Chapter 23

9 2 0
                                    

Chapter 23: Kidult

EJ'

"Tama ba 'to, Pahi?" Malawak ang ngiti ni Asher nang ipakita niya sa akin ang isang photocard na nilagay niya sa gift box na prine-prepare namin para sa concert. Halos parehas lang naman kami ng ginagawa ni Asher, maglagay ng mga freebies sa maliit na gift box. Pero tinignan ko pa ang ginagawa ni Kaye at tinanong na rin siya.

"Kaye, ganito diba?" Turo ko sa box namin ni Asher na may photocard, fan, mini notebook, at stickers ng favorite na k-pop namin doon at may libre pang candies na idinagdag ni Kaye para raw mas masaya.

"Oo, tama lang!" Tig-sasampu kami ng box na lalagyan, singk'wenta kasi ang qouta ni Kaye na ipapamigay sa concert na pupuntahan namin. Ganito na raw kasi talaga ang culture sa pag-attend ng K-Pop concerts. May mga ka-fan na nagpapamigay ng mga freebies as a sign of courtesy and friendship.

Kaya nga tuwang-tuwa si Kaye no'ng sinabi ko sakaniyang bumili ng ticket si Asher at sasama rin si Claire sa amin, dahil first time niyang may makakasama sa concert na literal na personal niyang kilala. 'Yong mga nakakasama niya raw kasi sa mga concert, nakikilala niya na lang mismo sa arena.

Pero sabi nga niya, masayang makakilala ng iba't-ibang fan sa araw na 'yon kasi nga raw ay masyadong maraming pakulo ang bawat isa.

Nasa last box na kaming lahat nang bigla kong napansin si Asher na nakangiwi, hawak niya ang isang photocard na kulang na lang ay malusaw sa sama ng tingin niya.

"Oh, sino muna 'yang hawak mo?" agaw ko sa pansin niya. Lumabi siya't inilagay na nang tuluyan ang photocard sa box, "Eto 'yong kaagaw ko sa'yo."

Sinara niya 'yon kaagad bago ko pa matignan at makuha ang photocard na hawak niya lang kanina. Natawa tuloy si Claire at si Kaye sa ginawa niya.

"Kaseloso mo naman pala Asher," biro ni Kaye kay Asher. Maarteng nagkibit balikat si Asher at bumuntong hininga. "Ano'ng seloso? Kung seloso ako wala ako rito ngayon."

Kita ko sa mata niyang game na game siyang nakikipagbiruan kay Kaye kahit pa alam kong pagod talaga siya lalo pa't kagagaling niya lang sa madugong midterms exam. Sabi ko nga sakaniya mauna na lang siya sa dorm, pero nagpumilit pang sumama kasi wala raw kaming kasama ni Claire papunta kina Kaye.

Tumayo sa pagkaka-upo si Ash para lumipat ng p'westo at tumabi sa akin, nasa lapag kasi sila naka-upo ni Kaye kanina, tapos nasa sofa naman kami ni Claire. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko't nilalabanang hindi mapikit dahil inaantok na rin.

"Sabi ko naman kasi sa'yo magpahinga ka na lang." Ilang araw rin kaya siyang walang tulog. Limang major 'yong exam nila kanina. Sunod-sunod pa at thirty minutes lang ang break, kaya subsuban ang pagre-review nila ni Ark.

Buti na nga lang at dinissmiss sila ng coach nila na magpaliban muna sa practice para makapagpahinga— pero dahil dakilang makulit si Asher, imbis na umuwi; andito siya't parang batang nilalabanan ang antok sa tabi ko.

Ash held my left hand, pinagsaklop niya 'yon bago siya pumikit. "Nagpapahinga na po ako," makahulugan niyang sabi. Sa oras na ito, hindi ko pinigilan ang sarili ko na kiligin, dahil mas pinagsaklop ko nang mas maayos ang kamay namin at hinalikan siya sa cheeks niya.

Ayaw niya rin talagang nagpapatalo kaya inalis niya pa muna ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko para lang humalik sa noo ko't bumalik na rin siya sa dating p'westo.

Dahil sa ginawa niya'y napasinghap si Claire—"Lord? Bakit hindi ganito si Ark sa akin?" Tumingala siya't nag-puppy eyes sa kisame, akala mong may kung sinong pinagpapa-cute-an doon kahit dalawang butiki lang naman ang nandoon.

Maalalahanin, pero may banta siyang tinapik ni Kaye sa tagiliran, nanlulumo niya ring tinignan si Claire, marahil nagui-guilty siyang masasaktan niya si Claire sa mga salitang lalabas sa bibig niya. "Move on na Claire! Alam mo namang may nililigawan nang iba si Ark, diba?"

Aisles of Discrete Time | One Last Series # 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon