-boyfriend, despite our given history. Which caused him to often tease me about Asher over the past few weeks.

Paano ba naman kasi, bakit ko raw tinatanong 'yon sa kan'ya kung iniiwasan o ni hindi ko nga raw maharap si Asher. Kaya nadadalas niya tuloy akong nagpag-tri-trip-an kapag nabubukas ang topic na 'yon.

At hanggang pamumwisit lang 'yan si Lawrd. Mas mabuti pa nga no'ng sinusungitan niya ako. Pinapagalitan niya lang ako, pero hindi naman ako napipikon. Ngayon, kapikon-pikon na rin ang mga banat ni Lawrd.

Kidding aside, in a serious matter, it seemed like he wanted me to just come out of my comfort zone and go see Asher, but at the same time, he was patiently supporting me and not forcing me to do things that would make me uncomfortable. He would just tease me about it and piss me off out of it.

"No, but seriously—wouldn't you mind asking, how's your green flag ex-boyfriend doing these days?" he said with a mischievous grin, knowing full well that Asher was still a sensitive subject for me.

Despite my annoyance with Lawrd— the self-proclaimed platonic friend of mine—teasing, I still couldn't help but chuckle at his clever wordplay.

"Oh, for sure, he's doing just fine. Thank you very much for your concern for the both of us," I replied with a playful eye roll.

Sinakyan ko na lang din ang trip niya dahil alam ko namang bukod sa pamumwisit, gusto niya lang talaga na magaan lang ang usapan namin patungkol sa pinsan niya.

"Ahh, talaga? Kaya pala nag-text sa akin. Uwi ka na raw, hindi na raw siya galit."

I know that Lawrd's having entertainment poking fun at me, but I can never deny that there was always a hint of amusement in me with the way of his teasing, because I somehow realized that Lawrd's teasing was just his way of showing that he cared. He may have been a bit cheeky about it, but deep down, I knew that he was just trying to make light of a situation that could have easily caused tension between us.

And with a knowing smile, I started playfully teasing him right back, "Gago ka talaga, Lawrd. Gusto mong gasgasan ko 'tong kotse mo?" Ang hilig bwisitin ako kay Asher! Mas nag-e-enjoy na yata siyang gawin 'yon kaysa ang mag-aral nang mag-aral o sumubsob sa trabaho.

Mas mabuti pa nga siguro kung abala na lang siya kay Kali nang hindi niya ako napeperwisyo ng ganito.

"You know what? You already have negative points to enter heaven. Namumuro ka na kay Lord."

Sabay na lang kaming natawa sa huli.

The car was filled with comfortable silence, broken only by the occasional burst of laughter or shared observation. I, most of the time couldn't help but admire Lawrd's easygoing nature and quick wit, which always made our conversations enjoyable.

Sa pag-a-adjust kasi na nakita ko kay Lawrd— gan'yan lang naman siya sa mga taong komportable siyang pakisamahan. Kaya masaya rin ako na isa ako sa mga taong naging place of comfort niya simula no'ng napagdisisyunan niyang labanan ang traumang pinagdaanan.

Habang nag dra-drive si Lawrd— hindi ko rin maalis ang naiisip ko patungkol sa pagkakaibigan namin.
Malapit na kami sa bungad ng Cavana nang makaramdam ako ng pasasalamat sa relasyon na nabuo namin sa buong mga taon na magkasama kami. Napagtanto ko na nakasama ko na si Lawrd ng ilang taon at sa parehong bilang ng taon na nakasama ko dati si Asher.

Lawrd's presence was already comforting and familiar, like coming home from a long journey. But it is also in the sense that it's okay if I do not entirely rely on him, because we both know that he can also rely on me, and we can rely on neither at all when we have to face different perspectives in life, which is freeing.

"Salamat sa paghatid," sabi ko 'saka ngumiti habang dahan-dahang pumaparada ang sasakyan sa driveway ng Eternal. Siguro pinahatid na talaga ako sa kan'ya ni Hani dahil alam nilang kung ako pa ang hihintaying kumilos— aabutin lang kaming lahat ng s'yam-s'yam hanggang sa pumuti ang buong mata namin.

Ibinalik ni Lawrd ang ngiti sa akin at siya na rin mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko 'saka nag-ayos ng salamin sa mata.

"Anytime, Ericka. Ihahatid kita palagi at susunduin. Kahit hindi mo na ako tawagin. " And with that, Lawrd let me out of his car, at inihatid ako sa tapat ng puntod ni Tatang kung nasaan si Asher.

"Mag-usap lang kayo, kanina pa siya nand'yan. Sa sasakyan na lang ulit kita hihintayin."

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon