Chapter 19

9 1 0
                                    

Chapter 19: Angel

EJ'

"Kumusta lakad niyo nina Bhea?" Inalis ko si Kali sa kandungan ko 'saka ko siya inihiga sa dog bed niya habang kausap ko si Asher sa videocall. Katatawag niya lang at nagbibihis pa siya kasalukuyan dahil kauuwi niya lang din daw sa Dela Vera.

"Masaya. Doon nila napag-trip-an na pumunta sa dati naming high school, kaya marami-rami rin kaming napag-usapan." Sa kapursigaduhan ni Bhea— natuloy talaga kami sa plano niyang day-out. Halos maghapon kaming magkakasama dahil ipinilit ni Kathia na sulitin namin dahil baka sa susunod— mahirapan kaming magkita-kita dahil bakasyon na. Umuuwi kasi si KC sa Pampanga. Si Iya naman, marami pa ring ginagawa sa bahay at sa mga extracurricular niya kahit bakasyon na. Si Ace, may practice teaching pa rin daw kahit sa bakasyon. Tapos si Kathia at si Bhea, may mga part-time.

Na-realize ko nga kanina na iba-iba pala talaga kami lahat ng hilig at mga pinagkakaabalahan. Pero hindi nawawala sa amin 'yong comfort na pagka-magkakasama, para lang talaga kaming magkakapatid.

"May iba ka bang lakad bukas?"

"Bakit? Ide-date mo ba ako?" Nagsusuot ng t-shirt si Asher nang humarap siya sa camera ng phone, nakatayo rin siya sa harap ng cabinet niya, kaya napagmasdan kong mabuti ang lahat ng galaw niya habang nagsasalita. Ako nama'y naka-upo sa lapag ng kwarto habang hinihimas ang t'yan ni Kali na mahimbing ang tulog.

"Ano'ng confidence level mo r'yan? Taas ng confidence, ah?" Asher scoffed, making sure I'd notice that he was trying to annoy me again, so I rolled my eyes at him.

"Bakit ka nga nagtatanong?"

"Naka-uwi na si Tatang galing Maynila kaya gusto niyang sama-sama kaming mag punta sa church. Ngayon na lang din kasi kami makukumpleto dahil naka-uwi na rin sina ate. Gusto ni Tatang sumama ka rin." Ahh, magsisimba pala.

Pinagmasdan kong mabuti si Asher nang umupo siya sa swivel chair sa loob ng kwarto niya't parang inilapag pa ang cellphone sa study table dahil naka-side view siya ngayon habang nakaharap sa laptop kaya kitang-kita ko tuloy ang hikaw niya sa kaliwang teinga. 'Yon na'y lagi niyang suot dati pa. May iba pa kayang hikaw 'to?

Hindi na rin umimik pa si Asher dahil tutok na siya sa mabilis na pagta-type sa laptop. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ro'n, kaya nagtanong na lang ako. "Nakapag-promise ka ba kay Tatang na isasama mo ako?" It's somehow effective because he stopped typing and looked at his phone's direction again when he answered me. "Hindi. Sabi ko tatanungin muna kita."

Gusto kong ipakita sakaniya na nangiti ako, pero hindi ko 'yon ginawa. Inayos ko nang bahagya ang pagkakatapat sa akin ng cellphone, kaya kalahati lang ng mukha ko ang nakikita.

Natutuwa lang ako na alam na alam ni Asher na ayaw kong pinangungunahan ako. And he respects that. Kaya gumagawa siya nang paraan na mai-communicate sa akin nang maayos ang mga bagay-bagay bago niya pagdisisyunan, lalo na kapag 'yong bagay na 'yon ay may kinalaman sa akin.

And I am confident that it's comforting when you know someone respects you a lot.

"Sige, sasama ako," pagpayag ko sa gusto ni Tatang, kaya kinuha kaagad ni Asher ang nakapatong niyang cellphone para makita ulit ako nang maayos.

"Sigurado kang sasama ka?"

"Oo nga! Minsan lang din ako mag-simba kaya sasama na ako." Kapag nandito lang si mommy, at kapag nag-aaya lang siya 'saka ako nakakapag simba. Minsan naman pumupunta ako nang kusa, pero madalang lang 'yon dahil malayo pa ang cathedral na sinisimbahan namin ni mommy sa bahay ni lola.

Ilang beses na rin akong inaya ni Iya na sumama sakaniya kapag may mga ganap sa church nila, pero hindi ko naman siya napagbibigyan. Iba kasi ang religion niya sa kinalakihan kong religion. Pare-parehas kami ng religion ni Ace at KC. Tapos magka-iba rin si Kathia at Iya. Si Bhea, sa pagkakatanda ko sa k'wento niya— may lahing Muslim daw ang mga angkan ng Papang niya, pero nag-iba sila ng religion noong nagkapamilya na ang Papang niya.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon