Chapter 13

14 2 0
                                    

Chapter 13: Aisle and Time

EJ'

"Kaninong bahay pala 'to?" tanong ko kay Asher habang naglalakad kami sa second floor ng hacienda. Sinusundan ko lang siya at medyo mabagal din ang lakad ko lalo pa't tinitignan ko ang kabuuan ng bahay.

For me, if you look at it in depth, you will know that this house surely has a specific character. As if it were created and dedicated to a certain person.

"Kay Tatang 'to dati. Sa kanila ni Nanang, pero no'ng nagka-problema, kailangan nang ibenta. Amang nina Dart ang bumili." Naalala ko napahapyawan ni Tatang sa akin na kilala nga sila dati sa bansa, tapos parang may nangyari nga at lumubog sila. Sa sobrang daldal ni Tatang, pati 'yon na-k'wento niya sa akin kahit sa unang pagkikita pa lang namin.

But speaking of who owns this house, "Buti nakakapunta ka pa rito?" Kung kina Dart na pala 'to— paanong nakakapunta pa siya? Eh mukhang allergic ang Amang ni Dart kina Tatang.

Nakuha ni Asher ang ipinagtataka ko. Inayos niya ang isang frame na nasa medyo mahabang mesa kung saan marami ring iba't-ibang frame na nakalagay habang nag ku-k'wento.

"Hindi naman pumupunta rito sa bahay 'yong Amang ni Dart. Mabigat sa loob no'n na umapak dito kaya kampante akong makalabas-masok kahit kailan ko gusto. May care-taker lang pero walang tao palagi kaya salitan kami ni Dart sa pagbisita rito." Eh, bakit niya binili 'yong lupa kung hindi niya rin naman pala papakinabangan?

Posible kayang gusto lang din n'yang tulungan si Tatang no'ng nagkasakit 'yong matanda kahit magka-away sila?

Nang malagpasan namin 'yon, pababa na ulit si Asher sa hagdan, pero hindi siya lumiko sa pinanggalingan namin kanina no'ng dumating kami dahil dumiretso siya sa kabilang hagdan, kaya nakarating kami sa kabilang parte ng second floor ng hacienda.

Dire-diretso siya sa hanggang sa dulo, natanaw ko na may parang pinto doon, kaya alam ko kaagad na doon siya pupunta.

"Kayo lang pala ni Dart ang nakakapunta dito, bakit sinama mo ako?" Bago pa makapasok si Asher, huminto siya sa harap ko at humalukipkip. "Ayaw mo ng Valentines diba?"

Ano'ng kinalaman no'n dito, at sino na namang nagsabi sakaniya? "Pa'no mo nalaman?"

Malimit na nagkibit balikat si Asher, napangisi pa habang binubuksan ang pinto na nasa harap namin. "Sinabi ng Daddy mo sa akin, no'ng nakaraan. Kung balak daw kitang ayaing makipag date, h'wag daw sa Valentines. Kaya hindi date 'to, Jayde. Gusto ko lang na may kasama ka."

'Yon ba 'yon pinagbubulungan nila ni daddy bago siya umuwi? Ang tagal kasi nilang mag kausap sa labas ng bahay. Si daddy pa mismo ang naghatid sakaniya sa labas dahil may ibibilin daw siya kay Asher.

Mariin kong tinignan ang pintong nakasara na sa harap ko. Pumasok na kasi si Asher at natuod pa ako sa kinatatayuan ko kaysa sumunod sakaniya sa loob.

I was biting my lower lips when Ace messaged me. Agad kong binasa 'yon at nag-tipa na rin nang reply para hindi niya maisip na masyado akong busy sa kung nasaan man ako.


From: Ace

Saan ka? Hinahanap kayo ni bhea nagpa dinner si red.


To: Ace

Sino sinong kasama niyo?


Tinulak ko ang pinto, humakbang ako nang isang hakbang papasok kahit nando'n sa cellphone ko ang atensyon.


From: Ace

Ako si kath si bhea saka si red. Wala kayong tatlo ni kc at iya. Kung nakipagdate kayo, okay lang. Basta wag kayong uuwi na buntis ha.

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon