Prologue

123 9 2
                                    

Prologue: Wedding Day

CEO Erickaidence Jayde Yeujen


Dear Jayde,

Sabi nila hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

Kaya nga siguro kaakibat no'n ang tanong kung bakit sinasabi rin ng iba— na kapag nagmahal ka sa tamang tao'y komportable ka dapat at may kapayapaan.

But you know what? I believe that it's okay to experience stitches and burns. To have scars as the pain digs in to make you realize and see what's the real worth of it.

Ayos lang kung gusto mong umiyak, dahil sinisigurado kong ako ang kasama mo sa mga panahong gustong tumulo ng luha mo. H'wag kang matakot mahulog o magkamali, kasi sinisigurado ko sa'yong kasama mo ako sa pagtayo muli.

At kung nararanasan mo man ngayon ang bagay na kahit kailan ay hindi mo hiniling, 'wag mong kalimutang magiging maayos din ang lahat. Alam kong ayaw mo sa lahat ay 'yong nasasaktan. 'Yong naiiwan. 'Yong ideya ng mababaw na relasyon, pero sinisigurado ko sa'yong sigurado ako na kung ano'ng mayroon tayo ay mas malalim sa inaakala nating dalawa.

No one will ever have the courage to dig in because the only thing they'll find beneath is the strong roots of our relationship. It's planted in our veins, running in it isn't blood— it's affection and dedication.

Ngayong lumalaban ka na naman sa panibagong yugto ng sakit at kaguluhan sa kabanata ng pahina ng buhay, tandaan mo sana at balikan ang mga bagay na 'to...

May mga araw na darating na mahirap labanan, pero malayo ka na sa dati mong laban. At tandaang mong sa bawat hakbang at laban mo sa buhay, ay nandoon rin ako para ipaglaban ka.

Ipaglalaban kita palagi, hanggang sa huling araw na pagsuko na lang ang kailangan kong gawin para sa ikabubuti mo. Maraming taon ang lilipas at maraming mga bagay tayong haharapin, pero nakikita kong ihahatid kita sa harapan ng may kapal sa gitna ng pasilyo kung saan ikaw ang pinaka magandang binibini.

Sa mga hakbang mo'y nasa likod mo lang ako palagi. Walang magbabago dahil ikaw at ikaw ang pahinga ko.

I'd scar with you, and be the healing, too.

-Asher


I smiled as I finished reading one of the letters that he sent to me, years ago. Rinig sa buong kwarto ko ang boses niya na nangagaling sa cellphone. He was strumming his guitar as he sang a gentle song for me.

"And I know these scars will bleed... But both of our hearts believe ... All of these stars will guide us home... " Long silence can be heard after he sang, and then he breathes before talking again.

"Tinapos mo ba 'yong kanta, Jayde? Binasa mo rin kaya 'yong letter na inipit ko sa librong hiniram mo sa library ni Nanang? Sana nabasa mo, at sana'y napapakinggan mo 'to ngayon... Dahil gusto kong sabihin na ikaw ang aking pahinga at ilaw sa gabi. And I'll never get tired of reminding you— how much you mean to me... Lagi kitang mamahalin, at ikaw ang pinaka maganda sa'king paningin."

It was already time to rest, so I closed my eyes and slept. Dreaming of better days to come.

🌻

February 14...

I tried my best not to open my eyes. I don't want to wake up yet. This day feels so surreal for me. Eto na talaga. This day came like a flash. A day I'll forever remember, a day that will be left as a big memory in my life. A fragment that will never leave my whole being. This day will be a part of me, till my very last breath.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon