Chapter 14

10 2 0
                                    

Chapter 14: Letter

EJ'

It's the last day of the month, and I never thought I would learn to trust Asher genuinely that fast. Ang daming nangyari sa loob lang ng mga araw na 'yon. Nito lang, nalaman namin na nag break na pala si Red at si Bhea. Natapos at naging successful din ang charity event na pinuntahan namin no'ng birthday ni Amox. At higit sa lahat, unti-unti kong na-i-su-survive ang second year at second semester. Finals na sa susunod na linggo at dapat nga nasa dorm na ako ngayon para mag-review ulit, pero nagmamadali akong lumabas sa main gate ng PAU para pumunta sa clinic.

Tumawag 'yong pinsan ko kanina tapos sinabihan ako na dinala niya raw 'yong aso ko sa vet dahil naglalaway at nagsusuka. Kay Hani at kay LV ko kasi iniwan si Kali dahil hindi p'wedeng magdala ng aso sa dorm. Minsan, kinukuha ni daddy at Tita Lara si Kali kay Hani tapos sakanila inaalagaan, pero binabalik din naman nila kay Hani dahil hinahanap ni Lola. Minsan ko lang din nakikita si Kali kapag umuuwi ako sa bahay ni lola dahil mas madalas akong dumalaw kay daddy nitong mga nakaraan.

Iniwan ko na nga rin si Ares sa loob, eh. 'Di pa kasi siya tapos mag-sulat ng equation, kaya nagpaalam na ako sakaniya. Tatawagna nga rin sana ako ng tricycle nang bigla na lang huminto ang motor ni Asher sa harap ko.

Ini-stand niya ang motor niya't inalis ang helmet. Naka-uniform pa siya ng Westlerian, kaya tumaas agad ang kilay ko at tumalim ang tingin ko sakaniya nang nagtama ang tingin namin sa isa't-isa. "Ano? Hindi ako nagpaliban sa training. Wala si Coach, kaya wala kaming training ngayon. Sama na naman ng tingin mo, Ms. Yeujen."

Hindi ko napigilang humalukipkip. Ka-te-text ko lang sakaniya kanina na 'wag niya na akong sunduin dahil mauuna akong umuwi at pupunta ako sa vet, pero eto na siya ngayon. 'Di ko tuloy mapigilang mag-sungit lalo pa't napag-usapan namin no'ng nakaraan na ayaw kong nagpapaliban siya sa training o sa kahit anong school activity. Nagtanong kasi siya ng mga Do's and Don'ts ko randomly, kaya napag-usapan namin 'yon no'ng after party ng charity event.

"Wala kang kailangang gawin na academic requirements?" Don't get me wrong, I now have trust in Asher. Hindi ko alam kung ano'ng ginawa sa akin ng librong pinabasa niya pero alam ko, may malaking contribution 'yong libro ng Nanang niya sa pagtitiwala ko sakaniya. Gusto ko lang talagang malaman kung may gagawin pa siya para mas unahin niya 'yon kaysa dito.

"Mero'n, pero p'wede ko namang gawin mamaya."

"Sana dumiretso ka na sa dorm para natapos mo 'yan kaagad." Inabot niya sa akin ang helmet na hindi ko naman tinanggap kaya siya na rin ang nag-suot no'n sa ulo ko.

"Kaya ko namang tapusin 'yon kaagad mamaya pagkatapos kitang samahan sa vet. Maawa ka naman sa aso mo, gusto mo pa bang makita si Kali. Ano? Pupuntahan ba natin sa vet o tutunganga na lang tayo rito?" Siniryoso niya na rin at medyo sinungitan ang tono niya gaya nang ginagawa niya dati kapag nagtatalo kami at alam niyang may punto o tama siya kaya napa-irap na lang ako.

Sumakay na ulit siya sa motor niya, at ini-start 'yon. I was also about to hop on his motorbike when his goofy side came back again,"Dahan-dahan ka lang sumakay, ah. Baka madaplisan si Amihan. Lagot tayo kay Tatang."

"Gasgasan ko pa'y Amihan mo, eh." Joke lang 'yon. S'yempre hindi ko gagawin. Alam din 'yon ni Asher kaya tawa lang siya nang tawa nang sumakay ako sa motor niya. Nag-likot pa ako ng kaonti at kailangan niya pang umayos nang pagkakaupo para hindi bumagsak ang motor sa ginawa kong kilos.

Sobrang alaga kasi nito sa motor niya, binata pa raw si Tatang no'ng binili niya 'yong motor na 'to kaya no'ng binigay sakaniya, talagang sinigurado niyang maaalagaan niya nang mabuti. I don't know why, but it seems as if men really have this kind of affection for their vehicles.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon