Chapter 9

17 5 0
                                    

Chapter 9: Carefree

EJ'

"Diba? Hindi nag-me-make sense!" Naaaligaga kong sabi kay KC matapos kong i-k'wento sakaniya lahat nang nangyari sa amin ni Ash. Wala pa ang mga kaibigan namin sa loob ng dorm space dahil may kaniya-kaniyang buhay na inaasikaso pa. Ako lang at si KC ang magkasama kaya malakas ang confidence ko na magsabi kaagad sakaniya. Lalo na ang lahat nang sinabi kanina ni Ash sa akin.

That whole confession of him made me silent while we were on our way home. Pero nang naabutan ko si KC na papasok pa lang sa dorm sa labas—hinatak ko na siya kaagad paakyat sa dorm space namin nang nakababa ako sa motor ni Ash.

Bakas sa mata niya kanina ang mapang husgang mata dahil kitang-kita ko kung paano niya kami tinignan ni Ash kanina no'ng nakasakay pa ako sa motorsiklo niya. At nakuha niya rin naman kaagad lahat ng sagot sa tanong niya.

"Talagang sinabi niya 'yon?"

"Oo nga! Mukha ba akong nag-iilusyon?" singhal ko pa. She's my bestfriend. Sakaniya pa ba talaga ako magsisinungaling? Hindi ko yata kaya 'yon. Maglilihim ako nang iilang bagay kay KC pero hindi ko siya pagsisinungalingan. I can never. Si KC 'yan, eh.

Nang nawari niya kung gaano ako kasiryoso sa pagka-stress ay 'saka pa lang siya tumalon galing sa kinauupuan para yugyugin ako. Hawak ng dalawang kamay niya ang magkabilang balikat ko habang tumitili-tili pa ang berat, "Besh, baka ito na talaga 'to!"

"Anong ito na talaga? Gaga ka ba? Hindi ito 'yon!" Kung ano mang 'ito na 'to' ang iniisip niya— ayokong kumpirmahin. Nakakatakot isipin.

Sumibangot ako kaya sumibangot din ang berat.'Yon nga lang— nakabusangot siya nang mas lubos sa akin.  "Lumalapit na sa'yo ang grasya, besh! Ayaw mo pa ba?"

"Si Asher 'yon. KC. " Laharan akong umirap. Inalis ko ang kamay ni KC na nakahawak sa akin at 'saka ako lumayo sakaniya. Mahirap na, baka mamaya— sapakin na ako nito.

Umupo ako sa kama ni Iya. Sumunod naman siya, talagang ayaw akong layuan dahil may pahabol pang kaunting kurot sa tagiliran ko nang naabutan ako roon.

"Ano naman kung si Asher siya?! Alien ba si Asher?! Breed ng animal? Hayop? 'Di naman, ah! Kaibigan naman siya ng kapatid mo. At, sa pagkakakilala ko kay Asher, matino naman siyang tao."

Nakita ko ang bagong stuffed toy na nakalagay sa kama ni Iya. Tinignan ko iyon habang inaalala kung matagal na ba ito o talagang bagong salta lang sa kama niya habang sarkastiko kong sinasagot si KC, "Lahat naman nang lalaki, matino— sa una."

"Grabe sa pag-ge-generalize!" reak niya muli at napansin na rin ang stuff toy na tinitignan ko.

Nagtaasan kami ng kilay nang magkatinginan.  "Bakit, tutuo naman 'diba? Sa una, akala mo kung sinong mga sobrang gagaling, pero sa huli— magaling naman pala kasi talaga! Magaling magloko." Dahil parehas naming alam kung ano ang pinupunto ko, parehas kaming natahimik pagkatapos.

Sabay pa naming dinampot 'yong stuff toy. Tinignan ko ang kama ni Ace, nagbabakasakaling may kahawig na stuff toy na nakalagay doon dahil mahilig bumili at mag bigay ng gamit si Iya kay Ace. Pero wala. Siya lang ang mayroon. Maski sa kama ni Kathia ay walang ganito.

Salitan kaming napangiwi ni KC nang na-gets namin pareho ang posibilidad na pangyayari kung bakit may bagong stuff toy si Iya. Parehas tuloy naming dahan-dahang ibinalik iyon sa kinalalagyan bago kami umalis sa kama niya. Lumipat kami si kama ni Bhea at doon na muli nakakuha ng t'yempong magsalita si KC.

"Pero pa'no kung siryoso pala talaga siyang liligawan ka niya?"

"Ano'ng paano, KC? Edi s'yempre—"

"S'yempre hindi ka papayag? O ayaw mo lang pumayag kasi nakikita mo sakaniya si Primo?"

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon